Kabanata 9

544 20 0
                                    

Kabanata 9: Don Haris Meet Aurora

NAIIYAK NA UMALIS si Aurora sa building ng mga Vorex. Hindi niya aakalain na ganoon ang gagawin sa kaniya ni Ace.

Anong pinagsasabi nito na isa sa pamilya niya ang dahilan ng pagkamatay ng ina nito? Hindi niya alam ang bagay na iyon! Kung kaya't bakit siya ang pagbabayarin nito?

Mahal na mahal niya si Ace at handa niyang gawin ang lahat mapatawad lamang siya nito. Pero paano? Paano niya makukuha ang loob ulit ng lalaki kung galit na galit ito sa kaniya?

Pagkatapos siya nitong halikan sa labas ng building ay iniwan siya nitong nag-iisa. Padabog itong sumakay ng kotse. Naiwan siyang nakatulala habang nakasunod ang tingin sa papalayong kotse ni Ace.

Gulong-gulo ang kaniyang isip ngayon kung may katotohanan ba ang sinasabi at binibintang nito sa kaniya?

Hindi niya alam ang bagay na iyon. Papasakay na sana siya ng kaniyang kotse nang biglang may mag-salita sa kaniyang likuran. Ang boses na iyon.

Ang boses na kahit kailan, hinding-hindi niya makakalimutan. Ang boses ng ama ni Ace. Si Haris Vorex. Ang taong sumira sa kaniya. Ang taong pinagbantaan siya para layuan si Ace.

Napatigil sa ere ang kaniyang kamay na akma na sanang bubukas sa pinto ng kaniyang kotse. "I'm right. You are back, Aurora Samontes. You are planning again to enter in the life of my son, Ace. You are here, to make him fall in love with you again. How pathetic is that, Miss Samontes."

Ngumisi siya nang marinig ang sinabi nito. Wala na siyang pakialam pa rito. Wala na siyang pakialam sa kung ano man ang kaya nitong gawin sa kaniya.

Kung noon, natakot siya sa pagbabanta nito sa kaniya, pwes ngayon hindi na. Hindi na siya takot rito. At, kahit na kailan, hinding-hindi na siya matatakot pa rito.

Kailangan na niyang ipaglaban ang pagmamahal niya para kay Ace. This time, siya na ang lalaban rito. Hindi niya hahayaang masayang lang ang lahat ng pagod at paghihirap niya at mapupunta lamang sa wala.

Nilingon niya itong may kakaibang ngiti sa kaniyang mga labi. After five years, at heto kaharap niyang muli ang ama ni Ace.

Nilakasan niya ang kaniyang loob. Habang sinasalubong niya ang masamang titig nito sa kaniya. "Long time no see, mister Haris. You are here. Welcome back in the Philippines, I hope you'll enjoy in this country," maangas niyang wika.

Ganoon pa man hindi niya maitago ang kaniyang pagkamangha sa taglay nitong anyo.

Wala parin itong pinagbago, pagkatapos ng paguusap nila nito noong high school palang siya.

Hindi niya rin alam kung bakit ito galit na galit sa kaniya at ayaw nito sa kaniya, para sa anak nitong si Ace.

Sa pagkakaalam niya wala naman siyang ginawang masama para mainis at magalit ito sa kaniya. Actually, she's doing great when the time back. In the time where she and Ace still together.

"Oh, yeah.  I will staying here for good. I'll kept my eyes on you, miss Samontes. I'll kept my eyes on you." Matapang at maangas ring sabi nito.

Umiling-iling siya. Walang papatunguhan ang usapan nila ng matandang lalaking ito. Kung kaya't aalis na siya.

Nilingon niya ang kaniyang kotse para buksan ito at makaalis na siya rito. Ngunit, bigla ulit itong nag-salita dahilan upang siya'y matigilan at mapatingin ritong muli.

"Huwag na huwag ka nang magpapakita sa anak ko. Sana huli na ang araw na ito, huli na ang araw na itong makipag-kita ka sa kaniya," pagpapatuloy pa nito.

Umiling-iling siya, "noon, natakot ako sa mga banta mo para hiwalayan ko si Ace. Pero ngayon, hindi na ako takot sa iyo. Kahit patayin mo pa ako. Hinding-hindi na ako susunod pa sayo. Nagising na ako sa katotohanan. Kung ano man ang dahilan ng ikinagagalit mo sa akin. Well, I'm sorry. Kung ano man iyon."

Humakbang na siya papasok ng kaniyang kotse. Iniwan niya itong nakanganga at tulala habang nakasunod sa kaniya ang tingin nito.

Ngayon, lalaban na siya. Lalaban na siya para sa pag-ibig niya kay Ace.

Hindi na niya hahayaang mawala ulit sa buhay niya ang lalaking pinakamamahal niya.

Magkamatayan man kung magkamatayan. Ang importante, bumalik muli sa kaniyang piling si Raxcer Vorex. Her bad man, love.

"I will make you mine again, Ace. Hindi ako makakapayag na hindi tayo ang magkakatuluyan. Ipaglalaban kita, hanggang kamatayan."

...

Belated Happy Valentines day, mga ka-SNers! <3. Sorry kong natagalan ang aking update. Hindi pa umabot sa valentines day. Pero, don't worry, February pa naman. :) at saka, araw-araw naman po ay araw ng mga puso, di po ba? :)

Ito po muna ang una kong tatapusin. Next is dark boss series 1: Dealing with mister X. And soon, na po. Pasensya na kung slow update, busy po sa school. Patapos na po kasi ng JHS. :) so iyon lang po. Sana maintindihan po ninyo. Pasensya na po talaga kung natagalan, at matatagalan pa ang aking update. Mahal ko po kayo, mga SNers! Muaah! :) <3

#VS#1:badman

-stoutnovelist

Bad ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon