Kabanata 11: His Cold
PIGIL ANG HININGA ni Aurora habang nakatitig siya sa mga mata ni Ace.
Hindi niya inaasahan na andito ito ngayon sa kaniyang harapan.
Ang pagkaka-alam lang niya nagising na lamang siyang andito na ito sa bahay nila.
Hindi manlang ba ito pinigilan ng daddy Dasel niya?
"What are you doing here?" Takang-taka niyang tanong nang makalapit na siya sa rito ng tuluyan.
Umigkas ang gilid ng labi nito dahil sa naging reaksyon niya. "Wala manlang bang 'good morning, Ace' muna, bago mo itanong sa akin kung ano ang ginagawa ko rito? You haven't a right manner my darling."
Right manner? Darling?
Hindi niya alam pero bigla siyang nainis sa sinabi nito. Pinamumukha ba nito sa kaniya na wala siyang manner?
Saka, Darling? Ito rin ba ang tawag nito sa mga babae nito?
Umupo siya sa sofa na kaharap nito.
Hinding-hindi na dapat niya sayangin ang pagkakataong ito. Tutal, si Ace na mismo ang lumapit sa kaniya gagawin na niya ang matagal niyang plano para dito.
"Diretsuhin mo na ako, Ace. Anong bang ginagawa mo rito? Anong kailangan mo at ganito ka kaagang pumunta rito sa pamamahay namin?" Sunod-sunod niyang tanong rito.
Wala na siyang pakialam kung mag-mukha siyang desperada sa harapan nito. Ang importante malaman niya kung ano ang ipinunta nito dito sa bahay nila.
Ngumisi ito ng makahulugan sa kaniya. May inihagis itong puting enveloped sa kaniyang harapan. Doon nabaling ang kaniyang tingin. Lunok-laway siya, habang nakatitig doon.
Nakalimutan na niya ang tungkol sa proposal nito. Iyon ba ang ipinunta nito sa bahay nila?
Kinuha niya iyon at tiningnan. Iyon nga ang proposal para sa kompanya nila. Hindi na siya nag-taka. Siya narin mismo pala 'nun ang nagrevise.
Tumayo siya at inilapag ulit sa mesa ang hawak-hawak niya na puting enveloped. "Just wait me here in five minutes. I just wanna make my routines," paalam niya saka na siya umakyat ng kaniyang silid.
Akalain mo nga naman wala pala siyang ayos nang humarap kay Ace bago lang? Ano kaya ang itsura niya, kanina? Naging maayos ba sa paningin ni Ace? Hindi ba siya mukhang nakakatawa?
Dali dali siyang bumihis at nailigo. Saglit lang siyang pumili ng damit na kaniyang susuutin at ibinihis na niya agad ito. Maging make-up ay kaunti lang ang inilagay niya. Three minutes tapos na siya.
Agad siyang bumaba ng kaniyang silid. Nakasalubong pa niya ang kaniyang daddy Dasel galing sa silid nito. Ngumiti ito ng makahulugan sa kaniya.
"Your prince charming is waiting for you, princess. Good luck. Si puso, huwag mo munang paganahin muna, ha? Baka mahulog na naman," ngiti-ngiti nitong wika.
Niyakap siya nito at tinapik-tapik sa kaniyang balikat. Napangiti narin siya. "Salamat, Dad."
Binitawan na siya nito at muli itong pumasok sa silid nito. Siya nama'y napahinga ng malalim.
Bumaba na siya ng hagdan papunta sa living room ng kanilang bahay kung saan naroroon si Ace, na nag-hihintay sa kaniya.
Tumayo agad ito nang makita siyang pababa na ng hagdan. Ngiting-ngiti ito habang nakatitig sa kaniya.
Napaismid naman ang dalaga dahil sa kakaibang ngiting ipinakita sa kaniya ng binata.
Hindi niya alam kung ano na naman ang tumatakbo sa isip nito. Hindi niya alam kung ano na naman ang pinaplano nitong gawin.
Nang tuluyan na siyang makalapit sa kinatatayuan ng binata, agad siyang nag-salita. "So, Mister Vorex. Tatanungin kita ulit, ano ang kailangan mo at pumunta ka pa dito sa bahay namin?"
Pumamulsa ito saka tiningnan siya ng nakakaasar. Bagaman, nakaramdam siya ng inis para sa binata pero hindi niya iyon pinahalata.
Swerte ng lalaking ito na sa kaniyang harapan mahal na mahal niya ito.
Iyon nga lang masakit sa katotohanan na hindi na masusuklian ng binata ang kaniyang pag-mamahal.
"I just came here to see you. Baka nakakalimutan mo na ang usapan natin noon sa opisina ko, na ang kondisyon. That, I wanna make you mine again. Not only that, also I wanna make you back in my life again. Kapalit ang pagbabago mo ng proposal ko sa opisina mo."
Napatanga siya sa sinabi ng binata. Hindi niya aakalaing naaalala pa iyon ng lalaki.
Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa binata. Hindi niya maapuhap ang sasabihin. Nakakalito. Nakakakaba. Nakakalungkot. Nakakakilig.
Hindi niya maintindihan kung ano ang dapat niyang maramdaman. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang emosyon na kailangan niyang maramdaman.
Pinapakilig ba siya ni Ace? O, may iba pa itong intensyon sa kaniya.
Tiningnan niya ito ng seryoso sa mga mata. Hindi makikitaan ng ibang emosyon ang mga mata nito. Blanko.
Hindi niya mabasa kung ano ang emosyon sa mga mata nito habang nakatitig sa kaniya.
Tumikhim siya. "O-oh, naaalala mo pa pala iyon? Tell me, Ace. Iyon nga lang ba ang intensyon mo sa akin, o, may iba pa? Hindi ba ito tungkol sa paghihiganti mo sa amin? Sa pagbibintang mo na isa kami na pumatay sa Mama mo?"
Umigting ang panga nito nang marinig nito ang kaniyang sinabi.
Hindi niya maintindihan. Bakit naman isa sa pamilya nila ang dahilan ng pagkamatay ng ina nito?
"Hindi ba iyon ang dahilan mo? Hindi ba iyon ang intensyon ng pagpunta mo dito? Hindi talaga ang tungkol sa proposal mo sa kompanya namin? Hindi ba't tama ako?" Dugtong niya na may naiinis na tono.
Bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig ay ibayong sakit ang kaniyang nararamdaman. Ganoon ba ang tingin ni Ace sa pamilya niya? Isang mamatay tao?
Ngumisi siya ng nakakaasar. Iyong ngising hindi umabot sa kaniyang mga mata. Ngising nagbabadyang tutulo na ang kaniyang mga luha.
Hindi manlang ba sasagot sa mga tanong niya ang binata? Mananatili ba itong tahimik habang tinititigan siya?
Pinagmumukha ba siya nitong tanga? Napasinghap siya, nang maisip ang salitang tanga. Hindi dahil sa gulat, kundi dahil sa katotohanan. Totoong tanga talaga siya.
"Ano? Titingnan mo na lang ba ako? Wala ka bang sasabihin? Hindi mo ba ako sasagutin? Ano?! Sagutin mo ako, Ace!"
Hinampas niya ito ng kaniyang pouch bag. Hindi manlang ito umiwas. Sinalubong nito ang kaniyang paghampas.
"Sagutin mo ako, Ace..sagutin mo ako. Parang awa mo na, Ace..sagutin mo na ako," nanghihina niyang sambit.
Hindi manlang kumilos ang binata. Wala itong ibang ginawa kundi ang tingnan siya habang nanlulumo.
Wala na talaga itong pakialam sa kaniya. Wala na talaga. Wala.
Hindi na kasi siya mahal nito.
Hindi na siya mahal ni Ace.
Hindi na.
Hindi.
Tuluyan na siyang napaluha. Nasasaktan siya. Ang sakit ng kaniyang puso. Parang sinasaksak at pinupunit ng paulit-ulit.
Wala na nga bang pag-asa na mahalin siyang muli ni Ace?
Wala na. Wala na ba talaga akong pag-asa? Pero hindi ito ang tamang oras para sumuko. Ipaglalaban ko siya. Ipaglalaban ko siya.
Tiningnan niyang muli ang binata sa mga mata nito.
Bahala na si Kupido.
BINABASA MO ANG
Bad Man
Action#In Watty'sPH Longlist 2018! "I will no longer your good man, Aurora. I am now your bad man." - Raxcer 'Ace' Vorex. He wants to be love. He wants your attention. He wants your heart. He wants you to be claim by his property. But, you break his hea...