Kabanata 30: Hawak-Kamay
"BILISAN NIYO! Ang bagal-bagal!" Sigaw ni Kellex sa kanilang dalawa ni Aurora.
Kanina pa nagpipigil na manggulpi si Raxcer. Kanina pa niya gustong patayin ang isang ito kung hindi lang may mga maraming bantay ito na nakasunod sa kanila.
Hawak-hawak niya ang kamay ni Aurora. Pinisil niya iyon dahilan upang mapatingin ito sa kaniya.
"Huwag kang matakot Aurora, andito lang ako. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa'yo," sabi niya sabay pisil ulit sa kamay nito.
Nawala ang takot at pangamba na nakabalatay sa mukha nito kanina. Napahinga siya malalim.
Kung kaya niya lang sa mga oras na ito patumbahin ang mga kalaban ginawa na niya kanina pa. Ngunit kulang ang kaniyang abilidad sa pakikipag-away para mapatumba itong lahat. Kahit hindi niya matanggap sa sarili, hindi niya kaya ang mga ito.
Itinulak sila ni Kellex nang makarating na sila sa harapan ng mansyon. Ngunit napatigil sila nang makita kung sino ang naroroon. Ang kaniyang Ama at ang kaniyang soon to be father in law. At ang tito Moris narin niya.
Nagkatinginan sila ni Aurora habang naka kunot ang noo. Nakatayo ang tatlo habang kaharap ng mga ito si Haven.
Nakangiti ang gagong lalaki. Habang ang mga itsura naman ng tatlo ay relax lang. Mas napa kunot ang kaniyang noo nang makita ang mga reaksyon ng mga ito.
"Dad?! Dad! Anong ginagawa niyo rito? You shouldn't be here!" Biglang sigaw ni Aurora kung kaya't napatingin rito ang daddy nito.
Maging ang Ama at si tito Moris niya. Maging si Haven ay napatingin rin sa kanilang pwesto. Mas lumawak ang ngiti nito.
"Father! What are you doing here?! Are you out of your mind?! And also you tito!" Mukhang hindi lang si Aurora ang po-problemahin niyang iligtas. Maging ang tatlong ring ito.
Oh, damned! What can he do now? His out of his focus.
Kailangan niyang maka-isip ng paraan.
"Oh, sa wakas. Nagkita-kita na rin kayo. Ngayon umpisahan na natin ang laro. Sino ang mauna mag roll ng dice ako o kayo?" Tawa-tawang sabi ni Haven habang papalapit sa kanilang pwesto.
"Wala kang kasing sama Haven! Anong ginawa mo sa anak ko? Bakit ganyan na ang itsura niya, ha?! Hindi ka sumusunod sa usapan!" Galit na galit na sigaw ng daddy Dasel ni Aurora.
Napatingin siya kay Aurora. Umiiyak na ang babaeng mahal niya.
Mukhang sinuntok ang puso niya nang makitang lumuluha ito. Hindi niya kayang makita itong umiiyak. Sakit at kirot ang kaniyang nararamdaman sa'twing tumutulo ang mga luha nitong nanggagaling sa mata.
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito. Sa pamamagitan niyon mapanatag at mapakalma niya ang loob nito. Ngunit walang epekto. Patuloy parin ito sa pag-iyak kahit walang hagulhol.
Nainis siya sa kaniyang sarili. Wala manlang siyang magawa sa mga oras na ito.
"Kayo ang hindi sumusunod sa usapan! Akala niyo ba maiisahan niyo ako? Diyan kayo nagkakamali!" Sigaw ni Haven na siyang naka agaw ng kaniyang pansin.
Anong sinasabi nitong hindi sumusunod sa usapan?
Nagtataka namang tumanong ang ama ni Aurora, "anong ibig mong sabihin na hindi sumusunod sa usapan?"
"Huwag na kayong mag-maang-maangan pa. Alam ko na alam niyo kung ano ang ibig kong sabihin," makahulugang sagot naman ni Haven.
Nagpalinga-linga siya sa paligid. Wala namang kakaiba. Pero hindi siya tanga para hindi malaman kung ano ang tinutukoy ng kanilang kalaban.
"Kung gayon alam mo na pala. Ibang klase, matalino ka nga Victores. Alam mo ang bawat galaw namin," ngising-ngising sabi ng kaniyang ama.
Kung gayon pareho sila ng iniisip ng Ama niya. Malamang at sa malamang nakita na ng mga kalaban nila ang mga awtoridad na nakapaligid sa kanilang kinatatayuan.
Ngunit sa malayong milya nga lang. Nukhang natunugan ng Haven na ito ang plano ng kaniyang Ama at ng daddy ni Aurora at maging ng tito Moris niya.
Ibang klase na nga talaga.
"Hahaha, salamat sa papuring iyon Don Haris, hindi ko inaakalang manggagaling iyon sa'yo..." natatawang sambit ng kanilang kalaban. "Pero hindi na rin magbabago ang isip ko. Akala niyo mauuto niyo ako? No! Hindi ako ipinanganak sa mundong ito para utuin niyo lang. Kaya't may inihanda akong surpresa para sa inyo."
Pinitik nito ang kamay at nagsilapitan ang mga tuhan nito. Nasa tabi nito ang kapatid na lalaki si Kellex.
Ngumiti si Haven habang nakatingin sa mga kalaban. "Kunin niyo ang babae, at ang lalaki. Ipasok niyo sa isang kahon. Gusto ko nang simulan ang laro. Wahahaha!"
Oras na para simulan ang larong matagal na niyang pinaghandaan sa mahabang panahon.
...
#VS1BM
Ate Sari, <3

BINABASA MO ANG
Bad Man
Action#In Watty'sPH Longlist 2018! "I will no longer your good man, Aurora. I am now your bad man." - Raxcer 'Ace' Vorex. He wants to be love. He wants your attention. He wants your heart. He wants you to be claim by his property. But, you break his hea...