Kabanata 32: Hustisya
"MARAMING salamat sa tulong niyo mga Vorex at Samontes. Hindi namin mahuhuli ang kriminal na si Haven kung hindi dahil sa inyo," wika ng isang chief police na kaharap nina Don Haris, Moris at Don Dasel.
Ngiting-ngiti sila. Sa wakas at natapos na rin ang labanan.
"Wala pong anuman iyon, Sir Magalanes. Kami dapat ang magpa-salamat sa inyo dahil tinulungan niyo kaming iligtas ang mga anak namin," nakangiting sabi ni Don Haris saka siya tumingin kina Don Dasel at Moris.
Tumango ang Chief of police at nagpaalam ito sa kanila. "Sige, maiiwan ko muna kayo rito Don Haris. Kailangan ko lang munang asikasuhin ang kasong ito ni Haven Victores."
Tumango naman ang Don at saka hinayaan ang chief na maka-alis.
Napatingin ang Don kay Moris nang bigla siya nitong tapikin sa kaniyang balikat. "Ngayon bayaw, kailangan mo na ring humingi ng tawad at magpa-liwanag sa anak mo."
Kumuno't ang noo ng Don sa sinabi ng katabi nito. "Ano ang ibig mong sabihin, Moris?"
Lumapit sa kaniyang tabi ang kaibigan niyang si Don Dasel na ama ng magiging daughter in law niya. "Sabihin mo na ang katotohanan sa anak mo tungkol sa paghihiwalay nila noon ng anak ko."
Bigla siyang natameme. Natatakot siyang hindi mapatawad ng kaniyang anak na si Raxcer.
Lalo pa't nasaksihan niya ito noong panahon na nagdudusa sa paghihiwalay nito sa babaeng minamahal.
Nasaksihan niya din kung paano naging miserable ang buhay ng kaniyang anak sa paghihiwalay nito at ni Aurora.
Hindi niya kayang sabihin ang katotohanan rito. Hindi niya kayang umamin.
"Do I need to tell him the truth?" Nag aalinlangan niyang sabi sa mga ito.
"Ikaw rin ang makaka-sagot sa tanong na iyan, amigo. Ikaw."
Pagkatapos iyong sabihin sa kaniya ni Don Dasel tinalikuran siya ng dalawa.
Napatingin siya sa kaniyang anak na malapad ang ngiti.
Oras na ba para sabihin niya ang katotohanan rito?
...
"SALAMAT sa Diyos, at ligtas ka Aurora. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kapag nawala ka sa 'kin," seryosong sabi ni Raxcer sa babaeng kaniyang pinakamamahal.
Naka-upo sila ngayong dalawa sa bench na nasa labas ng kanilang bahay. Pagkatapos ng kaso kanina kay Haven umuwi na silang dalawa.
Dito niya dinala ang babae sa kaniyang rest house. Gusto niya muna itong suluhin.
"Oo nga Raxcer. Hindi ko pa siguro oras, pinag-tagpo siguro tayo para mag-sama habang buhay. At saka, salamat sa papa mo. Kung hindi dahil sa kaniya, namatay na sana ako."
Napangiti rin siya. "Hindi ko aakalaing magagawa niya iyon, mahal ko. Hindi ko aakalaing ililigtas ka niya mula kay Haven," di makapaniwala niyang wika.
Bago pa paputukan ni Haven si Aurora naunahan na ito ng kaniyang Ama.
Tinamaan sa balikat ang kalaban. Dahilan upang mabitawan nito ang baril at hindi na lumaban pa sa kanila.
"Hindi man ipinapakita ng Ama mo ang pagmamahal niya sa'yo, alam kong mahal na mahal ka 'nun. Hindi niya hahayaang maging malungkot ka. Anak ka niya eh," nakangiti nitong sabi.
Niyakap niya ito at isiniksik niya ang kaniyang mukha sa leeg nito.
Niyakap rin siya ni Aurora sa kaniyang bewang.
"Salamat mahal ko, hindi mo ako iniwan. Salamat at minahal mo pa rin ako. Salamat dahil napatawad mo pa rin ako sa kabila ng mga nagawa ko sa'yo. Salamat mahal ko. Salamat..mahal na mahal kita."
Mas nag-sumiksik siya sa leeg nito nang sabihin iyon sa kaniya ni Aurora.
Sinimulan niyang halik-halikan ito sa leeg papunta sa tainga nito at sa labi. "Salamat rin mahal ko dahil tinanggap mo akong muli. Salamat rin dahil minahal mo ako ulit at hindi na iniwan pa. Mahal na mahal kita Aurora. Mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat mapa sakin ka lang. Ayaw kong may lalaking umagaw sa'yo mula sa 'kin. Magkamatayan muna bago mangyari iyon," seryoso niyang sabi rito.
''I'm all yours, Raxcer 'Ace' Vorex. I'm all yours."
"That's what I want to hear from you, my love. Ang akin ay akin lang. And you're mine Aurora Samontes. All mine."
...
#VS1BM
Ate Sari, <3
BINABASA MO ANG
Bad Man
Acción#In Watty'sPH Longlist 2018! "I will no longer your good man, Aurora. I am now your bad man." - Raxcer 'Ace' Vorex. He wants to be love. He wants your attention. He wants your heart. He wants you to be claim by his property. But, you break his hea...