Keehana
Lumalim ang katahimikan matapos ako nitong halikan. Napatungo na lamang ako nang pagmasdan nito ang mukha ko habang nakangiti na tila ba maganda ang mood.
“I have prepared your breakfast. Eat it so I can take you to the shop.”
Marahan akong tumango, tila ako nahihirapang magsalita dahil sa bikig sa lalamunan ko.
Inurong nito sa harapan ko ang pinggan at isang baso ng gatas. Gulay ang ulam kaya agad akong naglaway. Kumain lamang ako nang tahimik habang ang lalaki naman ay nakamasid lamang sa akin na nainom ng barakong kape.
“Nakausap ko iyong may-ari ng shop early this morning. Sinabihan niya ako na gustong-gusto ka loko-lokohin ni Steve para guluhin ang pagsasama natin. Babantayan kita roon dahil tatambay na naman doon ang ungas na iyon para manggulo,” anito na ikinatigil ko sa pagnguya.
Tumango na lamang ako at napainom ng gatas. “S-Sige, salamat.”
“Sa Linggo, maaga akong uuwi. Pupuntahan natin ang lumang bahay ninyo, kukuhanin natin doon ang mga gamit ninyo na sa tingin mo ay importante. After that, hinding-hindi ka na babalik sa dati mong bahay at buhay. You will stay with me.”
Napatanga ako sa sinabi nito. Humanap pa ako ng ebidensiya na nagbibiro lamang ito, ngunit bigo ako dahil tanging kaseryosohan lamang ang nakita ko sa mukha nito. “H-Hindi na kami babalik doon? E, papaano ang ina namin? Tiyak na hahanapin kami niyon doon!” alanganing sambit ko dahil sa pagbigat ng dibdib ko sa ideyang iyon.
Alam kong babalik pa si Mama. At ayokong mag-alala pa ito nang husto kapag nalaman niya na tuluyan na naming nilayasan ang bahay namin mula pa noon.
Tumigil ang lalaki at matiim akong tinitigan sa mga mata, na naging dahilan ng pagkabalisa ko. “Do you think hahanapin pa kayo ng Mama mo? She knows where you guys are. Alam niyang nasa paligid lang ako simula noong magkakilala tayo, at nang mapunta ka sa puder ko. Kaya nga hindi kayo hinahanap ng nanay n’yo, or let’s just say . . . hindi na kayo tinangka pang balikan. Huwag ka nang umasa na babalikan pa kayo n’yon.”
Tila isang malaking bato ang bumagsak sa akin dahil sa sinabi niyang iyon. Para bang isa-isang gumuho ang bawat parte ng pasan kong mundo, at lahat iyon ay bumagsak sa akin.
Namanhid ang isip ko’t katawan, ni hindi agad naka-imik dala ng gulat. P-Papaano niya nasabi ang mga bagay na iyon? At mukha pa siyang galit!
Binitiwan ko ang hawak na kutsara at hinarap ito nang tuluyan habang nakaupo sa stool. “P-Paano mo nalaman iyan, Al? A-Alam . . . Alam mo kung nasaan si Mama ngayon? Nagkita kayo?” wala sa wisyong tanong ko sa lalaki na nagtatagis ang bagang sa hindi ko malamang dahilan.
Alam ni Mama kung nasaan kami? At hindi niya na kami babalikan? Ngunit bakit? Sinabi niya na babalik siya! Hindi puwede na hindi niya kami babalikan! Naghihintay kami sa kaniya, lalo na ang mga bata!
Naramdaman ko ang panlalabo ng paningin dahil sa luha na bigla na lamang rumagasa. Tumayo ang lalaki sa harapan ko at sinapo ang mukha ko nang masuyo.
“She keeps on running away, Keehana. May pinagtataguan siya at ayaw niyang humarap sa inyo nang dahil sa akin. Now, stop crying.”
“H-Ha?” Nang dahil sa kaniya? Hindi naman niya sinagot ang mga tanong ko. Nais kong makausap ang aking ina! Tuliro ko itong tiningala at inalis ang mga kamay nito sa mukha ko. “Nasaan siya, Al? Kakausapin ko siya, please. Nailabas na ba niya ang bunsong kapatid ko? Gusto ko silang makita!” sunod-sunod at desperada kong turan.
Pilit kong binabaklas ang mga kamay nito na panay ang pagpirmi sa akin, ngunit matigas ang aking isip dahil sa pangungulila sa ina.
Hanggang sa napikon na ito sa akin at mariing pinisil ang baywang ko na ikinangiwi ko at napatungo.
BINABASA MO ANG
Love and Obsession
General FictionMontehermoso Series 2 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) HIS LOVE, HIS OBSESSION Keehana Louise and Alfonso Montehermoso Pinaniwala si Keehana Louise na isang negosyante lamang ang lalaking aksidente niyang nakuha ang buong atensiyon. Ang hindi niya alam...