Kabanata 28

365 14 0
                                    

Kabanata 28: This is the War

NAKANGITI si Haven habang umiinom sila ng alak. Silang magkapatid na si Kellex. Yes, he is one of the Victores Family.

Sayang nga lang at hindi iyon napansin ng kaniyang kalaban na si Don Haris Vorex. Ni hindi manlang nito napansin ang pagpasok niya sa buhay nito.

Ang matanda talagang iyon madaling mag-tiwala. Ilang oras na lamang at mapapasakaniya na rin ang kapangyarihan. Makikilala na rin ang mga Victores sa buong mundo.

"Ang galing mo kuya Haven, ni hindi manlang nila napansin na nakapasok ka na sa bakuran nila," wika ng kaniyang kapatid habang nakangisi ng nakakaloko.

Napanhisi pa siya ng malawak. "Ang problema kasi sa kanila hindi ginagamit ang utak. Kaya't naisahan mo sila. Ilang oras nalang at mapapa-sa'tin na ang kanilang mga kayamanan at kapangyarihan."

"I'm so proud of you Kuya. How I wish that I am like you someday," puno ng paghanga ang nasa tono ng kaniyang kapatid.

Napahalakhak siya, "tandaan mo walang Victores na mahihina. Malalakas tayo, Kellex iyan ang tandaan mo."

"Yes, kuya I'll save it in my mind."

"Good. That was I like to hear from you. No one can be down our named. We're the one who has a power remember that boy."

Nag cheer pa silang dalawang magkapatid ng kanilang hawak na mga baso at sabay na tinungga ang mga 'yun.

Sa kalagitnaan ng kanilang paginom ng dalawa biglang pumasok ang isang tauhan na lalaki. Hingal na hingal ito at mukhang kinakabahan.

Napalingon roon si Haven. "Boss! Ang mga bihag nakatakas!"

Mukhang napantig ang kaniyang tainga sa narinig. "Say it again?"

"Ang mga bihag boss, nakata---ugh!"

Bang! Bang! Bang!

Agad niyang binunot ang baril na nakasukbit sa kaniyang bewang at binaril ang kawawang lalaki. Humandusay ito sa sahig at wala nang buhay. Umagos ang dugo nitong galing sa tama ng baril sa kaniyang katawan.

"This is bullshit!"

Tuloy-tuloy siyang lumabas ng kaniyang opisina at pumunta sa kanilang head quarters.

"Anong tinutunganga niyo diyan?! Hanapin niyo ang dalawang bihag! Huwag kayong babalik rito hangga't hindi niyo sila nahuhuli! Maliwanag?!"

"Yes boss!"

Nagsitakbuhan naman ang kaniyang mga tauhan.

Siya naman napahilamos sa kaniyang mukha at napasabunot sa kaniyang buhok. Hindi siya maaaring sumamblay sa mga oras na ito. Kailangang matuloy ang plano.

Kailangang mapasakanila ngayon ang kapangyarihan at kayamanan ng mga Vorex at Samontes. "This can't be!"

Biglang sumulpot sa kaniyang harapan si Kellex. "Kuya, huwag kang mag-alala. Makikita rin namin ang dalawang iyon."

"Siguraduhin mo lang kung hindi mapapatay ko silang lahat!"

Agad na tumalikod si Kellex sa kaniya at nagsimula nang humanap sa nawawalang bihag.

Nagpalinga-linga siya sa paligid. "Gusto niyo ng  laro ha, pwes ibihigay ko sa inyo. Ibibigay ko sa'yo Raxcer 'Ace' Vorex."

Bumalik siya sa kaniyang opisina at binuksan ang kaniyang laptop. Kung saan doon naka set ang kuha ng bawat cctv sa kaniyang hide out.

Napangisi siya nang makita kung saan dumaan sila Raxcer at Aurora. "Gotcha! Akala niyo makatakas kayo sa aking dalawa? No, not this time. Hindi kayong dalawa ang makaka-pagpabagsak sa 'kin."

Napatawa siya na siyang pumuno sa buong silid na kaniyang kinaroroonan.

...

"TAMA BA itong tinatahak nating daan? Mukha namang walang ka taste-taste sa lugar ang mga Victores na iyon. Dito pa talaga sila sa isang masukal na lugar nagtago ha?" Sabi ni Don Haris habang nakatingin sa labas ng sasakyan.

Kasalukuyang papunta na sila sa lugar na tinext sa kanila kanina. Hindi nila alam kung ano ang kanilang madadatnan doon. Pero nakapaghanda naman sila sa kung ano man ang mangyari roon.

Napaismid si Moris habang nagmamaneho, "tss...iyan ka na naman sa pagiging rich mo. Isipin mo nalang kung ano ang magiging advantage kung bakit dito nila napiling tumago."

"Ah, yeah right. I know."

Umiling-iling na lamang si Don Dasel sa kaniyang mga naririnig.

Tahimik siya dahil kanina pa siya kinakabahan hindi niya alam. Basta't ang importante sa mga oras na ito. Mailigtas nila sina Aurora at Raxcer.

"I think nandito na tayo," biglang wika ni Moris sabay patay ng makina ng sasakyan.

Napatingin sila sa paligid at may nakita silang isang mansyon sa gitna ng masukal na kagubatan.

"Ang weird talaga..." biglang kumento ni Don Haris.

Lumabas na silang tatlo sa sasakyan. Inihanda ang sarili.

Unang nag wika si Moris. "I think we should prepare ourselves."

"Yes, we should. Matinding bakbakan ang magaganap nito mamaya," sang-ayon naman ni Don Dasel rito.

Narinig nilang kumasa ang baril ni Don Haris kaya't napatingin silang dalawa rito. "One bullet for one of them," nakangising wika pa nito.

"Let's go.."

Nagsimula na silang lumakad na tatlo. At kung ikaw ang nakamasid sa kanila habang naglalakad. Pagkakamalan mo talagang isa silang Agent 3.

...

#VS1BM

Ate Sari, <3

Bad ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon