Kabanata 16

464 15 0
                                    

Kabanata 16: Bugso ng Damdamin

ILANG BOTE NA ng alak ang nainom ni Raxcer. Nakasubsub lamang siya sa mesa, habang ang iba ay nag-sasayaw at nag-iindayog sa saliw ng musika.

Kanina pa siya sa bar, at kanina pa siya umiinom.

Pero bakit ganoon? Bakit hindi parin nawawala ang problema niya?

Bakit hindi niya parin matanggap na mas pinili ni Aurora, na makasama ang Haven na iyon, kesa sa kaniya?

Mas lamang naman siya ng sampung paligo sa lalaking iyon.

Pero bakit ganoon parin ang kinalabasan? Mas pinili at kinampihan ni Aurora ang lalaking iyon?

Saka bakit ba siya apektadong-apektado sa naging reaksyon noong isang araw ni Aurora?

'Di ba wala na siyang pakialam pa sa babae?

O, 'di kaya'y, mahal pa niya si Aurora kung kaya't ganoon siya ka-apektado dalawang araw ang nakaraan,  hanggang ngayon?

Napa-higpit ang kaniyang hawak sa baso ng sumagi iyon sa kaniyang isipan.

Hindi dapat siya mag-patalo.

Baka sa larong sinimulan niya, siya ang matatalo.

Pero bakit ganoon?

Kahit anong gawin niya, ganoon parin ang sumsagi sa isipan niya?

Inubos niya ang laman ng baso at muli na namang tumigis ng alak.

Dalawang araw na siyang umiinom matapos ang nangyaring eksena sa pagitan nila ni Aurora.

Simula noon wala na siyang balita rito.

His not interested anyway.

Ngunit bakit nagkakaganito siya, kung wala talaga siyang paki-alam kay Aurora?

Biglang may tumapik sa kaniyang balikat. "Excuse me, Sir. Kailangan na po kasi naming kunin ang bill niyo. Kanina pa po kasi kayo na nandito. At mukhang hindi niyo na po kayang uminom. Wouldn't you mind, Sir. Will you, stop drinking--"

"Wala akong paki-alam! Gusto kong uminom!"

Hindi na niya pinansin ang bartender na kumalabit sa kaniya. Mukha namang nadala ito sa sigaw niya kung kaya't umalis na lamang ito.

Ilang oras ang lumipas, at lasing na lasing na talaga siya. Mag-aalas dose narin ng gabi kaya't pasara na ang bar na pinuntahan niya.

Siya nalang rin ang natitirang customer, at ang masklap pa doon siya naka-idlip ng tulog.

Naramdaman niyang may tumapik sa kaniya at pilit siyang ginigising.

"Sir, mag-sasara na po ang bar namin. Bawal po kayo ritong matulog. Saan po ba kayo uuwi? Ihahatid na lamang po namin kayo," wika ng isang binatilyo na bartender ng bar.

Umungol siya't tinapik ang kamay nitong nakapatong sa kaniyang balikat. "Hindi ako aalis ng bar na ito at uuwi ng bahay, until Aurora came out and get me here."

"Asawa niyo po ba iyon, o girlfriend, Sir? Tatawagan ko na lamang po siya, if you don't mind, Sir." Nagmamalasakit namang sabi ng bartender.

Nang wala itong natanggap na tugon galing kay Raxcer. Wala na itong nagawa kundi kunin na lamang ang cell phone nitong kanina pang nakapatong sa mesa.

Past twelve o'clock in the midnight na. Sana naman gising pa ang 'Aurora' na sinasabi nito.

Kung hindi, malalagot siya sa kaniyang manager hangga't hindi niya pa napapa-alis ang may matigas na ulong lalaking ito, na nakahandusay sa mesa na walang kamalay-malay sa loob ng bar.

Mukhang nagka-roon ito ng problema sa asawa o girlfriend nito, kung kaya't nagpaka-lasing ito. Napailing na lamang ang bartender.

...

NAALIMPUNGATAN si Aurora sa kalagitnaan ng kaniyang pag-tulog nang biglang mag-ring ang kaniyang cell phone na nasa mesa, na katabi ng kaniyang kama. Alas dose na ng gabi, sino naman ang tatawag sa kaniya?

Napilitan siyang bumangon at kinuha ang kaniyang cell phone. Sinagot niya agad ito nang hindi manlang tinitingnan kung sino ang tumatawag sa kaniya.

Antok niya itong sinagot. "Hello? Alam mo bang--"

"Si Miss Aurora po ba ito?" Bungad na tanong ng boses na lalaki sa kaniya sa kabilang linya. 'Ni hindi manlang nito pinatapos ang kaniyang sasabihin.

Biglang nagising ang kaniyang natutulog na diwa nang marinig ang hindi pamilyar na boses galing sa kabilang linya.

Napatingin siya sa screen ng kaniyang cell phone at nanlalaki ang kaniyang mga mata nang muli niyang ibalik sa kaniyang tainga ito. "Sino ka? Bakit na sa'yo ang cell phone ni Raxcer?"

Naka-kunot na ang kaniyang noo.

Bigla siyang kinabahan.

May masama bang nangyari kay Ace? Kung kaya't ganitong oras na siyang tinawagan ng kaibigan nito?

O, 'di kaya'y isa itong kidnapper at hihingian siya ng ransom para sa kaligtasan ni Raxcer 'Ace' Vorex?

"Kinidnap mo ba ang... ang..." ano nga ba niya si Ace? Sasabihin niya bang asawa o boyfriend? Pero hindi naman niya asawa si Ace at mas lalong-lalong hindi niya ito boyfriend! "Ang..ang kaibigan ko? Sabihin mo kung ilan ang kailangan mo. Pupuntahan kita at ibibigay sa'yo ang perang gusto mo. 'Wag mo lang siyang sasaktan--"

"Ma'am isa po akong bartender sa bar na tinulugan ng asawa niyo. Hindi po ako isang kidnapper. Tinawagan po kita kasi hindi 'daw po siya aalis rito sa bar, hangga't hindi niyo pa po 'daw siya sinusundo. Kung may problema po kayo sa isa't isa. Ayusin niyo na po sana. Hindi po iyong nandadamay po kayo ng isang tulad ko, baka po kasi ako ang mawalan ng trabaho, kapag hindi pa po umaalis ang asawa niyo sa bar na ito. Magagalit po ang manager ko sa 'kin. Sana maintindihan niyo"

Napanganga siya sa mahabang sinabi nito.

Wala manlang siyang naintindihan doon, maliban nga lang sa asawa at sundo na sinasabi nito.

"Saan bang bar iyan?" Hindi narin niya napigilang mainis dito.

Sino bang lalaking ito, at kung makapag-salita mukhang mas masaklap pa ang pinagdadaanan nito kesa sa kaniya. "Sa Kris Bar po. You have thirty minutes nalang po, para sunduin ang asawa niyo. Kung hindi niyo po siya masundo within thirty minutes, doon na lamang niyo po siya sunduin sa presinto."

Bago pa siya makapag-salita binabaan na siya ng cell phone sa kabilang linya  ng bartender.

Walang hiya! Gamit niya pa ang cell phone ni Ace! Eh, ako nga hindi ko manlang nahawakan ang cell phone na iyon. Tapos, tapos..kung makapag-salita siya sa akin..grr!

"Ano ba kasing pumasok sa kukute mo Raxcer, at nagpapasundo ka sa 'kin?!"

Tumayo na siya sa kaniyang kama.

Bigla tuloy nawala ang kaniyang antok.

Pagdating talaga kay Raxcer, wala na siyang magagawa pa.

Sugod agad siya.

Mahal na mahal niya eh, ano pa nga ba ang magagawa niya?

Hindi niya kayang tiisin si Raxcer.

Kaya't wala na siyang magagawa, kundi sundin ang bugso ng kaniyang damdamin.

...

Shout out! Mga Vorex Fanatics! Dahil wala akong update ng ilang linggo. Ito at tatlong kabanata ang ibibigay ko sa inyo. Pasensya na mga mahal ko, nagka-sakit kasi ako. Kung kaya't hindi ako nakapag-update. Maliban diyan, meron rin akong maraming ginagawa. Tulad ng project sa school at exam namin. Patapos na kasi ang school year. Don't worry, babawi naman ako kapag summer na. Kaya sana maintindihan ninyo! So iyon lang. Maraming salamat sa matiyagang pag-aantay. :) love you, guys!

Ate Sari, <3

Bad ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon