Kabanata 26

4.4K 138 56
                                    

Keehana

“Get in, Keehana . . .” 

Walang imik akong pumasok sa sasakyan nito, bitbit ang sling bag ko. Napakatahimik ng bahay dahil wala ang mga kapatid ko, gayumpaman ay wala naman akong magawa dahil naririto ako sa puder ni Al. Siya ang may kontrol sa lahat dito. 

“Where do you want to go after your check-up, darling?” tanong nito na hindi ko nagawang sagutin. “Seafood restaurant?”

“Iuwi mo na lang ako,” mababang tonong wika ko na ikinatikom ng bibig nito nang panandalian.  

“Alright.” 

Pagdating namin sa destinasiyon ay sunod lamang ako nang sunod dito. Pagbaba pa lamang namin ng sasakyan ay napalingon na ako sa lalaking nakatayo sa gilid ng clinic at mukhang may hinihintay. 

Natigilan ako at biglang nahiya. Napansin din agad ako nito mula sa pagkakatutok sa cellphone at natigilan. Bumagsak ang mga mata nito sa tiyan ko at lalong nanigas, saka muling nagbalik ng tingin sa mukha ko at kay Al na agad akong hinawakan sa siko. 

Nilampasan namin ito at tila ba nagmilagro ang langit at wala akong narinig na asar mula rito. 

“He looks familiar,” komento ng kasama ko na ikinaangat ko ng tingin dito. Umiling-iling ito sa ideyang naisip. “Kaklase mong tarantado.”

Bakit mukhang takot si Marco nang makita kami? Parang noong mga nakaraang buwan lang ay malakas itong mang-asar sa akin. 

Tulad ng ipinunta namin doon para sa regular check-up ay nangyari na nga. Mabilis lamang na natapos bago kami makalabas ng clinic. 

Pagtingin ko sa puwesto ni Marco kanina ay wala na ito roon—na late ko nang napag-alaman na nasa kabilang kalsada na ito naghihintay. 

Sa muling pagkakataon ay nagkatitigan kami nang ilang segundo. Hindi rin nito tinantanan ng tingin ang tiyan ko kaya naasiwa ako. 

Ano na kaya ang buhay nito ngayon? Wala na ang mga kaibigan niya at humihimas na ng rehas. E, siya kaya? Nagbagong-buhay na? Bahagya na nga itong nagkalaman sa katawan. Tumigil na ba siya sa pag-aadik bago pa mahuli ang lahat? Sana nga. Kahit naman hindi maganda ang naging pagsasama namin bilang magkaklase noon ay ayokong mamatay ito nang nakikipaglaban sa mga pulis dahil sa ilegal na droga. Dati nang drug-free ang bayang ito nang ilang taon, kung naghigpit lang sana lalo ang mga awtoridad matapos ang legasiyang iyon ng ama ni Al—na dating pulis. Iyon ang pagkakaalam ko. 

“Get in, Keehana.”

Napukaw lamang ako ng tinig na iyon, dahilan upang maalis ang tingin ko kay Marco at nabaling kay Al ang atensiyon. Natigilan pa ako saglit dahil sa tiim ng tingin nito sa akin. 

Kumibot ang labi nito bago ibaba ang ulo ko upang papasukin sa loob ng sasakyan. 

Napahinga na lamang ako nang makapasok sa loob. Bagamat wala itong sinabi ay halata ko ang dilim sa mga mata nito. Ngunit para saan?

“Nagpahatid ng bagong aning pakwan at mais si Mom para sa iyo sa bahay kanina. You want?” 

Napalingon ako sa lalaki at natigilan. Sunod-sunod akong lumunok dahil sa pagkatakam, bago tumango nang marahan dito. 

Lumipad ang isip ko habang nasa biyahe. Puro puno lamang ang nadaanan namin at sakahan kaya kahit papaano ay napagagaan niyon ang damdamin ko. Namomroblema lang ako sa sitwasiyon ni Mama ngayon. Nais ko na ring makita ang bunsong kapatid ko. 

Kapag ba nakulong siya, makakalaya pa ba siya? O mahahawakan pa ba niya ang unang mga apo niya sa akin? Ikinakatakot ko ang ideyang hindi na kami magkikita dahil baka kung ano ang mangyari sa kaniya kapag dinakip ng awtoridad. 

Love and ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon