Kabanata 29

4.3K 128 15
                                    

Keehana

Nagising na lamang ako nang padilim na dahil sa ingay na naririnig. Umayos agad ako ng upo nang mapansin na nakahinto ang kotse sa isang drive-thru na fastfood. Ilang sandali lang ay umandar ulit ang kotse na ikinatingin ko sa lalaki. 

Nasaan na ba kami banda?

“Kumain ka muna at padedehin mo ang kapatid mo.”

Nag-abot ito ng paper bag na tinanggap ko naman kahit naiilang. “Salamat. Pero wala akong gatas . . .” 

Naiwan sa ere ang sasabihin ko sana nang abutan ako nito ng de boteng gatas na pangsanggol. 

Saan naman nanggaling ito? 

Kahit nagtataka ay pinadede ko ang kapatid hanggang sa mabusog ito. Hindi na ako nakatulog niyon dahil hindi na ako pamilyar sa lugar na tinatahak namin. Kinain ko na lamang ang ibinigay nito. 

Sa isang paliparan ang naging destinasiyon namin kaya bigla akong kinabahan. Ngayon lang ako nakatungtong sa ganito kaya masiyado pa akong ignorante. 

Nag-alangan pa akong sumunod sa lalaki ngunit hinatak ako nito. Siya ang may bitbit ng mga papeles na kakailanganin. Naroon din ang sa akin at sa kapatid ko na hindi ko alam kung papaano niya nakuha. 

Hanggang sa makasakay kami sa eroplano. Halos hindi pa ako makapaniwala na talagang nakasakay na ako roon. Sumilip ako sa bintana at napanganga habang pinagmamasdan ang tanawin sa ibaba. Nasa himpapawid na kami kaya kitang-kita ko ang mga nag-iilawang establisyimento sa ibaba. Nasundan iyon ng katubigan, at kalupaan ulit. 

Sandali lamang din ang naging biyahe. Madilim na madilim na ang kalangitan nang makalapag ang eroplano na sinakyan namin. 

Doon ay may sumundo sa amin na puting van. Tulad ng nakikita ko sa probinsiya, ganoon din ang nakita ko sa lugar na iyon. Hindi ko tinantanan ng tingin ang paligid habang umaandar ang sasakyan. Kay gandang pagmasdan ang lugar na iyon na wala halos kabahayan. 

Hanggang sa mabungaran ko ang nakapaskil sa bungad ng lugar na pinasok namin. 

Private property . . .

“Welcome to your new home, Keehana. Nasa Zambales na tayo.”

Z-Zambales?

Napamulagat ako ng mga mata sa narinig. 

Hindi na ako nakaimik pa hanggang sa marating namin ang dalawang malaking bahay na magkatapat lang.

Malamig na hangin ng gabi ang sumalubong sa akin pagbaba ko ng sasakyan. At bago pa man ako makapagtanong kung nasaan na ang mga kapatid ko nang masumpungan ko si Owen na nagwawala sa tabi ng pinto habang inaawat ito ni Tania. 

Panay ang tangis ng kapatid kong lalaki kaya daglian ko itong nilapitan. 
“Ate!” sigaw nito at mahigpit akong niyakap. 

“Shh. Tahan na, tahan na, ha?” alo ko rito. Mukhang kanina pa ito umiiyak. Malamang ay labag sa loob nito ang pag-alis. 

“Alright. Diyan na kayo titira sa bahay na iyan. Magpahinga na kayo at kung nais ninyong kumain ay may mauutusan kayong kasambahay riyan,” anang Zach na ikinalingon ko rito. Tumango lamang ako bago magpasalamat. “I’ll rest now . . .”

Nang mawala ito sa paningin namin ay agad kaming pumasok sa loob. Nasa kabilang bahay lang naman ang lalaki. Mukhang bukas pa ito babalik sa Iloilo. 

“Dito na raw tayo titira, Ate! Ang ganda-ganda naman dito!” tili ni Nadine na nagtatalon sa malaking kama. 

“Ito na ata iyong sinasabi ni Kuya Al noon na titirhan natin pagdating natin dito sa Zambales! Grabe!” Si Tania na hindi maawat ang mga ngiti. 

Hinayaan ko lamang ang mga ito na dumaldal. Nakuntento na ako sa pagmamasid sa mga ito. 

Love and ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon