Kabanata 20

456 11 0
                                    

Kabanata 20: Don Haris and Haven

NGITING-NGITI si Don Haris, habang kaharap ang isang lalaking malaki rin ang ngiti sa kaniya.

Nakipagkamayan sila sa isa't isa. Saka sabay na umupo sa isang swivel chair.

Hindi na tumuloy si Don Haris sa Samontes Company, kundi pumunta na lamang siya sa kaniyang opisina.

Bago siya pumunta sa kaniyang opisina ay tinawagan niya ang isang lalaking handang tumulong sa kaniya.

Pinagsiklop niya ang kaniyang mga daliri, saka siya nagsalita. "Thanks for coming Mister Estrilla. Siguro naman, alam mo na kung ano ang pinapapunta ko sa'yo rito?"

Humahalakhak ang kaniyang kaharap na si Haven Estrilla. "I know it already, Don Haris. 'Wag ka nang mahiya pang sabihin sa akin. Handa naman akong makinig sa'yo at tulungan ka. You know me, simula noon at hanggang ngayon."

"This is about my son, and Aurora."

Mas lumawak ang ngiti nito sa kaniya. "Oh, I know it. About your son? Tsk..alam mo ba kung ano ang ginawa niya sa 'kin kanina? Sinuntok niya ako dahil sa sobrang selos niya na magka sama kami ni Aurora. And, you know what? Mukhang nasiyahan naman ang babaeng iyon."

"Now, then..we have a plan. Kailangan mong paglayuin silang dalawa. Tulad ng ginawa ko noon sa kanila. At sa pagpasok mo sa buhay ni Aurora. That you need to make her fall in love with you, at ipagpatuloy mo pa iyon, hanggang hindi pa nahuhulog ang loob niya sa'yo. At ito na ang pagkakataon mo. Samantalahin natin ang pagkakataon, habang galit pa ang anak ko sa kaniya."

Napangisi ang kaharap niya.

"Paano ko paiibigin ang babaeng iyon, kung alam nating pareho na posibleng mangyari ang gusto mong mangyari? Yes, I admit that before I really inlove with Aurora. But, its before in my high school life, but now..its already gone."

Naging seryoso ang mukha ni Don Haris at pinakatitigan ng mabuti ang kaharap.

"Umaatras ka na ba sa pinag usapan natin? Paano na ang plano?" Nababahalang tanong niya rito.

Siya si Don Haris, isa siyang taong hindi tumatanggap ng hindi.

Kaya't kung hindi na ngayon papayag si Haven sa kanilang usapan noon, kailangan niyang gumawa ng paraan.

Kung hindi tuluyan nang masisira ang plano niyang paghiwalayin ang kaniyang anak na si Raxcer at ang babaeng si Aurora Samontes, isang miyembro ng Samontes family na pumatay sa kaniyang asawa.

Napakuyom ang kaniyang kamao nang maalala ang nangyari sa kaniyang asawa. Pinatay ito sa pamamagitan ng pag-ambush.

Pinagbabaril.

Hindi manlang naawa ang mga pumatay rito.

Kaya't hindi siya makakapayag na magkaroon ng biyenan, na isa sa dahilan ng pagkamatay ng kaniyang asawa.

Kumibit balikat ang kaniyang kaharap at napabuntong hininga.

"Hindi sa ganoon, Don Haris. Gusto ko lang sa'yo sabihin ang totoo. Paano nating maitutuloy ang plano kung simula't sapol, alam naman nating nagmamahalan silang dalawa? Hindi ba pwedeng hayaan na lamang natin silang dalawa?"

Napatayo siya sa huling sinabi nito, nang bigla siyang mainis at magalit sa kaniyang narinig.

Hahayaan?!

Hahayaan niya na lamang na magsama ang dalawa?! Puputi muna ang uwak, bago niya malaman at masilayan ang araw na iyon.

Inihampas niya ang kaniyang dalawang palad sa mesa, saka tinitigan niya si Haven na nanlilisik ang mga mata. "You don't have right to say those words. Naiisip mo ba, kung ano ang magiging mangyari kung hahayaan natin silang dawala, ha Haven? Naiisip mo ba?"

Umiling-iling ito sa kaniyang sinabi. "Okay, sorry.Nagaalala lang naman ako sa kahihinatnan ng plano. So ano ang magiging plano mo?"

"Come with me, Haven and we will talk about our plan. Hindi dapat dito natin pag usapan iyon. We need a fresh air." Nakangisi niyang sagot.

Natakot si Haven sa sinabi ni Don Haris. Baka may pinaplano na pala itong masama sa kaniya.

Kung ganoon man, kailangan niyang maging handa.

...

#VS1BM

Ate Sari, <3

Bad ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon