Kabanata 3

9.8K 212 19
                                    

HIS LOVE, HIS OBSESSION

Keehana

Tinapik ko ito nang hindi ito tumugon.

“A-Ate,” kinakabahang sambit nito. Nawala ang ngiti ko at napalitan ng pag-aalala. “Tingin ko ay hinahanap ka na talaga ng tunay mong ama...”

Huh?

Napanganga ako sa sinabi nito.

“Bakit?” Inilapag ko ang mga dala ko sa gilid.

“E, iyong lalaki na pinapasok ni Tania kanina ay ikaw po ang hinahanap niya. Baka po half brother n’yo na po iyon at nais na kayong kunin para dalhin sa tunay mong tatay. Ate, huwag kang sasama kapag kinuha ka ng lalaki na iyon, a? Dito ka lang sa amin.”

“Owen naman, ’wag mo ngang takutin si ate. Kinakabahan ako sa iyo, e. At saka hindi naman talaga ako sasama kung sakaling ganoon nga.”

Totoo ’yon. Hindi ko sila ipagpapalit sa kahit na sino. Kahit pa sa totoo kong ama.

“’Wag mo nang pansinin ’yon, okay? Ako na ang bahalang kumausap doon mamaya. Kung bakit ba naman kasi pinapasok ni Tania iyon, e,” nangungunsumi kong turan.

Agad akong nagpalit ng damit upang palitan ang pinagpawisang saplot. Pagkatapos ay hinarap ko ang bata na hanggang ngayon ay tahimik. “Dito ka lang, ha? Sasabihan ko ang mga bata na pumunta rito,” wika ko.

Tumango ito kaya bumuntong hininga ako bago lumabas ng kuwarto.

Pagkalabas ko ay dala-dala ko ang takot dito. Agad na tumama sa akin ang tingin nito na kahit sino ay tatakbo palayo.

Sino ba naman ang hindi kakabahan sa estranghero na pinapasok ni Tania?

E, ang tangkad at laki ng katawan nito. Mukha pang matured at tila mga nasa edad thirty na ito pataas. Ang seryoso at yabang pa ng pagkakatingin. Nakakatakot.

Napansin kong maraming dalang pagkain ang lalaki na ngayon ay nilalantakan na ng mga kapatid ko. Natigilan ako dahil ngayon ko lamang iyon napansin, hindi ko kasi nabigyan iyon ng atensiyon kanina dahil nagulat ako sa presensiya nito.
   
“A-Ah, hinahanap n’yo pa rin po ba si Mama? Pasensiya na po dahil wala siya rito.” Naupo ako sa tabi ng mga kapatid kong walang hiya. Pasimple ko pang kinurot si Tania na pasimuno.

Naku. Sabing huwag magpapapasok ng kung sino-sino rito, e.

Tumikhim ang lalaki. “Actually, nais ko lang na makausap ka tungkol kay Matilda.”

Shoot! Na-alarma ako. Hindi kaya pulis ito na naka-civilian lang? At balak niyang kumuha ng impormasiyon sa akin tungkol sa Mama ko para ipakulong niya? Hindi maaari.

Sinenyasan ko na pumasok na sa kuwarto ang mga bata na agad naman nilang sinunod. Huminga ako nang malalim bago ito muling hinarap.

“Pasensiya na ho, Manong. Hindi po ako basta-basta nagbibigay ng impormasiyon tungkol sa Mama ko. Makaka-alis na po kayo.” Bastos na kung bastos sa matanda pero wala akong pakialam. Kung may kinalaman man ito sa trabaho ni Mama, mabuti pang silang dalawa na ang mag-usap.

Ngunit napatingin akong muli rito nang hindi ito gumalaw. Kumunot pa ang noo ko nang mapansing mababakas sa mukha nito ang pagkamangha, pero naroon pa rin ang angas niyon.

Inilapit nito ang katawan at pinagmasdan akong mabuti. “Seriously, na-offend ako sa itinawag mo sa akin. Pero—hindi mo ba ako kilala?” manghang anito na hindi ko maintindihan.

Bakit tinanong niya pa iyon? E, alam naman niyang estranghero siya. “Of course po. Hindi naman kita nais paalisin dito sa bahay namin kung kilala kita, e.” At saka nakakahiya ang bahay namin, mukha pa naman siyang may kaya.

Love and ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon