Keehana
“Natawagan na namin si Kuya. Unfortunately, hindi pa siya makadiretso ngayon dito dahil may—” Tumigil ito sandali at nag-isip ng sasabihin. “I guess, sobrang busy talaga sa ginagawa? I don’t know. Sorry.”
Nahahapo akong ngumiti kay Ate Thy at napayuko dala ng takot. Hindi ko kasi alam ang gagawin kanina. Bigla na lamang akong natumba at nawalan ng malay habang naglilinis ng higaan ng mga kapatid ko. “O-Okay lang po, Ate. Salamat po sa pagpunta rito.”
Gusto ko na lamang umuwi. Nininerbyos ako lalo na at wala rito si Al sa tabi ko.
Napatungo ako lalo nang marahang kuhanin ni Ate ang aking nanlalamig na kamay at pinisil iyon. Kanina ko pa halata ang pagkabahala sa mukha nilang mag-asawa ngunit hindi ko naman alam kung para saan.
May sakit ba ako?
“Keehana, I have a question,” anang Ate na ikinakaba ko lalo. Tiningala ko ito at naghintay ng sasabihin. Nagkatinginan pa ang dalawa bago ako muling harapin ng kapatid ni Al. “May history ba kayo ng sakit sa puso?”
Huh? Tila ako napatanga sa naging tanong nito. Bagamat nagtataka ay umiling lamang ako. “W—Wala po, Ate.”
“Alright. Hintayin na lang natin ang kapatid ko at kakausapin ka ng doktor about your condition, okay?”
Tumango ako rito at nagpahinga. Mabuti na lamang at dumating sila rito upang bantayan ako. Baka mabaliw ako kung gigising akong nag-iisa rito at hindi alam ang gagawin. Ngunit kahit na narito sila, hindi pa rin ako mapanatag. Nais kong makita si Al dahil sa kaniya lamang ako mas komportable.
Hindi rin naman nagtagal at dumating na rin sa wakas si Al. Isang mariing halik at yakap ang naging pagsalubong nito sa akin bago ako pakatitigan.
“Are you okay now, sweetheart? I’m sorry, may inasikaso kasi kami kanina.” Tumigil ito sandali, at ang kaninang nag-aalalang mga mata ay napalitan ng kaligayahan sa hindi ko malamang dahilan. Bumaba ang tingin nito sa tiyan ko at hinaplos iyon kaya nailang ako at sumiksik dito. Inalis ko pa ang kamay nito bago sumimangot. “Why?”
“Ano ba ang nangyayari, Al?” nababahalang tanong ko. Tumingin ako rito na nag-isang linya ang mga labi. “Ayoko na rito. Uwi na tayo, please,” pakiusap ko pa rito.
Napahinga ito nang malalim at marahang hinaplos ang ulo ko. “Alright. Pero susuriin ka pa ng doktor bago palabasin kaya behave ka muna rito, okay?”
Wala akong nagawa kundi ang tumango rito. Ilang sandali lang naman at dumating din ang doktor na susuri sa akin. Tulad ni Ate Thy, nagtanong din sa akin ang doktor kung may sakit sa puso ang angkan namin.
Doon na ako kinutuban ng masama. At hindi nga ako nagkamali nang ipakumpirma nito sa akin ang mga sintomas ng sakit sa puso na minsana’y nararanasan ko at binabalewala. T-in-est din nila ako kanina at doon nila nakita ang problema ko sa katawan.
Wala, wala akong ideya dahil wala namang may sakit sa puso sa side ni Mama. Hindi ko rin naman alam sa side ng ama ko dahil hindi ko naman kilala.
“ . . . may posibilidad na lumala iyan lalo na ngayon na nagdadalang-tao ka, Misis. Pero kung maaalagaan ka nang husto, puwede mo pa ring mailabas nang maayos ang twins mo.”
Tila ba ako sinabugan ng bomba sa mukha sa narinig. Ilang sandali pa nang maging manhid ang katawan ko, pilit na ipinapasok sa isip ang mga salitang narinig.
A-Ano? B-Buntis ako?
Tiningala ko si Al sa tabi ngunit nanatili lamang sa doktor ang tingin nito. Hindi natinag ang seryoso nitong mukha.
BINABASA MO ANG
Love and Obsession
General FictionMontehermoso Series 2 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) HIS LOVE, HIS OBSESSION Keehana Louise and Alfonso Montehermoso Pinaniwala si Keehana Louise na isang negosyante lamang ang lalaking aksidente niyang nakuha ang buong atensiyon. Ang hindi niya alam...