Kabanata 7: Father, Haris
ILANG BESES NANG nagpa-gulong-gulong si Aurora sa kaniyang kama ng gabing iyon. Pagka-tapos nang sinabi sa kaniya kanina ni Ace sa opisina nito, hindi na nawala iyon sa kaniyang isipan.
Hindi niya alam kung totoo nga ba ang sinabi nito, o labas lang sa bibig nito.
Ngunit, kahit ano pa iyon. Masaya siya. Masaya siya, dahil nalaman niyang meron pa siyang pag-asa kay Ace. Meron pa siyang pag-asa rito.
Dinampot niya ang kaniyang cellphone nang biglang mag-ring ito. Isturbo naman ang tumatawag sa kaniya. Nag-mo-moment pa nga siya, eh.
"Hello?" Bungad niya rito nang ma-sagot na niya ang tawag.
Unknown number ang tumatawag sa kaniya. Hindi naka-save sa contact niya. Kaya't, nag-taka siya kung sino ito. Wala naman siyang pinag-bigyan ng number niya, maliban nga lang sa mga kakilala at mga pamilya niya.
"Aurora."
Bigla niyang na-higit ang kaniyang hininga nang marinig niya ang baritanong boses ng lalaking iyon sa kabilang linya.
Ang kaninang kilig na kaniyang nararamdaman, ay mas nadagdagan iyon nang marinig niya ang boses nito sa kabilang linya.
Lalo pa't, ang pangalan niya ang unang sinambit nito!
Banggitin lang ng lalaki ang pangalan niya, nag-hu-hurumintado na ang puso niya! Shit! Nahi-hibang na talaga siya kay Raxcer 'Ace' Vorex!
Napa-upo siya ng matuwid sa kaniyang kama. Hindi niya alam kung paano nito nakuha ang number niya, at kung ano ang dahilan nito ng pag-tawag sa kaniya.
Tumikhim siya nang hindi na ito nakapag-salita sa kabilang linya. "R-raxcer.."
"I told you, it's Ace." Halata sa boses nito ang inis dahil sa pag-tawag niya rito ng Raxcer.
Napa-irap siya sa hangin. Bakit ba kasi ayaw magpa-tawag ito sa mismong pangalan? Hindi naman siya na-i-iba sa pamilya nito?
Ngumiwi siya nang ma-realized niyang matagal na pala silang hindi magka-pamilya ni Raxcer, simula noong pag-hi-hiwalay nilang dalawa ng lalaki. What, a nice nightmare is that.
Tumikhim siyang muli. "Okay, sorry. Na-sanay lang ako, noon na Raxcer ang tawag ko sa'yo. Ba't--"
"Hindi na magiging ngayon ang 'noon', Aurora. Lahat ng bagay at pangyayari ay pwedeng mag-bago." Putol nito sa kaniya.
Bawat salita niyo'y may laman. Mukhang sa kaniya talaga nito inilalaan ang mga katagang iyon.
Biglang nawala ang ngiti niya sa kaniyang mga labi. Biglang na-lungkot ang kaninang, masaya niyang puso.
Humina na ang tibok niyon, sa katotohanang hindi na niya maiba-balik pa ang dati nilang pag-sa-sama ni Raxcer, a no. It's Ace rather.
Ngunit, hindi pa siya susuko. Not, now.
Hindi pa sa ngayon. Hindi pa niya na-ga-gawa ang lahat.
"Ba't ka nga pala, napa-tawag? Diyes oras na yata ng gabi, ah. Tsaka, saan mo nakuha ang cellphone number ko?" Pag-i-iba niya ng usapan.
Narinig niya itong napa-hinga ng malalim sa kabilang linya. Mukhang pilit lang ang pag-tawag nito sa kaniya ngayong gabi. Well, tanggap na niya iyon.
Pero, hindi iyon ang dahilan para mawala ang saya at kilig ng kaniyang puso.
"Lahat ng gusto ko, naku-kuha ko na ngayon, Aurora. Kaya't, huwag ka nang mag-tanong kung paano ko nakuha ang cellphone number mo..." Napa-irap siya sa hangin.
BINABASA MO ANG
Bad Man
Action#In Watty'sPH Longlist 2018! "I will no longer your good man, Aurora. I am now your bad man." - Raxcer 'Ace' Vorex. He wants to be love. He wants your attention. He wants your heart. He wants you to be claim by his property. But, you break his hea...