Kabanata 20

7.1K 232 31
                                    

Keehana


“A-Al,” naisambit ko nang lapitan nito kami ng mga kapatid ko. Binuhat nito si Lanie na humihikbi bago balingan ang kasambahay niya na halatang natakot.

“I said, leave! Leave my house!” bulyaw nito sa babae na napaiyak bigla.

Natulala ako sa lalaki at marahang napalunok. Kita at ramdam ko ang galit nito sa kasambahay niya kaya naman nakaramdam ako ng pagkabahala.

“Al,” pukaw ko rito at humawak sa braso nito ngunit hindi niya ako pinansin.

Nang umalis ang babae na umiiyak ay tinuyo nito ang luhaang mukha ng kapatid ko bago ako balingan. “I’ll talk to you later, sweetheart. For now, continue what you are doing in the kitchen, hmm?”

Wala sa sariling tumango ako rito at hinayaan itong halikan ako sa noo. Inakay ako nito papasok sa kusina bago ito magtungo sa kung saan, bitbit ang kapatid ko na tumahan na.

Pinagmasdan ko na lamang ang nilabasan nito at napahinga nang malalim.

“Ganiyan kalupit si Señorito sa ibang tao lalo na kapag malapit sa kaniya ang taong inaagrabyado. Sayang lang at sinayang ng babaeng iyon ang pagkakataon na makatanggap ng malaking sahod,” iiling-iling na ani Manang na sumunod sa akin at ipinagpatuloy ang paghihiwa ng mga rekado.

Umawang ang aking bibig sa narinig at natulala sa manok na hinihiwa. “T-Tanggal na po talaga siya?” paniniguro ko na agad naman nitong tinanguan.

“Oo, hija. Hindi naman magtatanggal iyan basta-basta si Señorito ng tauhan. May camera sa bawat sulok nitong bahay kaya tiyak na nakita nito ang ginawa ng babaeng iyon sa kapatid mo. Pasensiyahan na lang pero iyon ang kalakaran dito, walang patawad. Gumawa siya ng mali, then face the consequences. Nagkamali siya ng binangga dahil kapatid mo pa ang kinanti niya. Mas malala pa nga ang gagawin ni Señorito kung ikaw na ang ginawan ng masama ng ibang tao.”

Hindi ko alam na madaldal pala ito. Noong una ay masungit tingnan. Tipid na lamang akong ngumiti rito.

Nang matapos kami sa pagluluto ay sakto namang dating ni Al at mga kapatid ko. Tumigil ako sa pag-aayos ng kubyertos at pinagmasdan si Al na seryoso ang mukha, ngunit nang mapansin ako ay agad din namang ngumiti.

“Sorry about that, sweetheart. Sisiguraduhin ko na hindi na mauulit muli ang pananakit ng iba sa kapatid mo,” malumanay na anito bago maupo sa tabi ko.

Natuptop ko na lamang ang bibig kahit na bahagyang nakonsensiya dahil nawalan pa ng trabaho ang babaeng iyon. Ayoko namang makialam sa desisyon ni Al at baka mapagalitan pa ako.

“K-Kain na,” ilang kong alok dito at pinagsandukan ang plato nito. Hindi na ito umimik at tahimik na lamang akong sinundan ng tingin.

“Darating ang kapatid ko sa mga susunod na linggo, sweetheart. Ipakikilala kita sa pamilya ko bago pa tayo maikasal. We’ll go to my parents’ house, hmm?”

Naupo ako at tiningnan ang lalaki na seryoso lamang ang mukha na nakatingin sa akin. Agaran akong tumango kahit pa biglang kinabahan sa sinabi nitong kasal.

“Kailan . . . K-Kailan ba tayo ikakasal?” alanganing tanong ko, napuna ang pagkatigil ng mga kapatid ko sa harapan.

Umawang ang bibig ni Tania at naibaba ang hawak na kutsara. “Ikakasal kayo, Ate? Hala! Edi pupunta tayo ng Zambales?” bulalas nito na para bang na-excite pa.

Pinigil ni Al ang mga ngiti at sumimsim sa hawak nitong baso ng tubig. “Yeah, right. Engaged na kami ng Ate Keehana mo, Tania. Just this month ay pakakasalan ko na siya sa harap ng gobernadora.”

Love and ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon