Kabanata 17

440 15 0
                                    

Kabanata 17: Love is Powerful

GALIT na galit si Aurora habang papasok siya ng bar.

Tama nga ang bartender wala nang mga tao, close na ang mga ito.

Kakapasok niya lang ng bar nang may biglang sumalubong sa kanya. Base sa ayos ng lalaking lumapit sa kaniya isa itong bartender.

"Ikaw po ba si Miss Aurora Samontes?" Tanong nito sa kaniya.

Tumango siya't dagling sumagot. "Ako nga. Nasaan na ang lalaking hinahanap ako?"

"Sumunod po kayo sa akin, ma'am."

Sumunod naman siya sa likuran nito nang mag-simula itong mag-lakad papasok sa loob ng bar.

Nakalinis na ang mga mesa at upuan. Maging ang mga inumin. Close na nga ng ganitong oras ang bar. Ano na kasing oras.

Maya-maya tumigil ang lalaki sa isang mesa kung saan may isang lalaking nakalumbaba sa mesa at tulog na tulog.

Napailing siya. Hindi nga nagkamali ang bartender na tumawag sa kaniya. Si Raxcer nga iyon. Ano ba naman kasi ang problema ni Raxcer, kung bakit naisipan nitong uminom?

Bumaling sa kaniya ang bartender. "Nakatulog na po ang asawa niyo dahil sa kahihintay. Sige, po. Maiiwan ko na po kayo. Mag-lilinis pa po kasi ako."

Tumango siya. "Salamat."

Nang maka-alis na ang lalaki ay bumaling siya kay Raxcer na malalim na ang tulog. Paano niya maiuuwi si Raxcer ngayon?

Ang tanong kaya niya kaya itong buhatin? Gayong sa pangangatawan palang nito kung titingnan niya hindi na niya kaya.

Napaismid siya sa isiping iyon. Sana pinaki-usapan niya ang bartender kanina na buhatin si Raxcer papunta sa kotse niya. Ngunit wala na siyang magagawa dahil naka-alis na ito.

Napahinga siya ng malalim. Lumapit siya sa pwesto ni Raxcer. Tinapik-tapik niya ito sa balikat para gisingin, pero walang response mula sa lalaki. Tulog na tulog na talaga ito.

Wala na talaga siyang magagawa. Mukhang kailangan na niyang buhatin si Raxcer.

Inipon niya ang kaniyang buong lakas at pinilit niyang alalayang makatayo si Raxcer. Sa awa ng Diyos napatayo naman niya ito. Hindi manlang nagising ang lalaki.

Nag-simula siyang maglakad palabas ng bar. At hinihiling niya na sana makayanan niyang alalayan si Raxcer papunta sa kaniyang kotse.

...

BUTI NAMAN at sa condo siya ngayon tumuloy.

Mabuti't hindi siya umuwi sa kanilang bahay kanina. Kung kaya't hindi malalaman ng daddy Dasel niya na lumbas siya ng hating gabi para sunduin si Raxcer sa bar.

Ngayon nakatitig siya tulog na tulog na si Raxcer. Ang amo ng mukha nito. Mukhang ito ang nakilala niyang Raxcer dati. Pero iba na ito ngayon. Iba na ang ugali nito at pakikitungo sa kaniya kapag gising na ito.

Huminga siya ng malalim. Kung pwede niya lang ibalik ang lahat sa dati nagawa na niya. Pero hindi na niya maaaring ibalik ang nakaraan. Ang maaari niya lang na gawin ngayon ay ang patunayan at ipakita kay Raxcer na handa niyang gawin ang lahat mahalin siya ulit nito.

Hinaplos niya ang pisngi ni Raxcer at ang malambot nitong buhok. "Sana, bumalik na ang dating Raxcer. Iyong minahal ko. Kung maaari ko lang ibalik sa dati ginawa ko na. Para hindi na nangyayari ang lahat ng ito."

Hinalikan niya sa noo si Raxcer bago siya tumalikod dito.

Hahakbang na sana siya papalabas ng silid niya nang marinig niyang mag-salita si Raxcer.

"Aurora..Aurora..sorry..please.."

Kumunot ang kaniyang noo. Hindi pa gising si Raxcer. Mukhang nanaginip ito.

Sa isang iglap gumuhit ang isang napakalaking ngiti sa kaniyang labi.

Napanaginipan siya ni Raxcer. Posibleng palagi siyang iniisip ng lalaki.

Kung gayon, may pag-asa pa ako para paibigin ko siyang muli. I will make sure of it.

...

#VS1:BM

Ate Sari, <3

Bad ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon