Kabanata 13: Don Haris Plan
NAPANGISI SI Don Haris nang makita niya ang babaeng si Aurora na papasok sa building ng kompanya nito.
Matagal na niyang pinapasubaybayan sa kaniyang mga tauhan ang babae. At, mukhang lumalaban na talaga ang babaeng ito sa kaniya.
Hindi ito nilayuan ang isa sa mga anak niya- si Raxcer.
Kinuha niya ang kaniyang cell phone sa bulsa at nag-dial ng numero. Kung hindi madadala sa pakiusap ang babae. Dadaanin na niya ito sa dahas.
"Hello, mag-kita tayo ngayon. May ipagagawa ako sa'yo."
Ibinaba na niya ang cell phone at muli niyang pinagmasdan si Aurora nang makapasok na ito sa building nito. Umiling-iling siya saka napangisi ulit siya.
"I warned you already, Aurora Samontes. But, you choose to be with my son. Sorry nalang kung may mangyari sa iyong hindi maganda."
...
"SO what can I do for you, Don Haris? Mukhang malaking bagay ang ipagagawa mong ito sa akin. I can't wait, about it," salubong agad kay Don Haris ng isang investigador sa kaniyang harapan.
Malaki ang tiwala niya sa lalaking kaharap kung kaya't ito ang tinawagan niya kanina. Hindi lang ito basta-basta isang investigador lang.
Malapit rin ang lalaki sa pamilya niya. Kapatid ito ng asawa niya- sumalangit nawa ang kaluluwa ng kaniyang asawa sa langit, na si Ferda.
Ngumisi siya, saka inilapag niya ang isang brown enveloped sa mesa kung saan sila magka-harap na dalawa.
Nasa isang mamahaling restaurant siya nakipag-kita rito.
"Just make a fun with that woman, Moris. Pero, huwag muna sa ngayon. Patagalin muna natin ng isa o dalawang buwan. Para hindi naman niya mahalatang ako ang nasa puno't dulo ng lahat," naging paliwanag niya rito.
Kunot noo naman nitong kinuha ang brown enveloped sa mesa at kinuha ang litratong nasa loob 'nun.
Tinitigan nito ang litrato ng babae saka umangat ang mga tingin nito sa kaniya. Mukhang namukhaan ng kaniyang balae ang babaeng tinutukoy niya.
"Isa sa mga Samontes ito, ah? Pinapagawa mo ba ito sa akin, para tuluyan mo nang mabura sa buhay ni Raxcer si Aurora?"
Tumango-tango naman siya sa tanong nito. Muli naman nitong isinilid ang litrato ni Aurora sa loob ng brown enveloped at humalukipkip ito, bago sa kaniya itong tuminging muli.
"Bakit ba kasi gusto mong hindi mapalapit ang babaeng iyon sa anak mo? Hayaan mo na silang dalawa. Mukhang nag-mamahalan naman ang mga 'yun. Huwag ka nang maging balakid pa sa kanila. Kung andito si Ate Ferda, hindi niya magugustuhan itong pinanggagawa mo, Don Haris," matigas nitong saad habang ang seryoso ng tinging ibinibigay nito sa kaniya.
Umigting ang kaniyang panga pagka-rinig sa sinabi ng kaniyang balae. No, he wouldn't let this chance out on his way again.
"Isa sila sa mga dahilan kung bakit namatay ang asawa ko, ang kapatid mong si Ferda. Kung kaya't hindi ako makapapayag na maging isa sila sa pamilya ko. Lalong-lalo na ang anak ni Dasel Samontes na iyon!"
"Pero, Don Haris! Alam ko at alam mo na walang kasalanan ang mga Samontes sa pagkamatay ni Ate Ferda! Alam mo na aksidente lang ang lahat! Kaya't huwag mo nang bigyan pa ng problema ang sarili mo. You don't know what you are doing," matigas rin nitong balik sa kaniya.
Kumuyom ang kaniyang mga kamay. "No! That's not true! Hindi ako naniniwalang wala silang kasalan sa pagkamatay ng asawa ko. Lalong-lalo na ang Dasel na iyan. Alam ko na andoon siya mismo ng gabing iyon nang maaksidente ang asawa ko! Pero anong ginawa niya? Mas inuna niya pang iligtas ang mga kayamanan niya kesa sa asawa ng kaibigan niya!"

BINABASA MO ANG
Bad Man
Action#In Watty'sPH Longlist 2018! "I will no longer your good man, Aurora. I am now your bad man." - Raxcer 'Ace' Vorex. He wants to be love. He wants your attention. He wants your heart. He wants you to be claim by his property. But, you break his hea...