Kabanata 24: Help
HINDI makapalag si Aurora mula kay Haven. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang braso. Sapilitan siya nitong isinakay sa itim na kotse.
Nang maisakay na siya nito sa kotse, isinara agad nito ang pinto nang makaupo narin ito sa kaniyang tabi.
Umiiyak siyang bamaling rito. "B-bakit mo ginawa ito sa 'kin? A-anong gagawin mo Haven? Sino ka ba talaga?"
"Sino ako? Makikilala mo rin ako mamaya, kapag makarating na tayo sa pagdadalhan ko sa'yo," ngiting-ngiti nitong sabi sa kaniya.
Bigla siyang kinabahan at pinagsasampal niya ang lalaki. "Saan mo ako dadalhin, ha? Ang sama mo, akala ko kaibigan kita iyon pala masamang damo ka!"
"Ayon nga sa kasabihan: 'ang iyong akala ay isang maling akala lang pala' at isa ka sa taong nabiktima ng kasabihang iyan," tawang-tawa nitong saad.
Umiling-iling siya. Mali pala ang pagkakakilala niya kay Haven. Iba pala ito sa inaakala niya.
Akala niya kaibigan niya ito, iyon pala hindi. "Ano ba ang kasalanang nagawa ko sa'ho at ginagawa mo ito, ha? Sabihin mo sa 'kin!"
"Wala kang kasalanan sa akin. Pero ang daddy mong si Dasel Samontes, meron."
Nanlaki ang kaniyang mga mata, nang marinig niya ang pangalan ng kaniyang ama na binanggit nito. Anong kasalanan ng kaniyang ama kay Haven?
May itinatago ba sa kaniya ang daddy niya at hindi niya alam ang tungkol 'dun?
"Bakit ano ba ang kasalanan sa'yo ni Dad? Ni hindi nga kayo magkakilala!"
Ngunit tila bingi ang lalaki sa kaniyang tabi at hindi siya pinansin.
Malalaman niya rin mamaya ang lahat. Ano nga ba ang hindi niya alam?
...
PILIT NIYANG sumigaw, ngunit tanging hangin lang ang lumalabas sa kaniyang labi. Nilagyan ng itim na packaging tape, ang kaniyang labi para hindi siya makasigaw.
Pagkatapos nilang makarating ni Haven sa isang abandonadong lugar, agad na may mga armadong lalaki ang lumapit sa sasakyan at kinuha siya.
Kinaladkad siya papasok sa isang silid na madilim.
Naka gapos siya sa isang poste, hindi lang siya naka gapos kundi nakakadena ang kaniyang mga kamay pati na rin ang kaniyang paa.
Sa sobrang kaba na kaniyang naramdaman. Hindi na niya alam kung ano ang kaniyang gagawin para makatakas siya mula sa madilim na silid.
Rinig niya ang tawanan ng mga armadong lalaking nagbabantay sa kaniya sa labas ng silid na kaniyang kinaroroonan.
Napangiwi siya.
Hindi niya talaga alam kung ano ang nangyayari. Hindi niya alam kung ano ang kinalaman ng kaniyang ama sa pangyayaring ito.
May kaaway ba ang daddy Dasel niya? Mukhang posible iyon. Baka sa business partner.
At inutusan si Haven na mapalapit sa kanilang pamilya, para sa ganitong araw mapapadali ang pagkuha nito sa kaniya.
Wala na siyang paki alam kung ano ang gagawin sa kaniya ng taong nagpa-dakip sa kaniya. Ang paki alam niya ngayon ay ang kaligtasan ng kaniyang Daddy Dasel.
Sana nasa mabuting kalagayan ngayon ang Daddy niya. Ito na lamang ang kasa-kasama niya.
Bigla siyang napatingin sa pinto nang bumukas ito.
Isang lalaki ang pumasok. Naka itim ng t-shirt at fitted pants.
Kumunot ang kaniyang noo. Mukhang may kamukha ito. Hindi niya lang alam kung sino. Base sa itsura nito, mukhang bata pa ang nasabing lalaki. Mukhang mas matanda siya ng dalawang taon dito.
"So, ikaw pala si Aurora Samontes. Hindi nga nagsisinungaling si kuya. Maganda ka nga," ngising sabi nito habang pinagmamasdan siya.
Nakaramdam siya bigla ng pagkailang. Ang klase ng titig kasi nito parang hinuhubaran siya. Pinagnanasaan siya. "Sino ka? At sinong kuya ang sinasabi mo?"
"Oh..poor lady. You don't know who I am and my oldest brother?"
Humahalakhak ito na pumuno sa buong silid na kaniyang kinaroroonan.
Natigil ito sa pagtawa nang hindi siya umimik. "Well, para hindi ka mag-mukhang tanga na walang alam. Ako nga pala si Kellex Victores. At ang kuya ko ay si---"
Biglang bumukas ng malakas ang pinto kung kaya't nabaling roon ang kaniyang atensyon.
Bumungad sa kaniya ang naka itim ng jacket at fitted jeans na lalaki. Si Haven.
"Ako...ako ang kuya niya. Ang totoo kong pangalan ay Haven Estrilla Victores."
...
#VS1BM
Ate Sari, <3

BINABASA MO ANG
Bad Man
Action#In Watty'sPH Longlist 2018! "I will no longer your good man, Aurora. I am now your bad man." - Raxcer 'Ace' Vorex. He wants to be love. He wants your attention. He wants your heart. He wants you to be claim by his property. But, you break his hea...