Kabanata 29

346 12 0
                                    

Kabanata 29: Hindi Pa Okay

HAWAK-HAWAK ni Raxcer ang wrist ni Aurora habang nagtatago sila sa isang malaking puno.

Kanina pa sila takbo nang takbo pero hindi pa rin nila mahanap ang labasan ng masukal na kagubatan na ito.

Nagpalinga-linga siya sa paligid. Maya-maya may narinig silang nagpaputok ng baril. Napakapit sa kaniya ng mahigpit si Aurora.

Napalingon siya sa babae at hinalikan niya ito sa noo. "Huwag kang mag-alala. Hindi kita pababayaan, my wife."

"Salamat Raxcer. Pero kailangan na nating umalis sa lugar na ito bago pa tayo maabutan ng mga tauhan ni Haven," nag-aalalang wika nito.

Napatingin siya sa kalawakan ng masukal na kagubatan. "Makakalabas rin tayo rito my wife. Makakalabas rin tayo rito. I'll promise you that."

Hinila niya ulit ang babae at tumakbo ulit silang dalawa hanggang sa may sumigaw na lalaki.

"Tigil! Tumigil kayo!"

Bigla siyang kinabahan. Mukhang nakita sila ng mga tauhan ni Haven na kanina pa sila hinahanap.

Binilisan nila ang takbo ni Aurora. Ngunit nakasunod parin sa kanila ang mga kalaban.

Hindi pwedeng mahuli ulit sila ng mga ito. Kailangang makalabas na sila ni Aurora sa masukal na kaugubatang ito.

Nag promise siya kay Aurora na ililigtas niya ito at ipapalayo sa lugar na ito. At kailangang hindi iyon mapako.

Binuhos niya ang lahat ng lakas sa pagtakbo at hinila si Aurora. Tumatakbo rin ito tulad niya.

Ngunit napatigil sila nang makasalubong nila ang mga humahabol sa kanila. Napatingin sila sa likuran ata may doon din. Sa kaliwa at maging sa kanan.

Napasabunot siya sa kaniyang ulo. "This can't be.." napatingin siya kay Aurora na sa kaniyang gilid.

Puno ng kaba at takot ang mukha nito. Makikita iyon sa mga mata nito. Halos gusto niyang gulpihin ang sarili dahil wala manlang siyang magawa para mailigtas ito.

Naka takas na nga sana sila mula sa loob ng mansyon wala ring kwenta dahil nahabol rin sila.

"Aurora...pag-bilang ko ng tatlo tumakbo ka..pag-sumigaw ako ng takbo. Tumakbo ka sa hanggang makakaya mo. Huwag kang pahuhuli sa kanila. Naiintindihan mo?"

Nag-aaalala itong tumingin rin sa kaniya.

"Anong iniisip mo Ace..anong gagawin mo?"

Hindi  niya pinansin ang tanong na iyon, "basta pag sinabi kong tumakbo ka. Tumakbo ka.."

Malapit na sa kanilang pwesto ang kanilang mga kalaban. Napahinga siya ng malalim at binitawan ang kamay ng babaeng minamahal.

Binunot niya ang isang baril sa kaniyang bewang. "Tumakbo ka na Aurora. Tumakbo ka hangga't sa makakaya mo!"

"Pero Ace---"

"Tumakbo ka na!"

Pinagbabaril niya ang ilan sa mga kalaban. Hinila niya si Aurora sa isang malaking puno at doon sila nag-kubling dalawa.

"Tumakbo ka na Aurora. Iligtas mo ang sarili mo. Kapag nasa kalye ka na..tawagan mo ang mga kapatid ko. Humingi ka ng tulong sa kanila..naiintindihan mo ba ako?"

"Pero Ace...hindi kita iiwan dito. Tayong dalawa ang haharap sa kanila.."

Napahinga siya ng malalim.

"Ugh, ba't ba ang tigas ng---shit!"

Pinadapa niya si Aurora nang paputukan sila ng mga baril.

Malapit na sa kanilang kinaroroonan ang kanilang mga kalaban.

"You need to escape from here Aurora! Hindi ko kakayaning may masamang mangyari sa'yo! Tumakbo ka na habang may oras pa! Huwag nang matigas ang ulo mo!"

"Mas lalong hindi kita iiwan rito Raxcer! Hindi ko rin kakayanin na may masamang mangyari sa'yo! Hindi kita iiwan! Sabay natin itong harapin! Ganoon naman 'di ba? Dahil mahal kita!"

Wala nang magawa pa si Raxcer kundi ang hayaan na lamang ang babae na nasa kaniyang tabi.

Sino pa ba ang magmama-tigas kung gayun na ang sasabihin sa'yo?

"Oh sake! I love you too, Aurora.."

Bang! Bang! Bang!

Napatingin siya rito nang marinig niya ang putok ng baril. May baril na hawak ang babaeng mahal niya?

Ngumisi ito ng kakaiba sa kaniya. "Nakuha ko lang ito kanina doon sa mansyon. At hindi ko alam kung paano gamitin. But I think, I'll shoot them. Headshot?"

"Will see then," naka ngisi niya ring wika.

Sabay silang lumabas mula sa kanilang pinagkukubliang puno ni Aurora at sabay nilang sinugod ang mga kalaban.

Ngunit hindi nila inaasahan na may sa likuran na pala nila.

"Binggo! Hands up!"

Paglingon nila. Si Kellex pala. Ang kapatid ni Haven.

Ang laki ng ngisi nito.

...

"TAPUSIN NA natin ang laban na ito mga Victores!" Sigaw ni Don Haris habang papasok sa mansyon.

Mukhang walang tauhan ang mga Victores dahil ang tahimik ng mansyon.

Ngunit sila'y nagkakamali lang pala.

"Don Haris..."

Napalingon silang tatlo sa kanilang likuran nang biglang may mag-salita.

Mulagat ang mga mata ni Don Haris nang makita kung sino ang lalaking iyon.

Nakangisi ito ng nakakaloko sa kaniya. May hawak itong baril habang nakatutok sa kanilang tatlo.

"Surprise...hmmhahaha!"

Tumawa iyo nang tumawa.

"Na surprisa ba kita?"

"Tarantado ka! You asshole!" Sigaw niya sa sobrang inis at galit na nararamdaman.

Hindi niya aakalaing maisahan siya ng lalaking ito.

Hindi niya inaasahang isa palang traidor ang utusan niya.

"Para maliwanagan ka. Magpapakilala na ako sa inyong tatlo. Ako nga pala si Haven Estrila Victores, ang matinding bangungot ninyong tatlo."

Napangisi si Moris sa sinabi nito, "funny. Bangungot? Baka kami ang magiging bangungot mo?"

"Ha, diyan ka nagkaka-mali Moris. Diyan ka nagkaka-mali."

...

#VS1BM

Ate Sari, <3

Bad ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon