Kabanata 14

9.1K 274 49
                                    

Keehana

“Come on, you should try to drink kahit minsan lang. Safe ka naman sa akin,” udyok pa nito na inungusan ko.

“Safe-safe ka riyan. Ayoko nga. May balak ka ngang galawin ako at itali sa kama mo, e.” Ngumuso ako bago tingnan ang binuksan nitong wine. Kulay pula iyon at agad na pumasok sa ilong ko ang amoy.

Napangiwi ako dahil tila ako kinakabahan sa ginagawa nito.

“Alam mo naman pala ang balak ko, bakit hindi ka pa umaalis o nagtatago mula sa akin? Take note, hindi ka makakawala sa akin once na makuha na kita sa kama,” seryosong anito at tumikhim. Inilapag nito ang inumin sa sahig sa paanan namin bago ako harapin.

Para ba akong pinanlamigan dahil sa takbo ng usapan namin. Hindi ako nakapalag nang salinan nito ng kulay pulang likido ang baso na hawak ko.

Hirap akong lumunok. “E-Eh, saan naman ako tutungo kapag tumakas ako? Natatakot naman ako na baka gawan ako ng masama ng kampon ng mga demoniyong iyon kapag natiyempuhan ako sa daan,” pagdadahilan ko at tumungo. Tahimik kong pinagmasdan ang wine at marahan iyong iginalaw-galaw.

Mas safe ako rito sa bahay niya. Walang akong naririnig na lait o pang-iinsulto, ’di tulad doon sa amin na  marami kaming kapit-bahay na naka-abang sa amin. Dito ay napakatahimik at walang gulo, napapayapa ang isip ko, kabaligtaran sa bahay namin na lalo lang akong nasisiraan ng ulo. Mabuti na nga lang at dinala kami rito ni Al.

“That’s right. Stay here and don’t make me mad, woman.” Tumiim ang tingin nito sa akin, at upang iwasan ito ay pikit-mata kong tinungga ang inuming hawak. Napamulagat ako at naibaba ang baso. Wow, ang sarap pala nito. Gustong-gusto ng panlasa ko. Dinilaan ko ang itaas na labi bago muling uminom, hindi pinansin ang lalaki na wala naman sa pinapanood ang atensiyon kundi nasa sa akin. “Do you ever had a fantasy, Keehana? Or just your ideal man. Mayroon ba?”

Tumigil ako sa pag-inom at nilingon ito.
“Fantasy?”

Sunod-sunod itong tumango. “Yes, sexual fantasies. O kahit ideal man mo na lang.” Kita ko ang kakaibang emosiyon na nakapaloob sa mga mata nito kahit medyo madilim ang kuwarto.

Nangunot ang noo ko at napaisip. Ano ba ang sexual fantasies ko? Daglian ko itong inilingan. “Wala, e. Sa hirap ng buhay, hindi sumagi sa isip ko iyang mga ganiyang bagay. Ang ideal man ko naman, ’yong lalaki na matured na, at ano nga ba tawag doon? ’Yong may sense of responsibility ba iyon? Ah, basta! Basta lalaki na hindi nang-iiwan lalo na kapag nakabuntis ng babae. Pinaka-hate ko ang ganoon,” daldal ko at tumingin sa pinanonood. Ni hindi ko halos namalayan na sunod-sunod na ang pag-inom ko ng wine sa baso.

“My ideal woman, hmm, she who knows how to prepare delicious food after my stressful work. ’Yong babaeng marunong mag-alaga ng mga bata, magaling sa gawaing bahay, at masipag. I prefer a woman na kaparehas ng katangian ng ina ko—a wife material. In short, you are my ideal woman, Keehana.”

Muntik ko nang mabitiwan ang hawak at gulat na nilingon ito. Anong ako? Ideal woman niya?

Gamit ang likod ng palad ay pinunasan ko ang bibig ko bago magsalita. “Huy, anong ako? Kailan ba kita pinaglutuan ng masarap na pagkain after ng stressful work mo para sabihin mo na ako ang ideal woman mo? Lasing ka na ata.”

Tinawanan ako nito bago muling magsalin sa baso niya ng inumin. “I am not drunk. I know you know how to cook delicious foods. Hindi nagsisinungaling ang mga kapatid mo. Kapag naging asawa kita, tiyak na aalagaan mo ako just like how you take care of your siblings, with love and compassion. After my stressful work, you will greet me with a kiss and then prepare a food for your hardworking husband. Isn’t that wonderful? I badly wanna experience that. It is the sweetest thing for me, Keehana. Mababaliw ako, lalo na kung ikaw ang gagawa niyon sa akin.” Hindi ako nito tinantanan ng tingin. Hindi ako sumagot agad, dahilan para mag-iwas ito at tumikhim. “Dad is such a lucky guy,” bulong nito at tinungga ang inumin.

Love and ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon