Kabanata 9

9.6K 260 36
                                    

HIS LOVE, HIS OBSESSION

Keehana

“A-Al,” nanginginig kong pigil sa pisngi nito nang tangkain muli nitong dampian ng labi ang akin.

Mabilis kong iwinaksi ang mga kamay nito nang inambahan niya ako ng yakap. Tila ba bumalik na naman sa isip ko ang nangyari noong nakaraan.

Shit! Bakit ba ako nadala masiyado sa karangyaan niya? Baka katawan ko naman ang kapalit niyon.

Inabot ko ang seradura ngunit agad ding dinumbol ng kaba nang mapantantong hindi iyon mabuksan.

“Keehana,” malumanay na tawag nito sa pangalan ko at marahang hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa door knob—na naging dahilan ng pag-igtad ko. Tumingala ako rito at napaluha nang wala sa sarili. Agad nitong sinapo ang pisngi ko matapos akong iharap sa kaniya at niyakap nang mahigpit ngunit may pag-iingat. “Shh, don’t worry, sweetheart. Hindi kita sasaktan dito, walang mananakit sa iyo rito, hmm? Tumahan ka na.”

Napahikbi ako sa dibdib nito at bahagyang kumalma sa sinabi nito. “B-Bakit mo ba ito ginagawa sa akin, Al?”

Ngumiti lamang ito nang tipid bago ako hilahin pahiga sa kama. “Matulog ka na, Keehana. Ipahinga mo muna ang katawan mo at isip, bukas din ay mag-uusap tayo nang masinsinan tungkol sa nangyari sa iyo at sa mga dapat na gawin. Ipakukulong natin ang mga iyon, hmm?”

Bumuka ang bibig ko sa sinabi nito at bahagyang kinabahan. Tila ako nakaramdam ng hiya na magkuwento tungkol doon sa kaniya, lalo na at nagkasagutan kami kagabi at sinabi ko pang hindi ko kailangan ng tulong niya. Nagsisisi tuloy ako sa mga sinabi ko kagabi. Kakainin ko rin naman pala ang mga salita ko dahil alam ko sa sarili ko na kailangan ko nga ng tulong niya.

Natulala ako sa mukha nito habang nakaupo ito sa gilid ng kama at inaayos ang kumot ko. Pambabaeng-pambabae rin ang kamang kinahihigaan ko dahil pink ang kumot at puso na puti at pink pa ang ng unan.

Tumikhim ako matapos isara ang bibig nang mapansin na nakatitig ito roon.
“Salamat, Al. Saan ka pala matutulog?”

“My pleasure, sweetheart,” ngiting anito at pasimpleng hinaplos ang kamay ko na nakapatong sa tiyan. “Diyan lang ako sa couch matutulog. This is my room also.”

“Ha?” Awtomatiko akong napabangon sa narinig. Kuwarto niya ito? Hindi nga? “Mahilig ka pala sa pink?” hindi makapaniwalang tanong ko rito.

Iyon naman halos ang kulay ng mga kagamitan niya rito. Lalo na ang higaan. Natigilan ito sandali, mayamaya ay natawa sa sarili.

“No, pinapalitan ko lang ang mga gamit ko rito para naman maging komportable sa iyo.”

“A-Ano?” Muli akong napatanga rito.

Nang tila mapagtanto nito ang sinabi ay agad itong napamura nang malutong at tumayo. “Nevermind. Matulog ka na lang, Keehana.”

Agad itong naupo sa couch nito at sinulyapan ako bago mahiga. Tumango na lamang ako sa kawalan at nahiga. Ngunit nang maalala na basa pa pala ang buhok ko ay bumangon akong muli. Nagkuwentuhan na lamang kami habang hinihintay kong matuyo ang buhok ko, at nang matuyo ay nakatulog akong muli.

Nagising na lamang ako kinabukasan nang alas siete. Masiyadong napasarap ang tulog ko sa malambot na kama at malamig-lamig na temperatura. Agad akong bumangon at naglinis ng sarili sa magarang banyo. Matapos ay gumala ako sa labas ng room ni Al upang busugin ang mga mata.

Nakapagtataka na wala siya masiyadong litrato rito. Isa lamang ang natiyempuhan kong litrato niya rito at iyon ay nakasakay siya sa itim na kabayo. Sa pader ng sala niya iyon ikinabit kaya kitang-kita.

Love and ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon