Kabanata 2

12.4K 283 15
                                    

HIS LOVE, HIS OBSESSION

Keehana            

AGAD AKONG nataranta nang mapansin kong napunta sa akin ang atensyon ni Sir. Hinila ko ang papel ko na kanina pa kinukuha sa akin ni Marco at nagtagumpay naman ako.

“Ano ba? ‘Di ba sabi ko pakopya ako, pokpok?!” mariing bulong nito na umalingawngaw naman sa buong classroom na napakatahimik, dahilan para mapatingin sa amin ang lahat. Napayuko agad ako dahil sa kahihiyan.

Kagat-kagat ko ang labi ko dahil paniguradong lagot ako nito. Matindi ang parusa sa pangongopya sa araw ng exam namin, at paniguradong masisira ang kinabukasan ko nito.

Tuloy ay sobra-sobra ang pagkabog ng puso dahil sa matinding kaba.

“Cheating while I’m here, huh? Ang lalakas ng loob ninyo!” sigaw ng professor na nagbabantay sa amin. Talagang nasaktuhan pa namin na mala-tigre ang bantay ngayon.

Kinabahan ako nang sobra nang sabihin ‘yon ni Sir. Umiling ako sa kaniya at napatayo.

Handa akong magpaliwanag.

Hindi ko naman sinasadya iyon, e. Bigla na lang kasing hinila sa akin ni Marco ang papel ko nang tumalikod si Sir. At kanina niya pa ako hinihingian ng sagot pero hindi ko siya pinapansin.

Nang balingan ko ng tingin si Marco ay tila nawalan ng kulay ang mukha nito.

“S-Sir, I’ll explain po.” Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Hala.

Mapapagalitan kami nito. Ikalawang araw na ng exam namin tapos ngayon pa magkakaproblema. Tapos mapapagalitan pa kami. Talagang maaapektuhan nito ang grado ko. Baka nga mabawasan pa ang score ko nito sa exam. Talaga naman, o!

Tinaasan ako ng kilay ng prof namin at masungit na tiningnan. “Save your words, Ms. Louise. Kakausapin kayo mamaya but continue your exam for now,” banas na anito na ikinalaglag ng balikat ko. “Ka-gandang babae ay walang utak. Tsk!” dagdag pa nito na ikinamaang ko bigla.

Tulala ko itong tiningnan, at nang matauhan ay napayuko sa kahihiyan. Pigil ang luha ko nang ituloy namin ang exam. Halos hindi ako makapag-concentrate dahil halos talunin ako ng kaba at kahihiyan sa nangyari.

Siya rin ang isa sa mga prof ko noong unang taon ko rito bilang college student, na ipinahiya rin ako sa harap ng mga kaklase ko dahil lamang sa luma at sira-sira kong kagamitan at damit. Na aniya, kung magkakaroon man siya ng anak ay hindi niya hahayaan na magsuot ng basahang damit. Matagal nang galit sa akin ang professor namin na hindi ko alam kung paano nagsimula. Kung dahil ba sa grades ko sa kaniya na medyo tumatagilid, o sa katotohanang kamag-anak ito ni Marco, o talagang nakakainis lang ang presensiya ko sa kaniya. Hindi ko alam, pero ramdam ko na pabigat nang pabigat ang dibdib ko.

Nakakahiya mang aminin pero mahina talaga ako pagdating sa academics. Hindi naman sa nahuhuli ako sa klase nang sobra, pero para kasing ang hirap intindihin ng mga lesson namin para sa akin. Bumabawi na nga lamang ako sa grades ko sa behavior, e. Tapos madudungisan pa iyon ngayon.

Hindi ako kasing talino ng iba kong kaklase na agad na nauunawaan ang mga turo. Ika nga ng iba, pulpol ang utak ko, na hindi ko naman itatanggi pa dahil totoo naman.

Noon pa ako ganoon pero ginagawa ko naman ang lahat para pumasa at mairaos itong pag-aaral ko sa pagti-teacher. Sa lugar kasi namin ay napakababa talaga ng tingin sa amin ng mga tao, lalo na’t wala pa akong maipagmamalaki na tinapos.

Dinideskartehan ko lang talaga ang pag-aaral ko, kahit na minsan ay hindi ko maintindihan ang lesson. Ang pangit pakinggan pero iyon ang totoong ginagawa ko rito.

Love and ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon