Kabanata 33

365 13 0
                                    

Kabanata 33: Katotohanan

"MAHAL KO bakit hindi mo ako ginising? Ako sana ang mag-luluto para sa'yo ngayong umaga," nagtatampo niyang sabi kay Raxcer.

Nagluluto na ito ng kanilang agahang dalawa.

Hinarap siya nito at ginawaran siya ng halik sa kaniyang noo. "Gusto kong lutuan ka ngayong umaga. Saka hindi na kita ginising mahal ko, dahil napaka-himbing ng tulog mo kanina."

Napangiti siya nang marinig ang sinabi nito. "You don't have to, Raxcer. Ang importante ay ang kasama kita ngayon."

Niyakap niya ito sa bewang ng napaka-higpit.

Napahiwalay lang siya rito nang maamoy niya na parang nasusunog na ang luto nito. "Dapat siguro hindi ako lumapit sa'yo dito, tingnan mo nasunog ang niluto mo." Natatawa niyang sabi.

Nagmamadali naman ang lalaki sa pag-ahon ng kawali mula sa gas tab. Ngiti-ngiti siyang nakatitig sa lalaki.

Inilagay nito sa plato ang siningag na kanin. Ang pritong bangus at hotdog. Maging ang beaf stick ding niluto nito. "Ang dami naman ng mga niluto mo mahal. Tayo lang namang dalawa niyan ang kakain."

"Mas mabuti nga iyon mahal ko, mabubusog ka ng pagmamahal ko," sabi nito sabay kindat sa kaniya.

Pinag hila siya nito ng upuan. Agad naman siyang naupo. Tatayo sana siya para tulungan itong mag-handa ng mga pagkain, nang bigla siyang pigilan nito. "Ako na ang bahala mahal ko. Diyan ka lang, pagsisilbihan kita."

Mabilis itong nag handa. Nilagyan siya ng kanin at ulam sa kaniyang plato.

Napa ngiti siya dahil sa kilig. "Salamat mahal ko..."

Ninakawan siya nito ng halik kaya't napanganga siya sa gulat. "Isang halik lang, okay na, mahal ko."

"Tama na Raxcer, papatayin mo pa ako sa kilig rito," natatawa niyang sabi. Feeling niya pumula ang pisngi niya dahil sa kilig at hiyang nararamdaman.

"Kung ganoon. Ihanda mo na ang sarili mo Aurora. Dahil unti-unti kitang papatayin sa kilig," sabi nito sabay kindat sa kaniya.

Na siyang dahilan kung bakit lunod na lunod na ang puso niya.

...

"SEE YOU later, mahal. Susunduin kita kapag lunch time na," paalam ni Raxcer kay Aurora nang bumaba na ito sa kaniyang kotse.

Pagkatapos nilang kumain at naligo kanina ay inihatid niya ito ngayon sa Samontes Building.

Ngumiti sa kaniya si Aurora at kumaway-kaway. Nasa labas na ito at papasok na ng building. "Bye handsome! See you later!" Tukso nito sa kaniya saka siya nito kinindatan.

Umiling-iling siya. Tinutudyo na naman siya nito. Saka magaling palang kumindat ang babae niyang mahal. Nakaka akit?

Pinaharurot na lamang niya ang kotse papunta sa kanilang building sa Vorex Chain of Companies.

Kalahating oras rin siya nag-biyahe bago nakarating sa VCC building. Agad siyang pumunta sa kaniyang opisina. Binati naman siya ng kaniyang mga empleyado.

Inayos niya muna ang neck tie bago pumasok sa kaniyang opisina. Madaming mga papeles ang tambak sa kaniyang mesa at mukhang kailangan niya iyong tapusin ngayong araw. Lahat nang iyon.

Mga naka-ilang papeles na rin ang natapos niya nang biglang may pumasok sa kaniyang opisina. Napa angat ang tingin niya rito.

Sumalubong sa kaniya ang seryosong mukha ng kaniyang ama. Si Haris Vorex.

"We need to talk, Son," seryosong sabi nito.

Kumunot ang kaniyang noo, "about what Father? Mamaya nalang, busy pa 'ko."

"No. It no takes time Raxcer. I need to talk to you, kailangan mong malaman ang totoo at karapatan mo iyon," walang saring na wika nito.

Nagtataka naman siyang tumayo at inayos ang kaniyang mesa.

"Okay fine, where?"

"At the Japanise restaurant. And by the way, I call Aurora."

Kinabahan siya bigla nang marinig ang pangalan ng kaniyang babaeng minamahal.

Napangisi siya bigla. "This is about again in my relationship with Aurora Samontes? Akala ko ba okay na sa'yo ang lahat?"

"No, hindi iyon tungkol doon."

"Then tell me what is all about. Bago ako sumama sa'yo," naaasar na niyang sabi.

Huminga ito ng malalim tela kinakabahan at hindi maapuhap ang sasabihin, "it's about you and Aurora. Noong panahon na nag-hiwalay kayong dalawa."

...

#VS1BM

Ate Sari, <3

Bad ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon