Kabanata 12

8.8K 264 47
                                    

Keehana       

Agad akong napatayo upang salubungin ang pagpasok ng babae. Tiyak na ito na ang magiging amo ko.

Humilera ang mga tauhan ng shop upang bumati, kaya nakisabay ako sa mga ito.

Ngunit hindi pa man nakakapasok ang magandang babae ay nasa akin na agad ang atensiyon nito. Kunot na kunot ang noo na para bang balisa.

Bumati ito pabalik bago harapin si Al sa tabi ko na seryoso lamang ang mukha.

“Let’s talk inside my office,” mariing tinig ng babae na naging dahilan ng lalong pagbilis ng tibok ng puso ko.

M-May problema ba sa akin?

Tiningala ko ang lalaki ngunit hinapit lamang ako nito at dinala sa opisina ng may-ari. Abot-abot langit ang kaba ko nang muli na naman akong pasadahan ng tingin ng shop owner. Hindi naman ito mukhang masungit, ngunit nakakangatog ng tuhod ang pag-iisang linya ng mga labi nito na para bang napakaraming nais sabihin.

Ibinaba nito ang mga bata sa gilid bago maupo sa swivel chair nito. Samantalang kami ni Al ay parehong naupo sa katapat ng mesa ng babae.

Marahan akong lumunok at napayuko nang itarak nito ang tingin sa katabi ko. “What is this, ha?” Matalim ang bawat tingin nito sa lalaki kaya sunod-sunod na akong napalunok.

H-Hindi ata ako puwede rito. Hindi ata ako matatanggap ng may-ari.

“Why? Ano ang masama sa ginagawa ko? I am just helping her . . .”

“Wala akong problema kung tinutulungan mo siya. The problem is tinatago mo ang dalagang ito when in fact there are people who are looking for her and her siblings! Ano ’to? Nagbabalak kang ibahay? Even your true identity, you’re keeping it from her! Tell me, dapat ka bang pagkatiwalaan sa lagay na iyan?”

Kay tatas nitong mag-Ingles, halos wala akong maintindihan dahil sa bilis ng pananalita nito.

Nabaling lang ako kay Al nang bahagyang humigpit ang pagkakapulupot ng braso nito sa baywang ko. Nang tingalain ko ay matigas na ang mukha nito habamg diretso ang tingin sa babae. “So what? Hindi ko naman siya basta tinatago lang. I am protecting her, Thy. Hangga’t hindi ko nahuhuli ang tatlong iyon na parang mga dagang nagtatago, mananatili siya—sila sa puder ko.”

Marahan kong kinagat ang ibabang labi. Nanatili ang tingin ko sa kanila na nagtatalo dahil sa akin.

“Oh, really? So, kapag nahuli na ang mga iyon, pakakawalan mo na ang bihag mo?” nanghahamon na turan ni Ma’am Thy. Iyon ang nakalagay na name sa uniporme nito.

“Don’t call her like that,” tiim-bagang na sambit ni Al, saka sandaling bumaba ang tingin sa akin na nakatingala lamang dito.

Hindi ko naman alam ang sasabihin. Nahihiya rin ako para sa sarili dahil hindi pa ata ako makakapagtrabaho rito.

“See? Hindi mo nagawang sagutin ang tanong ko. You can’t fool me. May iba kang balak sa dalagang ito, at kung ano man iyon, siguruhin mo lang na wala kang masasagasaan na batas dito. Alam mo sa sarili mo kung anong klaseng tao ka. Alam mo rin kung ano ang ayaw ng dalagang ito. Sa huli ay ikaw rin ang aani ng mga ginagawa mo,” makahulugang anito at ibinagsak ang likod sa sandalan ng upuan. Umiling-iling pa ito na para bang dismayado. “Bahala ka na nga. Hindi naman kita mapipigil sa nais mong gawin sa buhay. Kaso sana man lang, ipinakilala mo siya sa amin nang maayos. Kahit nakapag-lunch lang sana tayo with the pack, hindi ganito na ngayon ko lang malalaman na may binabahay ka na pala. Hay, ewan! Bahala na ang ama mo sa iyo,” dagdag pa ng babae bago ako balingan na ikinaangat ko rito ng tingin.

Love and ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon