Kabanata 21: Blackmail
MAAGANG NAGISING si Aurora, hindi mawala-wala ang kaniyang ngiti na nakapaskil na sa kaniyang mga labi.
Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya ngayon.
Akalain mo nga naman, mahal pa pala siya ng kaniyang lalaking minamahal.
Pakanta-kanta pa siya habang nagluluto ng almusal nila ni Ace.
Hindi niya muna ginising ang lalaki, dahil malalim pa ang tulog nito nang iwan niya sa kaniyang silid. Nasamid niya ang kaniyang braso sa kawali, kung kaya't napaso ng kaunti ang kaniyang balat.
Dali-dali siyang tumakbo sa lababo at hinugasan ito ng tubig.
Nang mawala na ang hapdi, muli siyang bumalik sa kaniyang pagluluto at kumanta na naman siya ulit.
Lumipas ang ilang oras, nang maramdaman niyang parang may nakatingin sa kaniya.
Napabaling ang tingin niya sa kaniyang likuran, at napangiti siya nang masilayan ang gwapong mukha ng kaniyang kasintahan.
They smiling to each other like there's no tomorrow. Parang sumabog ng kasiyahan ang langit, dahil sa kanilang mga ngiti sa isa't isa.
Agad na lumapit sa kaniyang harapan si Raxcer, at niyakap siya ng mahigpit. "Good morning mahal ko.. masaya ako dahil ikaw agad ang nakita ko..my gorgeous future wife.."
Napangiti siya sa itinuran nito. Hindi niya inaasahan na iyon ang sasabihin sa kaniya ni Raxcer. Lalo pa't sinabi nitong future wife siya nito.
"Ikaw..pinapakilig mo na ako ng maaga. Baka masanay ako niyan?" Ngiting-ngiti niyang biro rito.
Hinapit siya nito sa kaniyang bewang saka ito ngumisi. "Then, I'll keep saying those words, for you my wife."
Inikot niya ang kaniyang eyeballs at bumaling sa kaniyang inihahain na pagkain. "Ano ba talaga? Future wife or wife?"
Narinig niya itong humahalakhak. Agad naman itong kumilos at tinulungan siya sa paghahain nang ilapag niya sa mesa ang siningag niyang kanin kanina.
"Which one would you like?"
Siningkitan niya ito ng mga mata..bakit siya ang tinatanong nito? 'Di ba dapat, ito dahil ito ang maghihingi ng kaniyang kamay sa altar?
"Sa tingin mo?"
"Then.. I choose you're to be my wife..and that's final. What do you think my wife?"
Bigla niyang hinampas ng sandok ang lalaki dahil sa kilig na kaniyang nadarama.
Marami talagang patama at pakilig ang isang Raxcer 'Ace' Vorex.
...
INIHATID siya ni Raxcer sa Samontes Building. Umalis naman agad ito dahil uuwi pa ito sa kanilang bahay at pupunta rin sa opisina nito.
Pagkarating niya sa mesa, agad siyang napahinto nang may tumawag sa kaniyang pangalan.
Nilingon niya ito. Ang sekretarya niya palang si Ecrena. Ngiting-ngiti ito, habang may hawak na isang coffee at isang fried chicken. Her favorite.
Agad siyang lumapit kay Ecrena na may ngiti sa mga labi. ''Ma'am Aurora, may nagpapabigay po nito sa inyo."
"Ah, sige salamat.." agad niyang kinuha ang coffee at ang fried chicken na nasa bucket pa ng jollibee.
Tumango lang at umalis na ang kaniyang sekretarya. Siya nama'y ngiting-ngiti.
He opened the small paper. Isang maliit na papel na nakadikit sa baso ng kaniyang kape.
Napangiti agad siya nang makita ang smiley emoji. Naka almusal na ako ah, bakit pinadalhan pa ako ni Raxcer nito?
Napatingi siya sa bucket ng fried chicken. May naka dikit rin pala roong maliit na papel.
To: Aurora, my love
From: __ __ __Eat well my love. See you, in café later for the lunch time. :)
Napapadyak siya ng kaniyang mga paa dahil sa kilig na kaniyang nadarama.
...
ILANG ORAS na ang lumipas, at panay ang tingin ni Aurora sa wall clock na nasa kaniyang opisina. Kanina pa siya roon tingin nang tingin, kung pumatak na ba ang oras ng lunch time.
Tama't tama nang mapatingin siya uli roon, sumapit na ang 11:30, ibig sabihin lunch time na.
Dali dali niyang niligpit ang kaniyang mga gamit at sumibad na palabas ng kaniyang opisina.
Excited na siyang makitang muli ang kasintahang si Raxcer.
Nakadating agad siya sa café na sinasabi sa kaniya ni Raxcer sa sulat. Malapit lang naman sa kanilang building kung kaya't madali lang siyang nakarating doon.
Inilibot niya ang kaniyang paningin sa loob ng café at hindi niya nakita si Raxcer.
Wala pa ang kaniyang kasintahan. Kung sabagay masyado pa siyang maaga pumunta.
Umupo siya sa bakanteng mesa, at doon siya maghihintay kay Raxcer.
Ilang minuto ang lumipas, nang may biglang lalaking nakatayo na sa kaniyang harapan. Ngumiti siya nang malaki nang sa isiping si Raxcer iyon.
Ngunit nawala ang kaniyang ngiti nang makita si Haven sa kaniyang harapan na ang lawak ng ngiti sa kaniya.
"A-anong ginagawa mo rito, Haven?"
"Well, pinadalhan kita ng sulat kanina." Sagot nito.
Ibig sabihin igo ang nagpadala sa kaniya ng sulat na iyon at fried chicken?
"Ikaw? Hi-hindi si.."
"Yes, ako nga. Bakit sino pa ba ang may magpapadala niyon sa'yo?"
Umiling-iling siya. "Ah, never mind. Sige alis na ako Haven. Salamat nga pala sa pinadala mo."
Akma na sana siyang aalis nang bigla siyang hawakan ng mahigpit ni Haven sa kaniyang braso. "Sasama ka ba sa 'kin o mamamatay si Raxcer at ang Daddy mo, choose!"
...
#VS1BM
Ate Sari, <3
BINABASA MO ANG
Bad Man
Action#In Watty'sPH Longlist 2018! "I will no longer your good man, Aurora. I am now your bad man." - Raxcer 'Ace' Vorex. He wants to be love. He wants your attention. He wants your heart. He wants you to be claim by his property. But, you break his hea...