Wakas

6.6K 211 45
                                    

Alfonso Montehermoso

“Pre, napadalaw ka sa teritoryo namin, a?” Maangas ni tiningnan ako ni Damien at inakbayan pagkababa ko pa lang ng sasakyan. “Ano ang atin, pre?” Nginisian niya ako kaya pasimple kong tinapik ang kamay niya. 

“Tado, huwag mo akong akbayan. Amoy yosi ka.” Natawa ito sa sinabi ko. Lumayo rin naman ito sa akin dahil alam niyang ayoko sa amoy ng yosi. “Oo nga pala, nagbabaka sakali ako na kakilala ninyo ang babaeng ito,” sambit ko’t inilahad sa kanila ang litrato ng bago kong target. 

Sinuri nila ng mga kasamahan niya ang binigay kong litrato, habang ako ay walang ganang sumandal sa kotse. 

“Matilda Louise, nagtatrabaho sa isang ilegal na bar. Saan banda ‘yan nakatira?” tanong ko. 

Nais kong malaman ang ilang impormasiyon sa babaeng iyon dahil unti-unti na itong naghahasik ng lagim dito sa probinsiya, pati ang mga kasamahan nito. 

May nag-imporma sa akin na may mga anak raw ito na iniiwan dito banda sa lugar na ito. Una kong pinuntahan ang mga pinsan ko dahil baka kako alam nila.

“Puta, pre! Kilala ko itong babae! Nadali ito ni tatay noon! Shota niya ito dati!” bulalas ni Damien at ibinaling sa akin ang tingin. 

Tumaas ang kilay ko. “Saan nga nakatira?”

Humalakhak muna ito bago magsalita. “Bayad muna. Mukhang nagkakalimutan tayo rito, pre. Para namang hindi tayo magkakilala . . .”

Napatiim-bagang ako’t marahas na dinukot ang pitaka. Kumuha ako ng limang libo roon. “Siguraduhin mo lang na maituturo ng mukhang pera mong bunganga ang eksaktong tirahan ng babaeng ‘yan,” banta ko rito. 

Lintek talaga itong animal na ‘to. Bawat kibot ay pera agad. 

Humalakhak ito at agad na hinablot sa kamay ko ang pera. Tumango-tango ito. “Oo naman, pre. Kilala mo naman ako. O, siya. Ituturo ko sa iyo ang tirahan n’yon,” tatawa-tawa nitong sambit. Mabilis pa nitong tinupi ang mga papel na pera at sinuksok sa bulsa ng short niya. 

Kumunot ang noo ko nang walang habas itong pumasok sa kotse ko. 

Pagkaraa’y pumasok na rin ako. 

Binuhay ko ang makina at pinasibad iyon papunta sa direksiyon na itinuturo ni Damien. 

At ang gago, tuwang-tuwa nang makitang may nakakalat na relo sa unahan nito.  

“Mukhang mamahalin ito, a. Akin na lang.” Sabay suot niya. 

“Gago ka.” 

Namura ko ito sa sobrang pagkainis. Parehas sila ng kapatid niyang babae, malilikot ang mga kamay. 

Kahit nababanas dito ay hinayaan ko na lang siya. 

“Amputa! Naalala ko na ang ganda pala ng isa sa mga anak niya, pre. Nak ng! Sarap magbati kapag nakikita ko ang babaeng iyon, e,” malaswang turan niya. 

Kumunot ang noo ko, tanda na hindi ko na nagugustuhan ang mga sinabi niya. 

Binato ko ito ng nadampot ko na tissue. 
“Will you shut up?” Muli kong itinutok sa daan ang tingin. 

“Tsk. Tigil na, pre. Ayun na ang bahay nila.” Inis nitong tinuro ang kubo na halos sira-sira na. 

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Iyon na ‘yon?

“Naroon ang bunsong anak ni Matilda, pre. Kausapin mo,” aniya’t inginuso ang batang babae na nakikipaglaro sa kapuwa nito bata. 

Napabuntong hininga ako. “Okay. Stay here. Sandali lang ako,” sabi ko bago mabilis na bumaba. Napatingin sa akin ang mga bata na naglalaro sa tabi ng bahay ng target ko. 

Love and ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon