Kabanata 35

449 11 0
                                    

Kabanata 35: Bad Man

NAKAMASID siya sa buwan na tumatanglaw sa gabing madilim. Hindi niya aakalaing hanggang ngayon ay sa kaniya pa rin ang kaniyang pinaka-iibig. Sa kaniya pa rin bumagsak.

Nantili pa rin siyang nakatitig sa buwan habang umiinom nang alak, nang maramdaman niyang tumabi sa kaniya si Aurora. Ang kaniyang babaeng mahal..

Ilang araw na rin ang lumipas nang malaman niya ang buong katotohanan.

Ipinaliwang rin sa kaniya ni Aurora ang lahat. Noong una ayaw niyang makinig pero wala siyang magawa nang ito na ang magalit sa kaniya.

Ayon sa babaeng mahal niya. Bago raw ang anniversary nila noon. Nilapitan ito ng kaniyang ama.

Kinausap at pinagtangkaan ang buhay ng ama nito. Kung hindi siya lalayuan ni Aurora. Kaya't noong dumating ang anniversary nilang dalawa. Sinadya talaga nitong pinarinig sa kaniya ang mga sinabi nito.

Siya namang tanga agad na naniwala at iniwan ito. Kung maulit man ang nangyari noon. Iisa lang ang sisiguraduhin niya. Iyon ay ang ipaglaban ang babaeng mahal niya. Ipaglalaban na niya ito.

Mahal na mahal siya ni Aurora mula noon at hanggang ngayon. At mahal na mahal niya rin ito.

Who would have thought na magagawa iyon ng kaniyang sariling ama sa babaeng mahal niya?

But then again, ipinaliwanag sa kaniya ni Aurora na nagawa lang iyon ng kaniyang ama dahil gusto lang siya nitong protektahan. But, damned! Bakit ang babaeng mahal pa niya ang ginamit nito?

"You need to forgive him, mahal ko," biglang sabi nito.

Dahilan upang mapatingin siya rito. "Hindi pa sa ngayon, mahal ko. Hindi ko pa kaya."

Hinawakan nito ang kaniyang kamay. Tiningnan siya nito ng mabuti sa kaniyang mga mata. Tela binabasa at inuusisa ang kaloob-loob-an niya.

"Hanggang kailan ka magiging handa, mahal ko? Iyong wala nang oras at huli na ang lahat?"

Huminga siya ng malalim. Hinwakan niya ang kamay nito at dinala niya iyon sa kaniyang labi at hinalikan.

"Hindi muna iyon importante sa ngayon, mahal ko. Ang importante ngayon ay ang kasama kita."

Kinuha nito ang kamay na hawak-hawak niya. Kumunot ang kaniyang noo sa inasta nito. "Mahal? May problema ba?"

Hindi ito umimik. Tumingala ito sa langit. Nilapitan niya ito at niyakap niya sa bewang. "Mahal? Bakit naging tahimik ka? Kausapin mo naman ako, please?"

Hindi pa rin ito nag-salita. Bigla siyang nainis. "Mahal naman..kausapin mo na ako, oh. Hindi ako sanay na ganito ka. Pansinin mo naman ako, mahal.."

Humarap ito sa kaniya at kinuha ang kaniyang kamay na nakapulupot sa bewang nito at tinalikuran siya.

"Huwag mo nang patigasin pa ang puso mo, Raxcer. Mabuti may Ama ka pang nag-mamahal sa'yo. Huwag mong sasayangin ang pagkakataon. Alam kong napatawad mo na siya, kaya't huwag ka nang mag-matigas pa." sabi nito.

Mag-sasalita na sana siya nang tuluyan na itong pumasok sa loob ng kaniyang rest house.

Napa mura siya dahil sa inis. Talagang seryoso si Aurora sa sinabi nito.

Oras na siguro para ibaba niya ang kaniyang pride. Kailangan na niyang maka-usap ang kaniyang Ama, bago pa tuluyang hindi siya kibuin ni Aurora— ang babaeng mahal niya.

Kinuha niya ang kaniyang cell phone at may tinawagan siya.

"Hello, at my rest house. We need to talk now. Asap."

Napatingin siya sa loob ng rest house at nakita niya si Aurora na nakangiti habang naka-masid sa kaniya.

...

HINDI alam ni Raxcer kung paano mag-simula. At humingi ng tawad sa kaniyang ama na kaharap niya ngayon.

Iniiwasan nito ang kaniyang tingin. "Father, hindi ko alam kung paano magsisimula pero humihingi ako ng tawad sa mga nasabi ko sa inyo. Sana mapatawad mo ako, Ama."

Ngumiti ito at tinapik siya nito sa kaniyang balikat. "Ako ang dapat na humingi sa'yo ng tawad, Son. Malaki ang kasalanan kong nagawa sa'yo, at alam kung hindi na iyon maibabalik. Sana mapatawad mo ako," seryoso nitong sabi.

Tinapik niya rin ang Ama sa balikat nito. "Pwede po ba? Kalimutan na natin iyon Ama. Ang importante ay iyong ngayon."

"Salamat anak, mahal na mahal kita."

"Ang corny mo, Ama. Mahal din kita."

Saka sila nag tawanang dalawa.

Bigla itong naging seryoso. "Son, how about your plan to marry your woman?"

Ngumiti siya, "i will prepare for the proposal, Father."

"Then I am the one who manage for all. For your wedding. Let me?"

Tumango naman siya. "I like it Father."

Saka ulit sila nagtawanan.

...

#VS1BM

Ate Sari, <3

Bad ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon