Kabanata 8

9.3K 291 28
                                    

HIS LOVE, HIS OBSESSION

Keehana

Kay ganda ng sasakyan nito. Mabango sa ilong at masarap sa pakiramdam ang kalambutan ng upuan. Nanunuot sa katawan ko ang lamig na hatid ng AC nito. Talagang tuwang-tuwa ang mga kapatid ko na makasakay sa ganitong klaseng van—maging ako man. Hindi ko naman itatanggi iyon.

Mula sa pagkakatingin sa unahan ay nilingon ako ng lalaki na kanina pa may kakaibang ngiti sa mga labi.
“Ako lang ang nakatira sa bahay—maliban sa mga katulong ko—kaya hindi kayo maiilang doon,” anito na tinanguan ko kahit na ngayon pa lang ay naiilang na ako sa kaniya.

Ibinaling ko na lamang sa labas ng bintana ang tingin at napangiti sa ganda ng nadaraanan namin. Hindi rin naman nagtagal ang biyahe namin. Marami itong nilikuang daan kaya halos hindi ko na natandaan pa ang daan pauwi.

Saka lamang ako lumingon sa unahan nang bumusina ito sa mataas na gate. Matayog ang pader nito at puro puno pa ang paligid. Tila pa pribado ang lupain na nakapalibot sa bahay niya dahil walang ibang bahay na nakatindig sa paligid. Isa lamang iyong malawak na tila kagubatan.

Nang bumukas ang tarangkahan ay para akong ignorante na natulala sa bahay nito. Kaakit-akit sa paningin ko ang kulay lupa at puti na pintura ng bahay. Ang ibang haligi niyon ay gawa sa salamin kaya naisip ko bigla ang mga napanood ko noong mga palabas. May pagkaluma ang disenyo ng bahay at iyon ang lalong nagbigay mangha sa akin.

“Sweetheart,” pukaw sa akin ni Al na kanina pa pala nakatitig sa mukha ko habang hawak ang pinto sa tabi ko. Napangiti ito nang makita ang pagkapahiya sa mukha ko.

Kahit nag-aalangan ay tinanggap ko ang naghihintay nitong kamay at bumaba. Binuksan nito ang pinto sa likod ng van at pinababa rin ang mga kapatid ko. Natulala pa ako rito saglit nang buhatin nito si Lanie pababa.

Umiwas agad ako nang mapatingin ito sa akin. Inakay kami nito papasok kaya tila ba nahiya ako sa hitsura ko. Kay ganda ng mga kagamitan niya na makaluma na ngunit hinaluan ng pagkamoderno. Iyon ang napapansin ko sa disenyo ng magara niyang bahay. Ni hindi ko maipagkakaila na mayaman nga talaga siya. Mas lalo kaming nagmumukhang hampas-lupa rito ng mga kapatid ko.

“Gutom na ba kayo? Balak ko sanang mag-order pa ng pizza at ice cream para sa mga kapatid mo,” baling nitong muli sa akin na ikinatigil ko.

Hilaw akong natawa nang hindi naitago ng mga kapatid kong babae ang tuwa sa narinig. “Ice cream, Ate Keehana!” tuwang sambit ni Nadine kaya halos lumubog ako sa kahihiyan. Pasimple kong tinakpan ang bibig nito na tinawanan lamang ni Al.

“It’s okay, Keehana. Hayaan mo na ang mga bata na maging masaya,” wika nito bago dumukot ng magarang phone sa bulsa kaya hindi na ako naka-angal pa. Ngayon pa lang ay naglalaway na ako sa kakainin namin. Bihira lang naman ang ganitong pagkakataon sa amin na makatikim ng mga masasarap na pagkain. Nakakahiya ngunit iyon talaga ang nararamdaman ng tulad kong salat sa pagkain at pera.

Pinaupo kami nito sa malambot na upuan sa sala ng bahay at binuhay ang malaking flat screen TV. Halos maduling pa ako sa laki niyon ngunit namangha rin.

“Ano ang gusto ninyong panoorin habang hinihintay natin ang in-order ko?” aniya habang nakatitig sa mukha ko na hindi maawat ang tuwa. Parang noong mga nakaraan lang, ni hindi ko magawang ngumiti at matuwa. Ngayon ay para bang wala akong iniindang problema.

“I-Iyong babaeng naging prinsesa na lang. ’Yong may mga kasama siya na pitong duwende, tapos may prince charming na pogi,” suhestyon ko dahil iyon ang palabas na napanood ko dati sa kapit-bahay. Hindi ko nga lang natapos dahil pinagsarhan kaming dalawa ni Tania ng pinto at bintana. Pero naaalala ko na maganda iyong palabas.

Love and ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon