Kabanata 28

4K 129 52
                                    

Keehana

“Hija . . .”

“Hija . . .”

Naalimpungatan ako sa mahihinang tapik na tumatama sa pisngi ko. Pagmulat ko ng mga mata ay sinalubong ako ng dalawang matanda na gulat na gulat sa sitwasiyon ko. 

“Ano’ng nangyari sa iyo, hija? Mabuti’t hindi ka tinuklaw ng mga ahas dito,” anang matanda na ikinaangat ng tingin ko rito. Ilang segundo pa akong natulala sa mga ito, bago tuluyang mapagtanto kung ano ang nangyari kagabi. Shete!

Napatayo ako ng wala sa oras. Muntik pang matumba sa panlalambot ang mga tuhod ko, mabuti at naalalayan agad ako ng dalawang matanda. 

“Naku! Tumuloy ka muna sa kubo namin para makakain,” anang isa na ipinagpasalamat ko nang lubos. 

Inalalayan ako ng mga ito papunta sa maliit na kubo na halatang tambayan ng mga magsasaka. Doon ay may ginang na nag-aasikaso ng pagkain na inaasahan ko nang mabibigla sa akin. 

“Ano ang nangyari sa kaniya? Naku po! Isauli ninyo iyan sa asawa niya at kagabi pa iyan hinahanap!” gulat na anito na ikinalaki bigla ng mga mata ko. 

K-Kilala niya ako?

“Sinong asawa ba ang tinutukoy mo? Kilala mo itong babae?” anang matandang lalaki matapos akong paupuin at abutan ng makakain. 

Daglian akong nagpasalamat dito at saka iyon nilantakan. Pinais iyon at halos hinanginan lamang iyon sa akin lalo pa at ngayon na lang ulit ako nakatikim niyon. 

“Asawa ’yan ng pulis, Narding! Iyong napabalitang hinahanap ang asawa kagabi pa! Hala kayo at isauli ninyo sa pulis!”

“T-Teka lang ho, huwag,” agad kong pigil sa ginang habang maluha-luha. Marahas akong umiling dito. 

Pagkakataon ko na ito. Ito naman ang gusto ko, ang makaalis na roon. Kaya hindi ko hahayaan na makabalik ulit ako roon. 

Hinarap ako ng ginang at bumuntong-hininga. “Hija, manganganib lang ang buhay mo kung may iba pang mga tao na makakita sa iyo rito. Maaari kang gamitin para sa kidnap for ransom ng mga ganid na tao, kaya mainam na bumalik ka na roon sa asawa mo. Ayaw naming madamay sa gulo, pakiusap.”

Natigilan ako sa narinig mula rito. Kalauna’y nakaramdam ng matinding kahihiyan at pangamba. Tila ba ako biglang tinamaan ng konsensiya at pagdadalawang-isip sa ginawa kong pagtakas. 

“Thanks for keeping her.”

Natigilan ako bigla at tila ba tinakasan ng sariling kaluluwa. Dagliang pinanlamigan ang katawan ko matapos lingunin ang blangkong mukha ng lalaki na nakatayo sa tabi ng pinto ng kubo, kasa-kasama ang kapatid nitong lalaki at si Sir Steve. 

Umawang ang aking bibig matapos itong makita na naka-uniporme. Binalingan ako nito saglit ng tingin at napailing nang bahagya, bago muling pansinin ang mga tumulong sa akin. 

“Ibibigay ng kapatid ko ang tatlong milyong pabuya. But in one condition,” seryosong ani Al na pinakatitigan ako nang matiim. Tila ba iniintimida ako upang sumuko na lang at sumama rito. 
Minatahan nito ang tatlo gamit ang matatalas na tingin na naninindak. “Anumang narinig ninyo at nakita, and whatever happens, shut your mouth. Keep it secret, hmm?” 

Tulala ang tatlong kasama ko sa narinig. Huli ko nang napagtanto ang binanggit ni Al na pabuya nang higitin niya ako palabas ng kubo na iyon. 

“Time to go to where you belong, my wife. Kagabi pa ako naghahanap sa iyo,” matamang anang lalaki na ikinatungo ko lalo. Hindi ito nagpakita ng galit sa mukha ngunit kita ko ang nagpipigil nitong gigil sa nanggagalaiti nitong mga ugat sa kamay at braso. 

Love and ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon