Keehana
Nanlaki na lamang lalo ang mga mata ko nang mapatingin ito sa akin. Kita ko kung paano ito matigilan, saka agad na kinalikot ang laptop bago tumayo.
“Keehana sweetheart . . .”“A-Ano iyon?” pagtatanong ko rito kahit na alam ko namang litrato ko ang tinititigan nito kanina. Tila pa ako nanghina at nanginig nang hablutin nito ang pulso ko at hinila ako papasok sa loob.
Natigalgal ako sa gara ng opisina nito. Nagkalat pa ang mga papeles nito sa mesang nasa tabi.
“Hmm, kagigising mo lang?” tila nanlalambing na anito na ikinatigil ko sandali.
Tiningala ko ang lalaki na para bang wala sa katinuan. Kakaiba ang klase ng tingin nito sa akin. Tingin na nagbibigay ng kilabot sa buo kong pagkatao.
“A-Ah, oo. Tulog na kasi ang mga kapatid ko kaya naisipan ko na hanapin ka,” mahina kong turan. Napansin ko agad ang pag-angat ng sulok ng labi nito.
Hinila ako nito paupo sa sofa na naroon, ngunit ang ikinabigla ko ay nang kandungin ako nito. “It’s so cute to know that you are looking for me, sweetheart,” tuwang anito bago dahan-dahang isinubsob ang mukha sa leeg ko.
Awtomatikong nag-isang linya ang mga labi ko at nakaramdam ng kiliti sa ginawa nito. Amba ko pang itutulak ang ulo nito nang hablutin nito ang kamay ko at mariing niyakap.
“Al . . .”
Umalingawngaw ang mahinang halakhak nito kaya tila ako nanigas sa kinauupuan. “I really love your smell, my Keehana,” gigil nitong turan at inangat ang bibig sa gilid ng labi ko. “Puwede ba akong makahingi ulit ng halik mo?” dagdag pa nito kaya tila ako inatake sa puso.
Halik na naman?
Hindi ko ito tinangkang lingunin dahil alam ko na ang kahihinatnan namin kapag ginawa ko iyon. Sa pagkakataong iyon ay sinimangutan ko ito. “Ano ba ang mayroon sa mga labi ko at gustong-gusto mo ng halik?”
“Masarap, matamis at nakaka-adik.” Ngumisi ito sa nakitang pamumutla ko. “Now, puwede mo na ba akong pagbigyan? Don’t worry, halik pa lang naman.”
“Ayoko nga. Tanda mo na, e.”
Marahan itong natawa at sininghot ang buhok ko. “Treinta pa lang naman, hmm,” bulong nito sa tainga ko, dahilan upang manayo ang mga balahibo ko.
Nilingon ko ito nang mabilis, para lamang pagsisihan iyon dahil daglian nitong sinalubong ang mga labi ko ng halik. Pinigil nito ang mga kamay ko nang tangkain kong itulak ang mga kamay nitong nakayakap sa akin.
Nang ipirmi ako nito ay bumigay na lamang ako rito bigla. Noong una ay hindi ko pa masundan ang galaw ng mga labi nito, ngunit kalauan ay nakasabay na rin ako at nakipaglaban dito. Nalasahan ko pa ang pait sa bibig nito na tila mula sa kape na ininom nito bago pa ako dumating dito.
“A-Ahh . . .”
Isang ungol ang umalpas sa bibig ko nang ipasok nito ang dila sa loob ko. Tila ba may hinahanap at ginagalugad. Halos sakupin pa ng bibig nito ang akin, kaya ramdam ko ang basang-basang palibot ng mga labi ko.
Saka lamang ito tumigil nang halos kapusin na ako ng hininga. Habol-habol ko ang hangin nang magkahiwalay ang mga labi namin at agad na nag-iwas dito.
Nahihiya ako sa ginawa kong pagtugon dito, ngunit hindi ko naman maitatanggi na nagustuhan ko ang tamis at lagkit ng halik nito. Tiyak na hindi na naman ako makatutulog nang maayos nito mamaya.
Napatakip na lamang ako ng mukha na ikinatawa nito nang mahina. Nagawa pa nitong yakapin ang baywang ko bago ako sapilitang ipaharap dito.
Hinayaan ko ito na punasan ang bibig kong binasa niya ng laway. Ni hindi ko nagawang umimik habang nakatingin sa seryosong mukha nito, lalo na sa mga mata nito. Naroon ang kislap na tila ba masaya ito at doon lamang niya ikinikimkim ang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Love and Obsession
General FictionMontehermoso Series 2 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) HIS LOVE, HIS OBSESSION Keehana Louise and Alfonso Montehermoso Pinaniwala si Keehana Louise na isang negosyante lamang ang lalaking aksidente niyang nakuha ang buong atensiyon. Ang hindi niya alam...