Kabanata 23

5K 168 14
                                    

Keehana

Ang creepy naman nito. Madilim na madilim kasi ang mukha nito at nakasuot ng uniporme ng sundalo. Nakadagdag ng kilabot dito ay ang bitbit nitong mahabang baril. Hindi ko gusto ang awra nito base pa lamang sa litrato.

“Yup. Naka-destino siya ngayon sa isang lalawigan sa Mindanao kaya wala siya rito,” aniya at isinabit sa balikat ang pamunas nang matapos patuyuin ang buhok ko.

“Talaga? Pero bakit ganiyan kadilim ang mukha niya? Parang laging may galit ang kapatid mo sa mundo,” tanong ko pa. Para ngang mas nakakatakot ito kaysa kay Al. Tama nga ang kasambahay ni Al sa sinabi noon.

Hindi ko maisip na balang-araw ay makikita ko ito.

Tumawa ito kaya napangiwi ako.

“No, tahimik lamang ang kapatid ko na ‘yan. Kaya lang mukhang galit iyan diyan ay dahil nakipaghiwalay sa kaniya ang dati niyang nobya, at mas piniling sumama sa mga rebelde sa bundok. Galit na galit nga iyang si Zach noon dahil first love niya ang babae at mahal na mahal niya, tapos ipinagpalit siya sa mga rebelde. Ngayon ay magkaaway na sila—No. I mean, magkalaban ang gobyerno at ang mga rebelde,” kuwento niya kaya napanganga ako.

“Grabe. Ang saklap naman ng kuwento nila,” komento ko at napatakip ng bibig.

Inilingan niya ako. “Don’t say that, sweetheart. Hindi pa tapos ang kapatid ko sa laban niya sa pag-ibig...”

“Huh?” Ibig sabihin ay mahal pa rin ng kapatid niya ang babae? “Ano ba ang dahilan ng babae para iwanan niya ang dating nobyo?”

“Pinatay raw kasi ang ilang miyembro ng pamilya nito, isa na raw roon sa pumatay ay si Zach. Ayun, hiniwalayan ang kapatid ko sa sobrang galit nang walang pasabi. Wala namang kasalanan ang kapatid ko. Pero hindi naman titigil ang kapatid ko na iyon na hanapin ang babae. Sabi niya noon, kahit bihagin pa siya ng grupo ng dati niyang nobya ay willing siyang magpabihag. Hibang na nga ang kapatid ko sa pag-ibig...”

“E, paano kung hindi na siya mahal ng babae? Kawawa naman siya kapag nagkataon.”

Ngumisi ito bigla at tiningnan ako nang makahulugan. “Walang salitang kawawa sa amin, sweetheart. Hindi kami sumusuko sa babaeng gusto namin. Kung gagawin namin iyon ay magiging talunan lamang kami. Kaya nga niya hinahabol at nais na makasama ay para mapa-ibig itong muli, para bumalik ito muli sa bisig niya at itama ang maling paniniwala nito.”

Napamaang ako at napangiwi.

Nakakatakot namang makipaghiwalay sa kapatid niya. Mapursige pala iyon.

Nangilabot ako kaya medyo binilisan ko na lamang ang paglalakad . . .

LUMIPAS ang mga araw at hindi na naging maganda ang pakiramdam ko. Napasugod ako nang wala sa oras sa banyo upang sumuka dahil pagkagising ko ay tila bumabaliktad ang sikmura ko.

Nasa likuran ko lamang si Al na panay ang haplos sa likuran ko habang nakapikit ako’t pinapakiramdaman ang sarili. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon.

Naghilamos ako pagkaraan upang tuluyan nang magising ang medyo inaantok ko pang diwa.

“Are you okay now, sweetheart?” pagtatanong nito matapos kong magpunas ng mukha.

Marahan akong tumango bilang tugon at saka naupo sa kama. Mabilis na umangat ang kamay ko upang hilutin ang sentido.

“Nagugutom ka na ba? Kaunti lang ang kinain mo kagabi. Please tell me kung ano ang nais mong kainin para ganahan ka,” alalang turan nito na panay pa rin ang hagod ng likod ko.

Doon ay naluluhang nag-angat ako rito ng tingin.

“Hipon, Al.” Sa wakas ay naisatinig ko na rin ang kagabi ko pa na iniisip na pagkain.

Love and ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon