Keehana
Halatang bagong pintura lamang ang pader ng dingding at ang gate rito.
Bumusina si Al. Mayamaya’y lumabas ang isang katulong. Ipinasok ni Al ang sasakyan papunta sa tingin ko ay garahe ng bahay.
“They’re already waiting for us,” anito matapos patayin ang makina.
Tahimik lamang akong tumango. Lumabas ito at saka ako pinagbuksan ng pinto, inalalayan pababa at saka kami naglakad papasok kasama ang mga bata.
Pinagmasdan ko ang paligid. Medyo malaki ang bahay nila at kasya na rito ang dalawang pamilya. Hindi ito ganoon kagarbo tulad ng bahay ni Al, ngunit maganda naman tingnan.
Nginitian niya ako nang magtama ang tingin namin.
“Wanna know the funny story behind this house?” aniya at pinaupo ako sa couch.
Wala pang tao sa sala nila ngunit may mga naririnig akong boses sa ‘di kalayuan. Boses ng mga bata at ni Ate Thy.
Tumango ako kay Al.
Natawa itong muli at inakbayan ako habang nakaupo kami sa couch.
“Ang bahay na ito ay pagmamay-ari ng iba noon. Ibinenta dahil wala na ring titira rito. Noong magkaroon ng kaunting ipon si Dad ay nagsimula siyang hulog-hulugan ang bayad para mabili ito, for his future family. Pero nang magkakilala sila ni Mommy at nagkapalagayan ang loob ay nalaman ni Dad na gusto nang bumukod ni Mom sa Tito nito. Plinano niya na ang Mom na lang ang pakuhanin nitong bahay kaysa mapunta pa si Mom sa ibang lugar at mapalayo,”
“My father and his friend planned it, pinalabas nilang binayaran ni Mommy ang bahay na ito sa halagang isang daang libo mahigit, kahit na ang tunay na halaga talaga nito ay milyon. It’s so funny, right? Maloko ang ama ko,” pagkukuwento niya kaya nangunot ang noo ko.
“You mean, ang Dad mo ang nagbayad ng halos milyon dito sa bahay pero ipinangalan nila sa Mom mo na ilang libo lamang ang ibinayad?” paglilinaw ko na tinanguan niya.
Natawa ako.
Siguro ay mahal na mahal talaga ng ama ni Al ang Mommy nila noon kaya nagawa nito ang bagay na iyon.
“Pero hindi man lang ba nagtaka ang Mommy mo kung bakit napakamura nito kahit na buo na ang bahay?” takang tanong ko.
Kasi kung ako ‘yon ay magtataka ako kung bakit ang baba ng presyo nito. Minsanan na akong napadpad sa mga ibinebenta na malalaking bahay. Milyones ang halaga ng mga iyon kaya nakalulula ang presyo.
“No, akala niya nga niloloko siya pero nakumbinsi pa rin. Kumbaga ang daling mauto. Lumaki kasi sa yaman ang Mom ko mula pagkabata at wala gaanong karanasan sa mga ganoon kaya madaling malinlang at mapa-oo. Mabuti na nga lang at si Dad ang luminlang sa kaniya.”
Amba akong sasagot nang bigla akong mapatayo dahil sa isang sopistikadang babae na biglang pumasok.
Nabungaran ko ang stress na stress na mukha ng ginang kaya nakagat ko ang ibabang labi sa kaba.
“O, darling! You’re here!” gulat at masayang naisambit nito at saka ako niyakap. Ganoon din ang ginawa nito kay Al, ngunit may pasimpleng kurot sa tagiliran nito.
Ngumiti ako rito, “H-Hello po . . .” Nakahinga naman ako nang maluwag sa ngiti nito. Akala ko ay pagsusungitan ako.
Sunod na lumitaw sa main door ay ang tatay nila. Ngumiti at tumango ito sa akin na tila paraan nito ng pagbati.
“Mom, dito muna kami tutuloy ngayong gabi. Is that okay?”
Natuwa lalo ang mukha ng Mom niya. “Of course, anak! Kung ako nga lamang ang masusunod ay gusto kong palagi kayong naririto at nang hindi palaging tahimik ang bahay. But anyways, parehas kaming nag-take ng leave nang isang araw ng Dad ninyo. Bukas niya raw kasi aasikasuhin itong bahay.”
BINABASA MO ANG
Love and Obsession
General FictionMontehermoso Series 2 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) HIS LOVE, HIS OBSESSION Keehana Louise and Alfonso Montehermoso Pinaniwala si Keehana Louise na isang negosyante lamang ang lalaking aksidente niyang nakuha ang buong atensiyon. Ang hindi niya alam...