Kabanata 18: Confess
UNTI-UNTING minulat ni Raxcer ang kaniyang mga mata.
Napabangon siya bigla pero napahiga ulit nang biglang sumakit ang kaniyang ulo. "Shit! Bakit ba kasi naparami ang inom ko kagabi?"
Napahilot siya sa kaniyang ulo. Pumikit siya saglit saka muli niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Tumayo na siya nang masigurado niyang parang okay na ang pakiramdam niya.
Ngunit napatigil siya sa kaniyang pag-tayo nang hindi pamilyar sa kaniya ang silid na kaniyang kinaroroonan.
Pinatitigan niya ng mabuti ang buong silid. Wala nga talaga siya sa kaniyang silid.
Kumunot ang kaniyang noo. Ang pagkakatanda niya'y sa bar siya nakatulog. Paano siya nakapunta sa lugar na ito? Hindi naman siya naka-alis sa bar na natulugan niya kagabi sa pagkakatanda niya.
Lumapit siya sa pintuan para buksan ang pinto nang bigla itong bumukas.
Bumungad sa kaniya ang napakagandang inosenteng mukha ni Aurora. Mas lalong napakunot ang kaniyang noo sa nakita. Teka? Nanaginip ba siya?
Mukhang nagulat naman ito pagkakita sa kaniya ngunit agad naman itong ngumiti. Napatingin siya sa dalang-dalang tray ng pagkain nito.
May sofas doon at isang basing tubig at gamot. "Magandang umaga sa'yo. Gising ka na pala. Kumain ka muna, alam kong hang-over ka."
Titig na titig lamang siya kay Aurora at hindi na siya nakakilos.
Sinunod niya ng tingin ng babae nang pumasok ito sa loob at ipinatong sa isang mallit na mesa ang dala nitong pagkain.
Piling niya namula ang pisngi niya nang tumingin itong muli sa kaniya.
"Pasensya na iyan lang ang nailuto ko sa'yo. Naubusan kasi ako ng stock ng pagkain. Nakalimutan ko palang bumili kahapon. Sige, maiiwan na muna kita para makakain ka na at makapag-ayos."
Nilampasan siya nito sa kaniyang kinatatayuan at diretso itong lumabas ng pinto pero agad niya itong pinigilan.
"A-ahem..s-sinundo mo ba ako kagabi sa bar?"
Nakangiti parin itong tumango-tango sa kaniya. Bakit yatang biglang naging masayahin ngayon si Aurora? May ginawa ba siyang kababalaghan kagabi kung kaya't ganito ito kung makangiti ngayon?
"So..ibig sabihin.."
"Sinundo kita kagabi dahil tinawagan ako ng bartender. Naawa naman ako sa'yo kaya't sinundo na lamang kita kahit hating gabi na. Saka ang bigat mo kaya, buti na lang kinaya ko. Huwag kang mag-alala. Wala namang naging problema. Sige, kumain ka na. Alam kong hang-over ka pa."
Tinalikuran na siya nito't walang lingong likod.
Napahinga siya ng malalim at napahilamos sa kaniyang mukha. Nakakahiya! Si Aurora pa ang nakakita ng kabalastugan niya! Hindi manlang siya nag-isip bago nagpakalunod sa alak kagabi.
Realization hits him. Sinundo pa talaga siya ni Aurora ng hating gabi sa bar kahit delikado na. Nabatukan niya bigla ng sarili.
Kailangan niyang makabawi sa babae.
Sinarado na niya ang pinto at napatingin sa pagkaing nakapatong sa maliit na mesa.
Sa isang iglap gumuhit ang hindi niya maipaliwanag na ngiti sa kaniyang mukha. Mukhang ito na 'yata ang magandang araw niya pagkagising. Parang hahanap-hanapin na niya ito araw-araw.
Napailing siya't pumasok na lamang sa banyo. Oo nga pala, anong damit ang ipapalit niya? Oh, damned!
Hindi niya kanina naitanong kay Aurora! Anong gagawin niya ngayon?
...
#VS1:BM
Ate Sari, <3

BINABASA MO ANG
Bad Man
Action#In Watty'sPH Longlist 2018! "I will no longer your good man, Aurora. I am now your bad man." - Raxcer 'Ace' Vorex. He wants to be love. He wants your attention. He wants your heart. He wants you to be claim by his property. But, you break his hea...