Kabanata 25

5.7K 152 36
                                    

Keehana

Mayamaya’y tinalikuran ko ito at saka hindi na napigilan pa ang mga mahihinang hikbi. Natigilan ang lalaki, bago ko naramdaman ang paglundo ng kama sa likuran ko.

“Keehana . . .”

Umiwas ako nang tangkain nitong haplusin ang braso ko. Dinig ko ang malalim nitong pagbuntong hininga, saka ko naramdaman ang paghiga nito na tanging boxer lamang ang suot.

Agaran ang ginawa kong paglayo rito, hindi pa rin matanggap ang ginawa nitong panloloko sa akin. Kaya pala, kaya pala.

Noon pa lang ay marami nang dahilan para masabi kong isa nga siyang pulis! ’Yong pagpunta niya sa school kasama ang mga pulis na kaibigan niya, ’yong mga sinasabi nila tungkol sa kaniya, pati na ang mga sinabi niya noon tungkol sa nanay ko! Bakit hindi ko agad napagtanto ang lahat?

Bakit ngayon pa, ngayong . . . buntis na ako sa kaniya? Bakit?

Papaano ko pa babawiin ang lahat? Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan, itatama ko ito at iignorahin na lamang si Al para hindi ganito na nasasaktan ang puso ko nang lubos.

Natatakot ako para sa nanay ko!

“Keehana, I’m sorry . . .”

Agad ko itong pinutol dahil ayoko ng sorry niya. “Sorry-sorry mo mukha mo! Mangbubudol ka!” Tumaas-baba ang dibdib ko at galit na pinagpapalo ang dibdib nito matapos harapin.

Sinubukan nito akong pakalmahin dahil sa sakit ko sa puso, ngunit hindi ako nagpaawat. Hanggang sa ipiniid na lamang ako nito sa kama at niyakap nang mahigpit. Ramdam ko pa ang bumubukol sa boxer nito ngunit hindi ko na masiyadong inintindi dala ng nararamdaman.

“Papaano mo naatim na lokohin ako gayong wala naman akong intensiyon sa iyo na masama? Ha? Ang sakit, Al! Sana hindi mo na lang ako inakit sa mundo mo gayong alam mong ayoko sa tulad mo! Ayokong makulong ang mama ko! Ayoko, Al!” bulyaw ko rito at napahagulgol na.

Saka ko lamang napagtanto na kaya pala hindi nagpapakita sa amin ang nanay ko ay dahil nasa puder ako ng isang pulis. Bakit nga naman siya pupunta rito gayong alam niyang malalagay siya sa alanganin?

Naipikit ko ang mga mata nang punasan nito ang basang mukha ko gamit ang likod ng palad. Sinubukan ko ang pagkakataon na tuhurin ang hita nito ngunit agad nitong nahuli ang hita ko at may kalakasan iyong pinalo, dahilan para matigilan ako at lalong magalit dito.

“Ano ba!” Imbis na makinig sa protesta ko ay inalis nito ang suot kong panty at tinapon sa kung saan, saka ako tinitigan nang matiim na ikinalunok ko.

“Just try yelling at me again and you’ll know what will happen next, Keehana,” pagbabanta nito habang marahang hinahaplos ang pagkababae ko. Agad din naman nito iyong binitiwan kaya agad kong naisara ang mga hita, saka ito nahiga sa tabi ko at pinaunan ako sa matigas nitong braso.

Napaiyak na lamang ako nang mahina sa bisig nito, ni hindi alam ang gagawin dito. Kayang-kaya nitong gawan ng milagro ang katawan ko lalo na’t alam ko ang kakayahan at lakas nito kaysa sa akin na payaso at maliit lamang kumpara rito. At iyon ang ayaw ko.

Nahiga kami roon ng ilang minuto, saka ko naisipan na tumagilid ng higa upang talikuran ito, ni hindi pa rin mapigil ang mga luha at hikbi. Tahimik lamang ito at wala akong pakialam kung maingayan siya sa akin dahil sa galit ko sa kaniya.

Sinubukan pa nitong yakapin ang baywang ko ngunit daglian kong itinaboy ang braso nito.

Muli itong matahimik, ngunit makaraa’y umimik din—na siyang dahilan ng pagtigil ko sa pag-iyak.

“Now that you know my secret, are you going to leave me, huh, Keehana? Balak mo na ba akong takasan?” Wala akong nadamang emosiyon mula sa tinig nito.

Love and ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon