Kabanata 2

946 29 0
                                    

Kabanata 2: Proposal

BIGLANG PUMASOK ang bestfriend ni Aurora sa kaniyang silid. Napa-bangon siya sa kaniyang kinahihigaan.

Ilang araw na siyang nag-mu-mukmok at alam na niyang nag-aalala na ito sa kaniya kung kaya't pumunta agad ito sa bahay niya.

Bigla siya nitong hinila sa kaniyang pagkaka-upo sa kama. Napa-palatak siya nang lumagapak ang pwet niya sa sahig. "Ley, naman! Ang sakit na nga ng katawan ko da-dagdagan mo pa." Palatak niya, habang tumatayo sa galing sa kaniyang pagkaka-bagsak.

Umirap ito sa kaniya, "Huwag mo akong artehan diyan na babae ka! Alam kong nag-da-drama ka lang! Kaya't, huwag kang mag-inarte diyan!" Palatak ring sabi nito sa kaniya.

Napa-hinga siya ng malalim. Sobra lang talaga siyang nanlumo nang mabalitaan niyang umuwi na ng Pilipinas si Raxcer Vorex- ang ex boyfriend niyang geek dati. Na akala lang nito, na pinag-laruan niya.

Alam naman niyang may kasalanan siya dito, kung kaya't naiintindihan niya kung galit ito sa kaniya. Alam naman niyang ganoon ang mangyayari.

Masaya siya sa muling pag-babalik ni Raxcer sa Pilipinas, ngunit ang ikina-lulumo lang niya'y nag-bago na ang lalaki. Hindi na tulad ito noong dati, malaki na ang ipinag-bago nito.

Oo naging gwapo ito, at malayong-malayo na sa dating Raxcer, ngunit para sa kaniya, mas gusto niya pa ang dati nitong ugaliat kaanyuan.

Napa-ngiwi siya ng mapait nang maalala ang break up scene nila noon ni Raxcer, sa anniversary pa nilang dalawa.

"Bakit ka ba dito nag-mumukmok? Alam mo, Aurora Samontes, walang mangyayari sa'yo kapag mag-kulong ka lang dito sa kwarto mo. Lumabas ka naman, Aurora. You need to un-wind. Saka isa pa, bumalik ka na sa kompanya niyo. Hindi ka ba naaawa sa daddy mo? Tumatanda na iyon sa pagpapatakbo ng kompanya niyo." Napahinga siya ng malalim dahil sa mahabang sinabi ng kaniyang best friend.

Simula noong mawala ang mommy niya, three years ago. Naging abala na sa pag-ta-trabaho ang kompanya nila ang daddy niya.

Lahat ng oras nito, ay ginugugol lang nito sa kompanya nila. Kung kaya't, ngayon talagang mahahalata na ang katandaan nito.

Sino ba naman ang hindi tatanda, kapag palaging problema ang sumasalubong sa daddy niya?

"Ley, sa tingin mo kailangan ko nang maging matapang at harapin na si Raxcer kapag magkikita man kami?" Tanong niya dito.

Ang kanina nitong mapag-birong aura, biglang nag-laho at naging seryoso na ang mukha nito saka tumitig sa kaniya ng mataman.

"Yes, you need to, Aurora. Hindi naman lahat ng oras, hindi mo siya haarapin, eh. You need to faced him. Kung sakali mang mag-kita kayong muli, sabihin mo sa kaniya ang totoo. Kung, ayaw niyang makinig, then it's okay. Atleast, nasabi mo na sa kaniya ang totoo."
Payo pa ng kaibigan niya sa kaniya.

Bigla niya itong niyakap ng mahigpit, malaki ang pasasalamat niya kay Leyasa Andrade, dahil andito ito palagi sa tabi niya at siya'y sinusuportahan.

Hindi lang sinusuportahan kundi, parang isang kapatid narin ang turing niya rito. "Salamat, Ley. Maraming salamat andiyan ka palagi sa tabi ko.",

"Wala iyon, Aurora. Parang kapatid narin kita, eh. Kaya, huwag kang mag-pasalamat sa akin." Natatawa nitong sabi sa kaniya.

Niyakap rin siya nito pabalik. "Oo nga pala, ibinilin sa akin ni tito Dasel na pumunta ka raw doon sa office room niyo. May sasabihin lang raw siya sa'yo." Bigla nitong sabi sa kaniya.

"Osige, pupuntahan ko na lamang siya mamaya kapag, maka-alis ka na." Ngiti-ngiti na niyang tugon rito saka nag-yakapan ulit silang dalawa.

Na-miss niya ng sobra, ang bestfriend niya. Ilang araw narin kasi silang hindi nag-kikita. "Grabe, miss na miss na kita, Ley. Salamat naman at pumunta ka dito."

"Naku, miss na miss din kita 'no!" Natatawa nitong tugon sa kaniya. Saka, ulit silang nag-yakapang dalawa.

...

NANG MAKA-ALIS NA SI Leyasa, agad siyang tumungo sa office room ng daddy niya sa kanilang bahay. Kumatok muna siya ng tatlong beses, bago pumasok.

Nasasabik narin siyang maka-usal ng masinsinan ang daddy niya, bagaman may kaunting kaba sa maaari nitong sabihin sa kaniya o sa kung ano man ang kailangan nito sa kaniya.

Nang maka-pasok na siya sa loob, nakita niya ang daddy Dasel niya na busy sa kakabasa sa isang folder.

Napairao siya sa hangin, wweekends pero trabaho parin ang ginagawa ng daddy niya. Hindi ba ito napapagod sa kaka-trabaho ng kompanya nila?

Kung siya, mas gusto niya pang mag-mukmok sa loob isang araw sa kanilang bahay, sapagkat tamad siya sa mga gawain sa kompanya nila. Nakaka-stress kunbaga.

Ngunit, hindi niya rin maiwasang maawa sa daddg niya. She need to help her dad, kung hindi baka tuluyan na talaga itong tatanda ng maaga.

"Hello, dad." Bati niya dito, hinalikan niya ito sa noo. "Pinatatawag mo daw ako, sabi ni Ley. May pag-uusapan ba tayong dalawa?" Tanong na niya agad dito.

Itinaas nito ang tingin sa kaniya, saka ngumiti sa kaniya ng pagka-luwag luwag. "It's nice to see you here, again, Princess. Akala ko, hindi ka na magpapakita pa sa akin. Halos dalawang linggo ka nang, hindi lumalabas ng kwarto mo. How do you feel now, Princess."

"Thanks for your concern, dad. I'm okay now, so don't worry. I really miss you dad." Madamdamin niyang pahayag sa kaniyang daddy.

Tumayo ito sa pagkakaupo at nilapitan siya para yakapin. Niyakap niya rin ito ng mahigpit.

"Anyway, I ask Leyasa, if she can tell you, that I want to talk to you. And, I'm glad that you're here now, princess." Simula nito, pagkatapos siyang yakapin nito.

Muli itong bumalik sa pagkaka-upo. "I want you to read all of this, and this proposal for our company. Let me show your best, princess in our company. You're the next heiress of our company, and I need to trained you while I am still here guiding you, princess. I hope you won't disappointment me. I want you to be more confidence like me, princess. I want when time come, you're ready to be the next C.E.O of our company." Mahabang litanya ng kaniyang daddy, halos maduling siya sa laman ng isang proposal na ibinigay sa kaniya ng daddy niya.

Ang isa ring files tungkol sa kompanya nila. Mukhang kailangan niya iyong pag-aralang mabuti.

Ngunit isa lang ang naka-agaw ng kaniyang pansin. Ang isang proposal galing sa isang sikat na kompanya sa buong bansa. The Vorex Chain of Companies. Napa-nganga siya, sa nabasa.

"Vo-vorex chain of companies, proposal for our company, d-dad?" Gulat niyang tanong.

"Yes, princess. Maganda ang proposal nila. At, balak kong tanggapin. Ngunit, mukhang ikaw na lamang ang ipapa-attend ko sa meeting. Para makapag-simula ka nang ma-trained." Ngiti-ngiti nitong sabi sa kaniya.

Ngunit, siya'y napalitan ang ngiti niya ng ngiwi. Kinabahan siya bigla. Ito na ba ang oras, para harapin niya si Raxcer. Ngunit, hindi naman siya sigurado kung si Raxcer ang makakaharap niya. Baka isa sa mga kapatid ni Raxcer.

"Kailangan po ba ng meet-up, thingky?"

"Yes, princess. Its needed." Iyon lang ang tanging na tugon ng kaniyang daddy.

Huminga siya ng malalim. Mukhang, mapapa-subo na talaga siya nito. Makikita na nga ba niya si Raxcer Vorex? Ang lalaking tanging minahal niya? O hindi, pa?

Bad ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon