Keehana
“Eto ’yong restaurant ng kaibigan mo, hindi ba? ’Yong si Leonel,” kausap ko sa lalaki na walang imik akong inakay pababa ng sasakyan. Binuhat nito ang kapatid ko nang pasukin namin ang kainan.“Yeah . . .”
“Colonel!” Ang kaibigan nito ang unang sumalubong sa amin pagpasok. Nabigla pa ako nang bahagya ako nitong yakapin matapos makipagyakapan kay Al. Ngumiti na lamang ako rito sa pagkahiya. “Congrats, Keehana.”
Huh? Anong congrats?
Inakay kami nito papunta sa itaas habang maligalig. Tila ba pang-VIP doon dahil wala kumakain sa bandang iyon.
“Alam mo na ang ipinagawa ko, Nel. I want it now,” anang Al. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari sa kaibigan nito na maganda ang pagkakangiti sa akin, sinabihan pa ako ng congrats.
Naramdaman ko ang paghapit ni Al sa baywang ko, dahilan upang mapatingin ako sa lalaki na kalmado na ang mukha.
“Ano’ng mayroon, Al?” takang tanong ko habang inililibot ang paningin sa paligid. May mga rosas doon at halatang pang-romantikong date ang ganap.
“Shhh. Can’t wait, e.”
Napabuntong hininga na lamang ako at binalingan ang kapatid ko sa tabi na tahimik lamang. Ngunit tila ba hindi ako mapakali dahil sa mga tinging ibinibigay ni Al sa akin. Napakalalim niyon at tila ba anumang oras ay lalapain ako nito.
Kinunotan ko ito ng noo dala ng pagkailang. “Ano ba?” mariin kong bulong at tinangkang umiwas nang halikan ako nito sa labi. Ipinirmi ko ang mukha nito.
“You said earlier na boyfriend mo ako. Then why are you avoiding my kiss, huh?”
Namilog ang mga mata ko at napaurong ng upo, ngunit daglian nitong hinila pabalik ang baywang ko.
“Huy, teka! Sinabi ko lang naman iyong inutos mo,” depensa ko dala ng pangingilabot dito.
Dahil doon ay napangisi ito, hindi na nakasagot pa nang isa-isang magsidatingan ang mga staff ng kaibigan niya. Lalo lamang nangunot ang noo ko.
Inilapag nila iyon sa table na inokupa namin at bahagyang yumuko.
“Thanks a lot, Nel. You can go now,” anito sa kaibigan na ngingiti-ngiting tumango lamang, saka umalis.
Naiwan kami roong tatlo kaya tila ba lalong lumala ang pagkailang na nararamdaman ko.
“Keehana,” usal nito sa pangalan ko na ikinatingin ko rito. Ngumiti ito bago hulihin ang kamay kong nakapatong sa kandungan. “You are not allowed to say no to me, sweetheart.”
“Huh?” agad na react ko. Ano’ng pinagsasasabi nito?
Imbis na sumagot ay inusog lamang nito ang isang hiwa ng cake. Doon ko lamang napansin ang isang bagay na kumikinang sa tuktok niyon. Isang singsing na halatang mamahalin.
Awtomatikong namilog ang mga mata ko at napanganga, kahit pa gulong-gulo sa nangyayari.
Magkano kaya kapag isinangla iyon?
Binalingan ko si Al na kinuha ang singsing at bahagya iyong pinunasan, saka hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko na nanginginig at muntik nang bawiin mula sa pagkakahawak niya.
“Sa ayaw at sa gusto mo, pakakasalan mo ako, Keehana. Or else, kakasuhan kita.”
“Ha?!” gulantang na naibulalas ko at napaigtad sa kinauupuan. Ni hindi ko alam na may mas ibibilog pa ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Love and Obsession
General FictionMontehermoso Series 2 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) HIS LOVE, HIS OBSESSION Keehana Louise and Alfonso Montehermoso Pinaniwala si Keehana Louise na isang negosyante lamang ang lalaking aksidente niyang nakuha ang buong atensiyon. Ang hindi niya alam...