Keehana
Pinagmamasdan niya lamang ako nang walang imik, hanggang sa sinabayan na ako nito sa pagkain. Kumuha rin ito ng pinggan at sumandok ng pagkain.
“Hindi rin ako nakakain kanina. I was waiting for you to wake up,” imik niya makaraan na ikinatigil ko na naman.
Uminom siya nang walang laman ang tiyan?
Umalsa ang kilay ko at napatingin dito.
“Bakit hinintay mo pa ako? Baka sakitan ka ng tiyan niyan dahil walang laman ang tiyan mo nang uminom.” Hindi ko napigilan ang bibig ko.Huli na para bawiin pa ang sinabi dahil bigla na lamang itong parang tanga na napangiti.
“Are you worried about me?” malokong tanong niya na para bang hindi mukhang problemado kanina. Hindi ako umimik kaya napangiti ito lalo. “I guess, it’s a yes. So, sorry for making my queen worried,” aniya pa na ikinangasim ng mukha ko.
Queen? Ano na naman ba ang trip niya?
Hindi ako umimik at ibinaling na lamang muli ang atensiyon sa kinakain.
“I am not drunk, hmm? Wala naman akong gagawing masama sa iyo,” imik na naman nito at itinigil ang pagkain. Inilapit nito ang mukha sa akin, tuloy ay natigilan ako lalo na nang malanghap ang amoy alak mula sa bibig nito.
Tumikhim lamang ako at bahagyang lumayo rito. Lasing na nga ito. Halata naman na sa kilos nito at pananalita.
“Tumigil ka nga,” suway ko rito nang amoy-amuyin niya ang leeg ko. Sinamaan ko ito ng tingin bago ituloy ang kinakain.
Natahimik ito dahil doon. Napailing-iling na lamang ako rito.
“I just want your kiss, wife. Napakadamot mo naman,” maktol nito at saka ngumisi na parang tanga. Umamba pa ito ng halik sa pisngi ko, dahilan para tampalin ko ang noo nito.
Namumula-mula ang mukha nito at leeg, halatang wala sa wisyo. Gaano kaya karami ang nainom nito para umaakto nang ganito?
“Umayos ka nga.” Sinamaan ko ito ng tingin dahil sa mga ngisi nito.
“Sungit. Gusto ko lang naman makipag-ayos sa iyo,” himutok nito at muling sumubo ng pagkain.
Ngunit hindi niya iyon naubos dahil agad na nakatulog makalipas ang ilang minutong katahimikan. Nakayuko na ang ulo nito habang nakaupo kaya naman mariin kong naipikit ang mga mata dahil sa inis. Bibigyan pa ata ako nito ng trabaho.
Daglian kong tinapos ang pagkain at niligpit iyon, pati ang kaniya. Nagsipilyo na rin ako bago lapitan si Al na hanggang ngayon ay sarado pa rin ang mga mata.
Papaano ko kaya ito maiaakyat sa itaas?
Tinapik ko ang balikat nito upang gisingin. Pero hindi man lang ito nagising. Kaya naman naisipan kong lakasan ang tapik dito. Laking ginhawa ko nang marahan itong mag-angat ng tingin at pinakatitigan ako.
“Oh, wife!” manghang anito at napaayos ng upo. “Are you here to fetch me? Sorry, your husband is an ass. Damn it,” anito na napailing-iling sa sarili.
Tumayo ito na agad ko namang inalalayan dahil para itong mabubuwal.
“Umayos ka nga. Maglalasing-lasing tapos mamemerwisyo ng iba,” pagalit kong turan, pilit na itinataboy ang awa na sumisiksik sa damdamin ko.
Hindi ko rin alam kung bakit nakakaramdam ako ng awa rito.
“Perwisyo na ba talaga ako sa iyo?”
Napatigil ako nang umakbay ito sa akin. Seryoso ang boses nito ngunit may halong pait. Tila ba biglang nanlambot ang mga tuhod ko.
BINABASA MO ANG
Love and Obsession
General FictionMontehermoso Series 2 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) HIS LOVE, HIS OBSESSION Keehana Louise and Alfonso Montehermoso Pinaniwala si Keehana Louise na isang negosyante lamang ang lalaking aksidente niyang nakuha ang buong atensiyon. Ang hindi niya alam...