Kabanata 27

367 11 0
                                    

Kabanata 27: Ipaglalaban Kita

PAGKATAPOS SIYANG pagsuntukin ng mga tauhan ni Haven dinala siya ng mga ito sa isang madilim na silid.

Itinulak siya papasok sa loob. Sumunod ang dalawang lalaki at iginapos siya sa isang poste. Napamura siya. Mukhang wala na talaga pa siyang takas mula sa bahay na ito.

Nang matapos na siyang igapos ng mga ito napalinga-linga siya sa paligid.

Lumabas ang dalawang lalaking gumapos sa kaniya.

Iyon na ang pagkakataon niya para gumawa ng paraan na makatakas sa lugar na kinaroroonan niya at mahanap si Aurora.

Hinila niya ang kaniyang mga kamay na sa kaniyang likuran habang nakagapos sa poste. Kahit masakit ang tali pilit niyang hilahin ang kaniyang kamay pataas.

Nang hindi niya makuha-kuha. Inipwesto niya ng maayos ang katawan at nag-concentrate siya sa kaniyang ginagawa.

Ilang minuto ang lumipas nang maramdaman niyang lumuwag ang tali sa kaniyang dalawang kamay.

Ilang segundo ang lumipas at nakapalag siya sa pagkakagapos. Sunod niyang hinubad ang lubid na nakatali sa kaniyang paa. Nang matapos iyon, kinuha niya iyon at ipinasok sa kaniyang bulsa. Magagamit pa niya iyon mamaya.

Nagpalinga linga siya sa paligid. Wala ni isang bintana na pwede niyang lusutan. Talagang nag iisa lamang ang kaniyang dadaanan. Ang pinto.

Nilinga niya ang paligid. Naghahanap ng bagay na maaring gamitin upang pam protekta sa mga kalaban. Dinampot niya ang isang bakal. Hinawakan niya iyon ng mabuti.

Napatago siya sa likod ng pintuan nang may akmang bumukas nito. Hindi siya nagkamali, isa iyon sa tauhan ni Haven. Nang makapasok ang dalawang bantay, agad niyang hinambalos ng tubo ang mga ito. Agad naman nawalan ng malay ang dalawa.

Hinubad niya ang suot ng isa at isinuot niya. Mabuti na ang nagiingat. Sinuot niya rin ang jacket na may hood, para hindi siya mahalata mamaya paglabas niya.

Hinila niya ang dalawang walang malay at iginapos niya ito sa poste, gamit ang mga taling iginapos rin ng mga ito sa kaniya kanina.

Napatingin siya sa pinto. Huminga siya ng malalim bago lumabas ng silid na iyon. Sumalubong sa kaniya ang tahimik na pasilyo.

Nagpalinga-linga siya at dere-deritso siyang lumakad.

Nang makalabas na siya ng pasilyong iyon, pumunta siya sa isang pasilyo. Hahanapin niya si Aurora. Hindi siya aalis sa lugar na ito hangga't hindi niya ito nakikita.

Napahinto siya sa kalagitnaan ng pasilyo nang makita niya ang dalawang lalaki na nakatayo sa labas ng isang silid.

Biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso sa isiping baka nandodoon si Aurora.

Inayos niya ang kaniyang suot na jacket na may hood. Lumapit siya sa dalawang lalaki. Hindi naman siya kilala nito kaya't mapapadali ang kaniyang plano upang mailigtas si Aurora.

"May iniutos lang si Boss. Kailangan ko lang tanungin ang babae sa loob," wika niya sa kaniyang malalim na boses.

Napatingin sa kaniya ang dalawa. Tinititigan pa siya nito bago nag salita ang isa. "Osige," sabi nito.

Napangiti siya ng palihim nang papasukin na siya ng dalawa sa loob. Hindi nga siya nakilala ng mga ito.

Sinuyod niya ng tingin ang loob ng silid. Napa-iyak siya at napatakbo sa pwesto ng isang babae na nakatali sa isang poste. Hindi lang pala nakatali si Aurora kundi nakakadena pa. Tama nga siya, nandidito si Aurora.

"What the hell! Anong ginawa nila sa babaeng mahal ko?"

Nilapitan niya si Aurora at mukhang walang malay ito. Tinapik-tapik niya ang babae sa pisngi habang binibigkas niya ang pangalan nito.

"Aurora! Aurora! Wife, gumising ka! Shit! Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa'yo. Magbabayad sila!"

Luminga-linga siya sa paligid. Paano niya mapakawalan si Aurora, gayong wala siyang susi ng mga kandadong nakakabit sa kadena?

Kinalas muna niya ang tali na nakatali sa katawan ni Aurora. Pagkatapos 'nun nag isip siya ng paraan kung paano masira ang kadena.

Ss gitna siya ng paghahanap ng isang bagay na maaaring gamitin sa padlock ng kadena ay nagising ang babaeng mahal niya. Napatigil siya sa kaniyang ginagawa.

"Si-sino ka! Anong gagawin mo sa 'kin?! Anong binabalak mong masama?!"

Ramdam niya ang kabang nararamdaman ni Aurora.

Naatayo siya mula sa kaniyang pagkakaupo, at nabitawan niya ang padlock na hawak-hawak niya kanina.

Kinuha niya ang hood na nasa kaniyang ulo at tinitigan niya si Aurora. "My wife...salamat at gising ka na. Huwag kang mag-alala, makakatakas na tayo rito. Ililigtas kita.."

"A-ace..andito ka...pa-paano?"

"Mamaya ko na lamang sa'yo ipapaliwanag kapag makaalis na tayo sa lugar na ito. Ang importante sa ngayon, maitakas kita rito," sabi niya sabay kinintalan niya ito ng halik sa mga labi.

How he miss this woman he love. Hindi niya kaya kapag may masamang mangyari sa babaeng mahal niya.

''Pe-pero paano?"

"Shh..gagawa ako ng paraan. Basta't magtiwala ka lang sa 'kin."

Tumango-tango ito saka ngumiti. "Mahal na mahal kita Ace, at simula pa noon naniniwala na ako sa'yo."

Napangiti rin siya saka niyakap ito. "Mahal na mahal rin kita, Aurora. Mahal na mahal at handa kong gawin ang lahat ipaglaban lang kita."

...

#VS1BM

Ate Sari, <3

Bad ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon