SIMULA

8.3K 115 7
                                    

SIMULA
NINA POV

(Past)

"Kung aalis ka, sigaraduhin mong hindi kana babalik!" buong lakas kong sinigaw yan sa mukha nya. Naiinis ako kasi mas gusto nyang umalis kesa sa magkasama kami dito sa University.

Kanina pa sya nakatitig lang  sa akin na para bang hinihintay akong matapos sa sasabihin ko. Pagod at seryoso ang mukha nya. So?

"Umalis ka na nga!" tinulak ko sya.

Pinagsalikop nya ang mga braso nya at pinagmamasdan akong nagtataray sa harapan nya.

"alis na!" inis kong inulit ang pagtulak sa kanya pero hindi parin sya natinag.

Umangat ang isang daku ng labi ko sa katatagan nya.

"okay!" napatitig ako sa kanya. Napataas ang isang daku ng kilay ko. "ako nalang kung ayaw mo!" at nilagpasan ko sya sabay bangga sa braso nya pero hindi pa man ako tuluyang nakalayo sa kanya na hablot nya na agad ang braso ko at nahila pabalik.

"bakit ba ang cute mo kapag nagtataray ka?" binalot nya ang mga braso nya sa akin. "kaya tuloy nahihirapan akong umalis kasi hindi kita kayang tiisin" bulong nya habang yakap ako.

Tumulo ang mga luha ko pero naiinis parin ako. Naiinis ako kasi nasanay na akong nasa tabi ko sya all the time. Kung aalis sya, paano na ako?

"alam mo naman na ikaw ang kakampi ko sa buhay" pinipigilan kong huwag bumigay. "tapos ngayon aalis ka, iiwan mo na ako" sumandal ako sa dibdib nya.

"kahit nasa malayo ako, kakampi mo parin ako" hinaplos nya ang likod ko.

Umiling ako. "hindi mo maiintindihan pie"

"para naman sa future natin to pie, para naman to sayo, sa atin. Anong mahirap intindihin don?" natatawa nyang sabi.

Pumiglas ako pero hindi ako sumagot.

"two years lang naman to pie, tamang-tama pagbalik ko graduate kana rin pwede na kitang itanan" natawa sya sa sinabi nya.

"hindi ako natatawa, okay go Gab, go if you want pero i cant assure you my loyalty" inalis ko ang kamay kong nakayakap sa kanya, nakanguso akong nakipagtagisan ng titig sa kanya. "kung iiwan mo ako, para ka naring makikipaghiwalay sa akin"  iniwan ko syang nakatayo.

Ayaw ko sanang maging bitter sa pangarap nya pero ayaw kong magkalayo kami, gwapo sya, matalino, kahit tulog sya mabenta parin si Gab. Sino bang hindi magkakagusto sa sweety pie ko? Pero ang isang rason din kung bakit ayaw kong umalis sya, natatakot akong mag-isa. Sya lang ang meron ako kung mawawala sya ng ilang taon paano ko kakayanin ang lahat ng problema ko mag-isa?

Tatlong araw akong hindi nagpakita sa kanya, right after my class umuuwi agad ako para hindi magcross ang landas naming dalawa. Ayaw kong makita nyang hadlang ako o mafeel nyang hindi ko talaga kaya. Mahal ko sya, totoo talagang mahal ko sya. Sya lang ang minahal ko ng ganito sa buong buhay ko maliban sa mommy ko. Kahit tatlong taon palang kami pakiramdam ko sya na ang buhay ko. Sya lang kasi ang meron ako maliban sa mga kaibigan ko.

First year ako at fourth year sya nang magkakilala kami. Nanligaw sya kahit medyo creepy pa ang style nya at sobrang weird kung makatitig sa akin sa lamayo man o malapitan.

Kinabukasan, right after ng 18th birthday ko, sinagot ko sya. Naging kami hanggang sa ngayon, kakapasa nya palang sa CPA exam at ako naman third year na.

Trainee sya ngayon sa isang kompanya na sya ding magbibigay sa kanya ng scholarship sa States.

SWEETY:
Cutie pie ko nasa labas ako ng dorm mo. Please dont make this hard for me?

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon