Kabanata 27

4.6K 135 40
                                    

Keehana

Tama ngang kapatid ko siya. May aalis, mayroon ding darating sa buhay namin. Siguro sa ganoong paraan, maiibsan ang lungkot ko kay Mama. 

Malalim akong bumuntong hininga habang tulala sa mataas na kisame ng sala. “May tanong lang ho ako . . .”

“Yes?” 

Huminga ako nang malalim upang ilabas ang bigat ng dibdib, bago ibuka ang bibig. “M-Makakalaya pa ho ba ang ina ko? Papaano kung saktan siya ng mga kasama niya roon?” Natigilan ito sa narinig, gayon pa man ay hindi agad umimik. Napayuko na lamang ako sa lungkot. “Natatakot ho ako. H-Hindi ko kasi kayang makita na ganoon ang sitwasiyon ng Mama ko. Sa muling pagkakataon, iiwanan na naman niya kami . . .”

“Adapt and survive, Keehana. That’s life. Focus on your siblings, especially to your unborn babies. Mahirap mawalan ng anak dahil sa stress . . .”

Pareho kaming natigilan nang makarinig ng sunod-sunod na tunog ng doorbell. Sinulyapan ako ng lalaki bago tumayo upang alamin kung sino iyon. Imposibleng si Al iyon, kaaalis lang niyon. 

Pagbukas ni Zach ng main door ay may narinig na akong pamilyar na tinig, dahilan upang matigilan ako at manlamig. 

“Keehana, lumabas ka riyan! Ilabas ninyo siya!”

“Keehana, go to your room,” matigas na utos ng lalaki sa akin nang balingan ako, tuloy ay wala akong nagawa kundi ang magtungo sa kuwarto kahit pa mabigat ang loob. 

Mula sa salaming bintana ay tinanaw ko ang dating kaibigan na kinukulit ang mga guwardya sa gate. Naroon na rin si Zach na kinakausap ang kaibigan ko nang mahinahon. 

Bigla na lamang nangilid ang mga luha ko habang tahimik na nakatanaw rito. 

Papaano kaya nito natunton ang kinalalagyan ko? 

At papaano kung labanan nito ang mga Montehermoso dahil sa akin, baka malagay sa alanganin ang ibinigay na pagkakataon sa kaniya ng mga Montehermoso na makapag-aral nang libre at makapag-abroad. Iyon lang ang tanging paraan ni Oli para mabayaran ang lahat ng gastusin at masolusyunan ang problema niya sa pamilya. 

Kumurap-kurap ang mga mata ko nang mapansing masiyadong napatagal ang pagtitig ko sa nangyayari sa labas. 

Oliver . . . 

Pati buhay niya, nagugulo dahil sa akin. Kay pait tuloy alalahanin ng naging nakaraan namin. 

Okay na okay naman kami noon. Kuwentuhan, tawanan, asaran. Pero simula nang mapunta ako kay Al, alam kong nag-iba na ang pagiging magkaibigan namin. Nag-iba na ang buhay ko. 

Ginusto ko rin naman ito noon—ang buhay na ito dahil kay rangya at nakakasilaw ng mga mata. Pero hindi mala-fairytale palagi. 

Marahan akong lumunok habang pilit na sumasagi sa isip ko si Al. Nakakakaba. Nakakatakot. Papaano kung malaman niyon na naririto si Oliver? Malamang ay malalaman agad nito ang tungkol doon. Baka maging sanhi pa ng gulo. 

Nais kong humingi ng tulong kay Oli upang makaalis ako rito. Ngunit kay hirap isipin, kay hirap kalabanin ni Al dahil may impluwensiya iyon dito. 

Kinabukasan ay akala ko, hindi na kami dadalaw pa kay Mama. Alas cinco na nang salubungin ako ni Al ng balitang bibisitahin namin si Mama sa hospital. Laking tuwa ko na may halong takot. 

Wala akong sinayang na oras at agad na nag-ayos. Bagamat masama ang timpla nito dahil sa pagpunta ni Oli rito kahapon ay hindi ito nag-open sa akin patungkol sa kaibigan ko. Kagagaling lamang nito mula sa trabaho at mukhang pinagbigyan lang ako ngayon dahil sa pagiging matamlay ko mula pa noong mga nakaraan. 

Love and ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon