Kabanata 8

525 22 1
                                    

Kabanata 8: Samontes Family

PRINTING NAKA-UPO si Don Haris Vorex sa harapan ng limang lalaking may pares na bughaw na mga matang tulad sa kaniya.

Isa-isa niya ito binigyan ng kakaibang titig, at sumentro ang titig niya kay Ace.

Lunok laway naman si Ace habang nakatitig at nag-hihintay sa reaksyon ng kanilang ama.

Naka-upo ito, samantalang sila'y nakatayo sa harapan nito.

Pareho silang kinakabahan sa matalim na titig ng kanilang ama. Hindi nila magawa kahit gumalaw manlang ng kaunti dahil sa takot.

"I know that all of you are shock, because I am here. But, I came back here at Philippines not because for a business meeting. But, because I heard some gossips that, in one of you, has a new agenda, except for working in our company."

Isa-isa silang nagkatitigan. Hindi malaman kung sino sa kanila ang tinutukoy ng ama.

Ano ang narinig na balita ng kanilang ama tungkol sa kanila? Malaki bang bagay iyon at talagang pinuntahan sila ng ama, para pag-sabihan?

"Ama, pwede niyo na po bang sabihin sa amin kung sino sa aming lima ang tinutukoy niyo?" Biglang wika ni Hellias.

Umiling-iling siya. Kahit kailan talaga, kaunti lang ang takot ni Hellias sa kanilang ama. Samantalang siya'y, isang salita lang nito sinusunod niya.

"Just keep your mouth shut, Hell." Matigas na turan ng kanilang ama. Napa-ngiwi siya. Mukhang nagalit na naman ito. "When I call one of your name, leave in this room. Is that clear?" Muling sabi nito saka ito tumayo at inayos ang kurbata sa leeg.

"Yes, Father."

Ramdam na niya ang kaba ng mga kapatid at maging siya. Hindi niya alam kung sino sa kanila ang tatawagin ng kanilang ama.

Kailangan na nilang ihanda ang sarili sa kung ano man ang kalabasan ng pag-tatagpong ito.

"Zaro, leave," pagsimula ng kanilang ama.

Mukha namang nabunutan ng tinik sa dibdib ang kanilang bunsong kapatid nang tawagin ang pangalan nito ng kanilang ama.

Agad itong lumabas ng conference room. Sila na lamang na apat ang natitira. One down, four remain.

"Hell," sunod nitong tawag. Seryoso namang lumabas si Hell at naiwan na lamang silang tatlo. Two down, three remain.

Nakapa mulsa parin ang kanilang ama habang matigas ang ibinibigay nitong tingin sa kanila. Ramdam ang tensyon na nararamdaman ng tatlong lalaki habang nag-hihintay sa susunod nitong bibigkasing pangalan.

Pigil nila ang hininga habang hindi hinihiwalay ang kanilang mga titig rito. "Ram."

Three down, two remain. Dali-dali namang lumabas ito ng conference room. Sila na lamang na dalawang natitira ni Adon.

Mukhang mamalasin siya ngayong araw kapag siya ang hindi tatawagin ng ama. Saka, swerte niya kapag siya ang tatawagin nito.

"Adon, leave. And you Ace, Remain here. We need to talk," matigas na turan nito habang nakapamulsa parin.

Tinapik na lamang siya ng kuya Adon niya sa kaniyang balikat.

Inihanda na niya ang sarili sa maaring gawin sa kaniya ng ama. Ano ba ang nagawa niyang mali? Hindi niya maintindihan. Wala namang problema sa kompanyang kaniyang pinapalakad.

Is there something else? At, iyon ang hindi niya alam kung ano ang rason ng ama nila. "I haven't do something wrong, father." Agad niyang sabi rito.

Bad ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon