Kabanata 5: His Girlfriend?
"LET'S GO, Ley. We need to go in Vorex Company. I need to talk to Ace. Kung ano na ang plano niya sa proposal niya sa kompanya namin."
Kanina pa siya nag-mamadali. Hindi niya alam kung totoo nga ba ang dahilan niyang sinabi bago lang kay Ley, o sadyang gusto na niyang makita si Raxcer.
Bumaling ang tingin sa kaniya ni Leyasa, saka tinitigan siya ng maigi. "Tungkol nga ba sa proposal o sadyang na miss mo lang siya? At, Ace na talaga ang tawag mo sa kaniya?"
Nai-kwento na kasi niya ang pinag-usapan nila ni Raxcer, at isa na doon ang pag-papa-tawag ng lalaki na Ace. Napa-ngiwi siya, hindi niya talaga magawang mag-sinungaling sa kaibigan niya.
Kilalang-kilala na talaga siya nito. Kahit ano naman siguro ang itago niya malalaman at malalaman parin siguro ni Leyasa. "Pareho, sa dalawa ang dahilan ko. Saka, Ace kasi parang ang cool."
"Tss..iyan ka na naman. Nahihibang ka na naman sa Raxcer na iyon. Halika na nga! Para, hindi na malungkot iyang puso mo." Sabi nito, sabay irap sa kaniya.
Hindi na siya nag-dalawang isip na sumunod sa likuran nito. Mukhang ang bestfriend niya pa ang excited na pumunta sa VCC building. Umiling-iling na lamang siya.
She sighed, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kay Raxcer, mamaya kapag naka-dating na siya sa opisina nito. Hindi niya rin alam kung paano sisimulan ang gusto niyang sabihin dito.
Bahala na mamaya, basta makita ko lang si Raxcer. Oh, damned! I'm longing for him five years, at hindi ko na palalagpasin ang pag-kakataong ito sa muli naming pagkikita.
...
"FRIEND, HAHARAPIN ba ako ni Ace?" Tanong niya kay Leyasa nang nasa elevator na sila papunta sa floor kung saan ang opisina ni Raxcer.
Kanina pa siya kinakabahan sa hindi niya malamang dahilan. Malinis naman ang intensyon niya kay Raxcer.
Gusto lang niya itong maka-usap tungkol sa proposal nito sa kompanya nila. Iyon lang at wala nang iba, meron pa pala. Gusto lang niyang masilayan ang lalaki.
Nang makarating na sila sa floor kung saan ang opisina ni Raxcer, agad siyang hinila ni Leyasa. Mukhang ito nga talaga ang mas excited pa sa kaniya.
"Ayy! Bastos na lalaki ka ah!" Biglang tili ni Leyasa nang may naka bunggo silang isang matangkad na lalaki.
Hindi siya nag reklamo dahil hindi naman talaga siya ang nabangga ng lalaki kundi ang best friend niya. Kung kaya't, hindi na siya nag-taka kung bakit bigla na lamang itong sumigaw.
Napa-angat ang tingin niya sa lalaki at ang best friend niya. Napa-mulagat siya nang makilala ang lalaki. Ang kapatid Raxcer si Hellias Vorex.
Napatingin ito sa bestfriend niya. Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa bestfriend niya.
Gusto sana niyang sabihin kay Leyasa na isang Vorex ang kaharap nito ngunit hindi niya masabi. Nag-sumigaw ulit kasi ang bestfriend niya. Napa-ngiwi siya dahil doon, sana hindi magalit si Hellias sa inaasal ng bestfriend niya.
"Hoy, ikaw na lalaki ka! Tumingin tingin ka naman sana sa dinadaanan mo! Hindi iyong pa-bulag-bulag ka! Iyan tuloy may naka-bangga ka! Hindi ka nalang ba mag-so-sorry sa 'kin?" Naka-mewang pa si Leyasa habang sinisigaw nito iyon.
Umiling-iling siya, tumagilid na lamang siya saka pinanood ang dalawa habang nag-aaway. Mukhang kailangan na niyang mauna sa bestfriend niya.
"What? Ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo. Tapos ako pa ngayon ang sisisihin mo, dahil nabangga kita? How pathetic is that? And, I don't need to say sorry because it's your fault not mine." narinig pa niyang sabi ni Hellias bago siya humakbang papunta sa opisina ni Raxcer.
BINABASA MO ANG
Bad Man
Action#In Watty'sPH Longlist 2018! "I will no longer your good man, Aurora. I am now your bad man." - Raxcer 'Ace' Vorex. He wants to be love. He wants your attention. He wants your heart. He wants you to be claim by his property. But, you break his hea...