Kabanata 23: Victores Family
PINAGBUKSAN siya ng gate. Isang katulong ang humarap sa kaniya. "Ano pong kailangan nila?" Tanong nito sa kaniya.
"Andiyan ba ang amo mo? Si Dasel Samontes? Kailangan ko lang siyang makausap." Seryoso niyang tanong rito.
Tumango-tango ang babaeng katulong sa kaniya. "Ah, sige po. Maiiwan ko lang po muna kayo, tatawagin ko lang po si Don Dasel."
Tumango siya. Iniwan siya ng katulong sa labas ng gate. Napahinga siya ng malalim. Hindi dapat siya nandidito. Pero kailangan niyang tamain ang mga maling kaniyang nagawa.
Kailangan niyang ayusin ang lahat.
Ilang minuto ang lumipas, bumukas ulit ang gate. Bumungad sa kaniya ang isang seryosong mukha ng kaniyang dating kaibigan. Si Dasel Samontes.
"Anong ginagawa mo rito? Pagbibintangan mo na naman ba ulit ang pamilya ko ang isa sa may kasalanan kung bakit namatay si Ferda?" Salubong agad nito sa kaniya.
Napahinga siya ng malalim. Inaasahan na niya iyon dito. "Pwede, papasukin mo muna ako? Bago ka magsalita ng mga ganyan?"
"Aba't ikaw pa ngayon ang---"
Hindi nito natapos ang sasabihin nang bigla siyang pumasok ng gate at tuloy na tuloy siyang pumasok ng bahay nito.
Galit naman itong sumunod sa kaniyang likuran. "Who give you a permission to enter my house? Alam mo bang pwede kitang kasuhan nang trespassing?!"
"Relax amigo..hindi ako nagpunta rito para makipag away sa'yo. Nagpunta ako rito para humingi sa'yo ng tawad," seryoso na niyang sabi.
Parang kumalma naman ang itsura nito. Umupo ito sa sofa na kaniyang kaharap.
"Mamamatay ka na ba?"
Napangiti siya sa tanong nito. Ibig sabihin lang 'nun, handa itong makinig sa mga sasabihin niya.
Kung iyon nga ang ibig sabihin, handa siyang magpaliwanag rito. "Alam kong huli na ang lahat para sa 'ting pagkakaibigan, ang paghingi ko sa'yo ng tawad, Dasel. Pero nandidito ako para humingi sa'yo ng kapatawaran. Oo, alam kong nagkamali ako. Mali ang pagbintangan ka sa pagkamatay ng asawa ko na hindi ko alam kung ano ang totoo. Sana hindi pa huli ang lahat sa ating pagkakaibigang dalawa," huminga siya ng malalim bago ulit nagpatuloy.
"Sorry din kung may nagawa akong hindi maganda sa anak mong si Aurora. Sorry kung ngayon lang ako naliwanagan. Kung hindi pa sana dahil kay Moris, hindi ko malalaman ang totoo. Sinabi niya sa 'kin kanina, na wala kang kinalaman sa pagkamatay ng asawa ko. Ayon sa kaniyang imbestigasyon, ang pamilya Victores 'raw ang nagpasanog ng aming bahay. Hindi pala totoo na kinuha mo ang mga kayamanan, kesa iligtas mo ang asawa ko. Iyon pala, iniligtas mo si Ferda, ngunit hindi mo nagawa dahil binaril ka ng isa sa tauhan ng Victores. Sila pala ang pumatay sa asawa ko, para bumagsak ang pamilya namin. Pero hindi sila nag tagumpay. Kung kaya't sabi sa akin ni Moris kanina, gagawa 'raw ulit ng hakbang ang Victores, para pabagsakin ulit kami. Pero hindi lang ako, Dasel. Ikaw rin," mahaba niyang paliwanag rito.
Nakitaan niya ng pagkalito ang dating kaibigan. Tela nag iisip kung paniniwalaan siya nito. Ngunit kalmado ang mukha, at parang ina absorb pa nito ang mga sinabi niya.
Maya't maya tumayo ito at humarap sa kaniyang harapan. "Kung gayon, ano pang hinihintay natin amigo. Tara na't paghandaan ang paglusob ng ating mga kalaban."
Napatayo na lamang siya na hindi parin makapaniwala. Tinawag ba siya ni Dasel na amigo, o nagkamali lang siya?
"Tara na Haris, we out of time!"
"Ah, yes. But wait, Dasel."
Tumigil ito sa paglalakad at nilingon siya.
"What?"
"Pina-kidnap ko pala ang anak mo kay Haven. Don't worry hinahanap naman siya ngayon ni Raxcer," ngiwing sabi niya.
"What the hell?! Why did you do that?"
Akma na sana siyang susuntukin ni Dasel nang mapigilan niya ito. "Mamaya mo nalang ako suntukin. Mamaya ko narin sa'yo ipapaliwanag kung bakit, sa ngayon kailangan na nating kumilos."
"Letse! Humanda ka talaga sa 'kin mamaya Haris!"
Oh-oh, its not smell good.
...
IINIKOT-IKOT niya ang magazine ng isang baril.
Tiningnan niya ang kaniyang kapatid na nakatayo sa kaniyang harapan. "Alam na ni Haris ang katotohanan. Alam na niyang tayo ang nagpapatay sa kaniyang asawa at nagpasunog sa kanilang dating bahay. Alam niya rin na tayo ang nagpa baril sa kaniyang matalik na kaibigang si Dasel Samontes," wika ng kaniyang kapatid.
Nang malagay na niya ang magazine sa kaniyang baril nilinisan niya ito ng puting towel.
"Nagawa niyo na ba ang utos ko sa inyo?"
"Yes kuya, nakuha na namin siya. Andoon na siya ngayon sa isang silid," agad na sagot sa kaniya ng kaniyang kapatid.
Tumayo siya't isinukbit ang baril sa kaniyang bewang, "kung gayon, oras na para kunin ang isa pa nating alas. We need to be prepared for this war. Alam kong mapapbagsak na natin ang pamilyang Vorex, hindi lang pala sila pati ang narin ang Samontes."
"Ano pong susunod nating plano kuya?"
Tiningnan niya ito nang may ngiti sa mga labi. "Papatayin natin silang lahat, at kukunin ang kanilang mga kayamanan para tayo na ang pinakapangyarihan at pinakamayaman sa buong mundo."
Yumuko sa kaniya ang kaniyang kapatid bago ito umalis, "masusunod po kuya."
Mapapasakanya narin ang kapangyarihan at kayamanan ng pamilya Vorex at Samontes.
Sa wakas matutupad narin ang pangarap niyang titingalain ang pamilyang Victores sa buong mundo.
...
#VS1BM
Ate Sari, <3

BINABASA MO ANG
Bad Man
Action#In Watty'sPH Longlist 2018! "I will no longer your good man, Aurora. I am now your bad man." - Raxcer 'Ace' Vorex. He wants to be love. He wants your attention. He wants your heart. He wants you to be claim by his property. But, you break his hea...