Kabanata 24

5.7K 186 36
                                    

Keehana

“So, kailan ka magpapakita sa mga magulang natin?”

“Later, Thy. Just give me time to rest for a while,” anang kapatid nila na bagong gising lamang.

Nilingon ko ang mga ito na kadarating lamang ng kusina habang tumutulong ako sa paghahanda ng agahan.

“Sobrang pagod ba, Zach Martin?” may himig ng pang-aasar sa tinig ni Ate Thy. “Sabagay, nakakapagod talaga maghintay sa babaeng walang kasiguraduhan kung babalik pa.”

Ow.

Pasimple kong sinulyapan ang kapatid nila na bahagyang natigilan at nagtagis ang bagang. “Huwag mo akong unahan, Thy. Kakaladkarin kita sa balwarte ng mga terorista.”

“Eto naman. Asar-talo pagdating sa pinakamamahal na babae. Hay! Pag-ibig nga naman.” Iiling-iling na naupo sa upuan ang babae bago ako balingan. “Good morning, Keehana.”

Napangiti ako nang tipid dito at gumanti rin ng bati. Maagang umalis si Al dahil may aasikasuhin daw ito sa trabaho kaya wala na rito.

“By the way, uuwi na ako mamaya at hinahanap na ako ng matanda. Si Martin ang naatasang tumingin sa iyo rito, Keehana,” anito pa na ikinagimbal ko.

H-Ha? Pababantayan pa talaga ako sa kapatid nila? Naiilang at kinakabahan na nga ako rito dahil sa presensiya ng kapatid nila. Nakakatakot ang hitsura at asta. Gayumpaman ay tumango na lamang ako dahil wala naman akong karapatan na umangal. Unang-una ay nakikitira lamang kami rito ng mga kapatid ko.

“Ate! Ate!”

Pare-pareho kaming natigilan dahil sa humahangos na si Tania na bitbit ang cellphone nito at hingal na hingal. Nahiya lamang ito bigla nang mapansin ang mga kapatid ni Al at nag-sorry.

Lumapit sa akin ang kapatid ko na tila nagmamadali at iniharap sa akin ang phone nito. Agad na nangunot ang noo ko, ngunit nang mabasa ang nakasulat doon ay tila ako binuhusan ng napakalamig na tubig.

“Ano ’yan?”

Nag-angat ako ng tingin kay Ate Thy na nababakasan ng pagtataka sa mukha dahil sa pagkatigil ko.

Daglian akong umiling at napakagat ng ibabang labi. “W-Wala ho. M-May ano lang, may . . . nakita akong kakaiba. He-he.”

Halatang hindi bumenta iyon sa kanila, lalo na sa lalaking matiim akong pinakatitigan. Para bang inaalam ang iniisip ko. Daglian kong itinulak palayo ang phone ni Tania at tumalikod.

Hindi ko napigilan ang mariing pagkagat sa ibabang labi habang nanginginig ang kalamnan dahil sa galit, gulat at pagkabahala.

“Hindi ka kakain?” takang tanong ni Ate nang magpaalam ako sa mga ito matapos namin maihanda ni Manang ang agahan.

Alanganin akong tumango rito at agad na nagbaba ng tingin. “K-Kumain na po ako kanina. S-Sige po . . .”

Ngali-ngali kong tinahak ang daan paakyat. Hindi maalis-alis sa akin ang pangangatal ng mga labi, ni hindi ko napansin ang pagsunod sa akin ni Tania.

“S-Sino ang nag-send sa iyo niyon?” Hinarap ko ito at napatakip ng bibig upang pigilin ang mga hikbi.

“Si Kuya Oliver, Ate. Ngayon lang daw siya nagkaroon ng social media account kaya ngayon lang niya ako nahanap. Gusto ka raw niyang makausap, Ate,” naiiyak na sambit nito kaya lalong dinaga ang dibdib ko.

Hindi, hindi ito maaari . . .

“Tania, a-ano ba ’to? Seryoso ba si Oliver?” Pinigil ko ang mataranta nang husto, ngunit hindi ko mapigil ang bugso ng damdamin.

Love and ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon