Kabanata 12: Gave In
PARANG NALALANTANG gulay si Ace habang binabasa ang ginawang description at agenda ni Aurora. Hindi niya akalaing ganito pala ito kung mag-bigay ng agenda sa ka-business nito.
Nag-iigting ang kaniyang panga nang umangat ang kaniyang paningin sa babae.
Ngiting-ngiti ito habang nakatitig sa kaniya.
Andito na silang dalawa ni Aurora sa kaniyang opisina. Pumayag naman ito nang yayain niya. Hindi niya alam kung magagalit ba siya sa babae, o, ang mag-enjoy na lamang siya sa company nito?
Kahit ganoon pa man, hindi mawala-wala sa kaniyang isipan ang katotohanan.
Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Hindi niya alam kung galit nga ba talaga siya kay Aurora, o, nagbalik na ang kinatatakutan niyang mangyari?
Ipinilig niya ang kaniyang ulo. Saka, muling ibinalik ang tingin sa hawak-hawak niyang proposal.
Ngiwing-ngiwi siya sa kaniyang binabasa. Mukha talagang pinag-planuhan ito ni Aurora laban sa kaniya.
Tumayo siya nang matapos niya iyong pirmahan. Lumapit siya sa babae at tinitigan ito ng makahulugan.
Umigkas ang gilid ng kaniyang labi nang mapa singhap ito sa kaniyang paglapit. May epekto parin pala siya kay Aurora? How come?
"Pwede mo namang sabihin sa akin na gusto mo akong makasama palagi, Aurora. Hindi mo na kailangan pang isulat iyon at idahilan ang pagbabago mo ng proposal. Diniretso mo na sana ako, hindi naman kita tatangihan," sabi niya sabay kindat dito ng nakakaloko.
Napanganga ito sa kaniyang sinabi. Napangiti siya sa kaniyang isip. That's the reaction he wanted to see in her face.
Hindi na nga ba siya galit sa babae? Hindi na ba niya ito pagbabayarin sa ginawa nitong kasalanan?
No. Hindi iyon pwede. Kailangan niyang maghiganti. Kailangan niyang matuloy ang matagal na niyang plano. Hindi na niya ito papalampasin. Masasayang lang ang limang taon niyang paghahanda sa muli nilang pagkikita ni Aurora.
Masasayang lang ang lahat kung hindi niya itutuloy ang kaniyang plano.
Sisiguraduhin niyang hindi na magiging sagabal pa ang kaniyang puso. Kailangang mag-ingat siya. Kalaban na niya mismo ang kaniyang puso. Delikado na kapag bumigay siya.
Tumayo ito at parang nag-uusok ang ilong nitong nilapitan siya. "Ano?! Ang kapal naman ng mukha mong damuho ka! Excuse me, hindi ko gus--"
Hindi na niya pinatapos pang mag-salita ang babae.
Pinatigil niya ito sa pagsasalita nang ilapat niya ang kaniyang kanang hintuturo sa labi nito.
Mulagat ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.
Halos matawa siya sa itsura ni Aurora. Mukha kasing tinakasan ito ng dugo sa pisngi. Biglang namutla.
Takot ba ito sa kaniya? O, takot ito sa maaari niyang gawin dito?
Umiling-iling siya. Hindi naman yata tama kung ganoon ang magigung reaksyon nito para sa kaniya.
Gusto niya masaya si Aurora kapag kasama siya. Iyong hindi nito makakalimutan ang bawat oras na kasama siya.
"Don't shout at me, darling. Hindi mo ba alam na naiinis ako kapag may sumisigaw sa harapan ko?" Ngiti-ngiti niyang sabi rito habang hindi niya pa kinukuha ang hintuturo niya sa mga labi nito.
Parang may gustong sabihin sa kaniya si Aurora pero hindi nito magawa. Parang may gusto itong gawin laban sa kaniya pero hindi nito kaya.
Hindi na niya napigilan ang sarili.
Napatingin si Ace sa mga labi ni Aurora. Pulang-pula iyon. Parang nag-iimbita sa kaniyang halikan niya iyon. Pero, hindi niya maaring gawin iyon. Baka, iyon na ang katapusan niya.
Ngunit, sa huli'y hindi niya napigilan ang sarili.
Hinawakan niya sa pisngi si Aurora at sinuyod ang kabuuan ng mukha nito. Walang pinag-bago ang hugis ng mukha nito.
Aurora parin tulad noon.
Napalunok ng laway si Ace nang muling dumako ang kaniyang paningin sa mgalabi ni Aurora. Pilit niyang pinipigilan ang kaniyang sarili.
Pinipigilan niyang huwag halikan si Aurora.
Pero, bakit ganoon? Hindi niya kayang pigilan?
"A-anong gagawin mo? Huwag mong sa-sabihin na ha--" kinakabahan tanong sa kaniya ni Aurora pero hindi na naman niya ito pinatapos sa pagsasalita.
"Paano nga kung ganoon nga ang gusto kong gawin sa'yo? May gagawin ka bang masama?"
Pagkatapos niyang sabihin iyon. Agad niya itong hinagkan.
Mulagat parin ang mga mata nito, nang tingnan niya. Ngunit nang tumagal napapikit narin ito at nag-paubaya sa kaniya.
Nilalim niya ang halik at hindi niya na mapigilan ang kaniyang sarili.
Gusto niyang mas higit pa sa halik. Na miss niya ng sobra si Aurora at ngayon lang ang pagkakataon niya para makapiling itong muli.
Naramdaman niyang yumakap sa kaniya si Aurora. Nilaliman niya pa ang halik niya rito. Invading their tounges and their lips.
Saan nga ba papunta ang nangyayaring ito sa pagitan nila ni Aurora?
...
HINANG ANG mga labi ni Aurora nang makaupo siya sa kaniyang kotse.
Hindi niya inaasahan ang nangyari sa kaniya ni Ace. She gave in.
Naibigay na niya ang pinakaiingatan niya simula nang ipinanganak siya.
Masakit parin hanggang ngayon ang pagitan niya at hindi niya alam kung ano ang mararamdaman.
Pagsisisi o kasiyahan? Pwedeng pareho nalang?
Tinampal niya ang kaniyang noo nang marealized niyang mali ang kaniyang ginawa. Kabilin-bilinan lang kanina ng daddy Dasel niya na huwag bibigay ang kaniyang puso. Pero anong nangyari?
Bumigay ang puso niya. Hindi lang ang puso niya pati maging ang katawan niya't kaluluwa.
Akma na sana niyang paandarin ang kaniyang kotse nang may kumalabog da kaniyang kotse. Pagkatingin niya sa kaniyang tagiliran, mulagat ang kaniyang mga mata nang makita sa labas ng kotse niya si Ace.
Mukhang galit na galit ito. Bigla siyang kinabahan.
Lumabas siya sa kaniyang kotse. Hinarap niya si Ace. Kahit na kinakabahan, pinilit niya itong labanan.
"Iniwan mo na naman akong walang paalam at pasabi? Why are you doing this things to me Aurora? Mahirap bang magpaalam sa akin?" Galit na galit nitong sabi sa kaniya.
Gabi na at mukhang kagigising lang nito. Doon siya galing sa opisina nito. Hindi niya alam na may silid pala ang lalaki sa opisina nito at king size pa ang kama nito.
Napangiwi siya ng isa na siya sa mga babaeng koleksyon nito. Napakasakit isipin na bumigay siya sa isang Raxcer 'Ace' Vorex. Bakit ba kasi traidor ang puso niya? Biglang bumigay?
"Please stop saying those? Hindi kita iniwan! Nag-paalam naman ako. Saka ano bang pinagsasabi mo diyan?"
Hindi nito pinansin ang kaniyang sinabi. Hinawakan siya ng mahigpit ni Ace sa kaniyang braso.
"Ngayong alam ko nang may nangyari na sa atin. Sisiguraduhin kong hinding-hindi ka na talaga makakawala at makakatakas pa mula sa akin."
Nanginginig na lamang ang tuhod niya at ang bilis ng tibok ng kaniyang puso, habang nakatitig siya dito.
Anong gagawin niya?

BINABASA MO ANG
Bad Man
Aksi#In Watty'sPH Longlist 2018! "I will no longer your good man, Aurora. I am now your bad man." - Raxcer 'Ace' Vorex. He wants to be love. He wants your attention. He wants your heart. He wants you to be claim by his property. But, you break his hea...