Keehana
Natahimik ang dalawa kahit hanggang sa pag-uwi namin. Agad akong pinaakyat ni Al sa itaas upang magpalit ng damit, kaya nang matapos ay bumaba ako upang kumain.
“Mama!” salubong sa akin ni Lanie na tuwang-tuwa sa bitbit nitong manika. Hinalikan ko ito sa pisngi bago buhatin.
“Kumain na kayo?” tanong ko at dinala ito sa kusina, ngunit natigilan kami nang mapansin ang dalawang mama na nag-uusap at umiinom sa island counter.
Daglian naman kami ng mga itong napansin na ikinahiya ko.
“Oh, Keehana. Come here, kain ka muna. Ang mga kapatid mo ay pinakain na ni Manang kanina,” ani Al na ikinatingin ko rito. Walang imik akong tumango at lumapit sa kanila. Ibinaba ko saglit ang kapatid bago ambang magsasandok nang muling umimik si Al na sinusundan ang bawat galaw ko. “Inihanda ko na ang kakainin mo. Sit here, Keehana.”
Awtomatiko akong pinag-initan ng mukha dahil sa sinabi nito, na dinagdagan pa ng panunudyo ni Sir Steve.
“May sweetness ka rin pala sa katawan, pare. Akalain mo ’yon?”
“I will do everything for my woman, Steve. Kaya manahimik ka na.” Napa-asik si Al at itinulak sa harapan ko ang pinggan na may lamang kanin at menudo.
Ngumisi sa amin si Sir Steve bago alog-alugin ang hawak na inumin. “Naks, pare. Kinain mo rin ang sinabi mo noon na babae ang luluhod sa iyo, hindi ikaw.”
Nahihiyang nagpasalamat ako sa lalaki sa tabi ko na tumango lamang habang nakapatong ang mga siko nito sa island counter. Nakapaling ang ulo nito sa akin kaya naman lalo akong nahihiya rito.
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong kinuha nito ang paslit kong kapatid at ikinandong. Ako naman ay tahimik lamang na kumain habang nakikiramdam.
“She’s Melanie by the way. Kapatid ni Keehana,” dinig kong sambit ni Al na para bang natutuwa sa kapatid ko. Saglit ko itong nilingon at natagpuan itong nilalaro ang nangingintab na buhok ng bata. “Looks like your adopted daughter, Sealana, ano? Parehas singkit. Si Japanese doll.”
“Yeah, magkahawig nga. Pero kadalasan, Tsina doll ang tawag sa kaniya ng mga tao. Alam mo na, noong nalaman na Chinese ang ina ng bata.”
Tuluyan akong napatigil sa narinig mula kay Sir Steve. “Korean ang tatay ni Melanie kaya iba ang mga mata niya kaysa sa amin,” imporma ko sa mga ito na napalingon sa akin. Napangiti ang mga ito. “Puwede ko po ba makita si Sealana?” hiling ko na agad namang pinaunlakan ni Sir.
Agad akong nakaramdam ng excitement nang hugutin nito ang wallet mula sa bulsa at ibinigay sa akin ang isang litrato.
Tumambad sa akin ang batang singkit at mala-niyebe ang kulay. Nakasuot ito ng bestidang pula at nakaayos, kaakit-akit ang mukha kahit na bata pa. Lumapad ang ngiti ko bago ibalik dito ang litrato. “Ang ganda-ganda po niya, pati ng name.” Bonus pa na anak-mayaman. Tiyak na mala-prinsesa ito.
Ngumiti si Sir at muling tumungga ng inumin. “Yes, maganda talagang bata iyon. Masungit nga lang,” tawang sambit nito na ikinangiti ko lalo.
Ni hindi ko agad napansin si Al na tumagal at lumalim na ang titig sa akin. Nang mapatingin ako rito ay tumikhim ako at ibinalik sa pagkain ang tingin.
“Gusto mo ba ng magandang anak, Keehana?” natatawang tanong ni Sir Steve na ikinatingin kong muli rito. Hindi pa man ako nakakasagot nang sundan agad nito ang sinasabi. “Eto, maganda ang lahi ni Al. Sabihin mo lang sa kaniya na gusto mo na ng anak, titirahin ka niyan agad. . .”
Napamaang ako sa narinig mula rito. Ang walang preno at pangahas nitong bibig ay agad na tinampal ni Al, saka ito sinamaan ng tingin.
“Manahimik ka nga, Steve. Kung sa asawa mo, nakakapagsalita ka nang ganiyan, puwes huwag sa harapan ni Keehana. Learn to filter your words, dimwit.”
BINABASA MO ANG
Love and Obsession
General FictionMontehermoso Series 2 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) HIS LOVE, HIS OBSESSION Keehana Louise and Alfonso Montehermoso Pinaniwala si Keehana Louise na isang negosyante lamang ang lalaking aksidente niyang nakuha ang buong atensiyon. Ang hindi niya alam...