Kabanata 15

478 20 0
                                    

Kabanata 15: Selos

PILIT NA KUMAKAWALA ni Aurora sa pagkahawak sa kaniya ni Raxcer. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang kanang kamay. Papalabas na sila ng restaurant.

Dinala siya nito sa parking lot. Pinag-titinginan narin sila ng mga taong makakasalubong nila.

"Bitawan mo ako! Ano ba, Ace!"

"No. I wouldn't let you go." Matigas na utas ng lalaki saka siya nito tinitigan ng masama.

Hindi siya nagpa-talo. Tinitigan niya rin ito ng masama. "Bibitawan mo ba ako o hindi?"

"No."

"Bakit ba?! Di ba wala ka nang pakialam pa sa akin? Di ba, wala na tayo? Ex na nga di ba? Kaya't bakit ganyan ka maka-akto. Binabalewala mo na nga ako di ba? Kaya't bakit ngayon, bakit pinapakita mong may pakealam ka sa akin?"

Hindi na niya napigilan ang pag-tulo ng kaniyang mga luha.

Biglang lumuwag ang pagkaka-hawak nito sa kaniyang kamay. Napatitig siya sa mga mata nito na naging mailap.

Nagkaroon siya ng lakas na loob para pag-susuntukin niya ito sa kaniyang dibdib. "Ano?! Sumagot ka Raxcer! Sumagot kang hayop ka!"

"Do I need to explained to you, why I am doing this?" Iritang-irita nitong tanong sa kaniya habang hindi makatingin sa kaniya ng maayos.

Biglang siyang nainis sa klase ng tanong nito sa kaniya.

Hindi niya aakalain na ganoon ang magiging reaksyon nito pagkatapos niyang mag-wala. What the heck?

"Oo! Ipaliwanag mo sa akin! Kung bakit! Dahil, naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung bakit lahat ito nangyayari. Kung bakit ka na lamang biglang sumulpot doon sa loob ng restaurant at sinuntok si Haven. Saka kinaladkad mo pa ako dito na wala palang dahilan?"

Napanganga ito sa kaniyang mga sinabi. Sa wakas, nailabas narin niya.

Ngumisi ito na parang naiinis na pero pinipigilan lang nito. Kumuyom narin ang kamay nito. "So are you telling that, you didn't know what is my reason behind that scene? At, gusto mo rin bang sabihin na dapat hindi ko sinuntok ang lalaking iyon kanina, at hayaan ka na lamang doon sa loob ng restaurant na kasama siya? Ganoon ba? Ganoon ba ang gusto mong sabihin sa akin, Aurora?!"

Hinablot siya nuto kaya't napa-igik siya.

Tiningnan siya nito na nanlilisik ang mga mata.

Ngumiwi siya sa pagka-higpit ng pagkakahawak nito sa kaniyang dalawang braso.

May balak ba talaga siyang saktan ni Raxcer?

Sinalubong niya ng mga nanlilisik nitong mga mata.

Hindi ito ang tamang oras na ipakita ritong mahina siya.

Kailangan niyang ipakita rito, na kaya niya ito. Na hindi siya takot dito.

"Oo, sana hindi mo sinuntok si Haven. Sana rin hindi mo ako kinaladkad papunta rito, di sana'y kasama ko pa siya ngayon at nagtatawanan pa kami!"

Bigla nitong kinabig ang kaniyang ulo at inilapit nito ang kaniyang mukha sa mukha nito.

Bumilis ang tibok ng kaniyang puso.

Hindi niya alam na hanggang ngayon may epekto parin talaga si Raxcer sa kaniya.

Mas bumuhos ng tuloy-tuloy ang kaniyang luha. Hindi na niya kaya pang maging matatag.

"You know what, Aurora. Mas mabuting patayin mo nalang ako gamit ng armas. Huwag lang ang mga masasakit na mga salita mo. Because, those words killing me slowly,"  sabi nito sa kaniya habang tinitingnan siya sa kaniyang mga mata.

Hindi niya alam kung tama ba ang nakita niya sa mga mata nito na nasasaktan ito, o sadyang palabas lang iyon ng lalaki?

Ngunit, kahit na ano man iyon. Bigla siyang naawa rito.

Bigla siyang nagalit sa kaniyang sarili.

How dare she doing it in her love man? In her bad man?

Bakit nagawa niyang saktan ang lalaking itong pinakamamahal niya?

Ang buhay niya?

Hindi niya alam na nasasaktan na pala ito sa mga sinasabi niya.

Pero, tama naman di ba?

Unti-unti rin siyang pinapatay ni Ace sa mga sinasabi nitong masasakit rin sa kaniya. Patas lang naman sila.

Pero hindi miya kaya na makita si Raxcer na nasasaktan nang dahil sa kaniya.

"Kailan ba naging mahalaga sa'yo ang mga salita ko, Ace? Kailan pa? Kasi sa pagkaka-alam mo. Walang halaga sa akin. Walang ni isang mahalaga mula sa akin, wala kang paki-alam sa akin. Sinabi mo iyon sa akin, Ace. Kaya't huwag ka nang mag-sinungaling ngayon sa akin. Kung nasasaktan ka man o hindi sa mga sinabi ko sa'yo, tama lang iyon. Hindi ko kasalanan iyon, dahil dapat na marinig mo lang ang mga iyon."

Tinitigan niya itong walang emosyon.

Humugot siya ng lakas at itinulak si Ace. Mabuti naman at hindi na mahigpit ang pagkaka-hawak nito sa kaniya.

Kung 'di sana'y hindi na siya nakawala pa sa mga kamay ni Raxcer.

"You don't know what I feel right now."

Ngumisi siya ng mapait. "You don't know too, what I feel right now, Ace. You don't know too."

Akma na sana siyang tatalikod mula sa lalaki. Ngunit, napigilan siya nito sa pamamagitan sa pag-hawak nito sa kaniyang braso.

Andoon na naman ang elektisidad na kaniyang nararamdaman sa tuwing madidikit sa lalaki. Nabubuhay ang natutulog niyang puso.

Kapag ganoon, madali na siyang bumigay sa lalaki. Hindi na siya makakatanggi pa rito. Ganoon niya ka-mahal si Ace, simula noon hanggang ngayon.

"Don't leave me here, Aurora. Don't leave me again."

"Hindi kita iniwan Ace, ikaw ang nakipag-hiwalay sa akin noon dahil sa mga narinig mo galing sa akin. Kaya't huwag mong ipalabas na ako ang nang-iwan sa ating dalawa. Dahil, sa totoo lang. Ikaw ang nang-iwan, hindi ako.."

Biglang lumamlam ang mga mata nito, nang matapos niya iyong sabihin sa harapan nito.

Masakit man sabihin iyon, pero kailangan na ni Ace na magising sa katotohanan. Na hindi siya ang nang-iwan, kundi ito.

"I don't leave you, Aurora. Ikaw ang nang-iwan. Ikaw ang nanloko, niloko mo lang ako at ginamit. You don't have enough right to say it to me. Because in the first place, you're the one who lied and used me! And, the wrong you make me believe that you're in love with me. Nilaruan mo lang ang puso ko. Kaya't wala kang karapatan--"

Pakk!

Sinampal niya ito sa dala ng kaniyang pagka-inis at galit na nararamdaman.

Oo, nagka-mali siya. Pero ginawa niya lang iyon dahil sa kapakanan nito at sa pag-mamahak niya rito.

Wala itong alam para pag-sumbatan siya ng ganoon.

"Hindi mo alam ang buong katotohanan, Raxcer 'Ace' Vorex. Kaya't huwag mo akong pag-salitaan ng ganyan. Wala kang alam."

Inirapan niya ito, habang nangingilid ang kaniyang luha.

Iwinaksi niya ang kamay ni Ace mula sa kaniyang braso. Saka niya ito tinalikuran.

Sana magising si Ace sa kaniyang mga sinabi. Sana.

"You know what, I am doing this and I am like this because I care for you. Not just that, I am also jealous. Nag-seselos ako, habang nakikita kita kanina na kasama ang lalaking iyon. Nag-seselos ako, dahil sa kaniya nakakatawa ka habang sa akin hindi. Oo, nag-seselos ako sa lalaking iyon. Sana, naintindihan mo na kung bakit ako nagkaka-ganito ngayon."

Napatigil siya ng marinig iyon.

Nang lingunin na niya si Ace. Wala na ito, nakasakay na ito sa kotse at umalis.

Iniwan na naman siya. Pero selos? Nag-seselos nga ba talaga si Raxcer?

Unbelievable.

Bad ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon