Kabanata 22

428 10 0
                                    

Note: Sorry sa aking pagkakamali. Point of View ni Raxcer ang aking nai-sulat. Imbes na third person point of view sana...uulitin ko sana, kaso tinatamad na ako. Sana inyong maunawaan, salamat. At pasensya na sa aking pagkakamali. Enjoy reading. :)

Kabanata 22: Moris Information

"YOU BASTARD! Where are you going? Kahapon ka pa hindi umuwi, tapos ngayong bumalik ka rito sa bahay, aalis ka na naman?! Pupuntahan mo na naman ba ulit ang babaeng Samontes na iyon? Ilang beses ko bang sabihin sa'yo, na huwag ka nang makipag kita pa roon? Nababaliw ka na ba? Ang pamilya nila ang pumatay sa Nanay mo! Nabubulag-bulagan ka ba, ha?"

Napakuyom ang aking kanang kamay dahil sa inis at galit na aking nararamdaman.

Wala siyang karapatan na sabihin iyon. Wala siyang karapatang pagbintangan ang babaeng mahal ko.

Hindi sangkot sa pagkakamaling iyon si Aurora. Wala siyang alam tungkol doon, inosente ang babaeng mahal ko.

Nanatili akong nakatalikod sa kaniya, habang nakaharap ako sa malaking pinto na bukas. Pinaharap niya ako sa kaniya ng buong lakas, saka sinuntok niya ako sa aking pisngi.

Naramdaman kong may lumabas na kaunting likido ng dugo sa aking labi.

Napahawak ako sa parteng 'yun. Tumingin ako sa kaniya na may kalma sa mukha. Nginisihan ko siya. Tela naasar siya sa nakikita. That's my father. Madali siyang mapikon at magalit, kapag hindi sinusunod ang gusto niya.

"Iyon lang ba ang kaya mong gawin? Ang suntukin ako, dahil hindi ko sinunod ang gusto mo? Ano na ngayon, kung gusto kong makipagkita sa babaeng mahal ko? May gagawin ka bang masama?" Asar kong sabi sa kaniya.

Bigla siyang ngumisi. "Ano ang gagawin mo kung meron nga? Pupuntahan mo ba siya at ililigtas? Paano kung iba ang maabutan mo?"

Hindi ko napigilang suntukin siya dahil sa aking narinig. "Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko pa sa inyo, sa oras na malaman kong may ginawa kang masama sa babaeng mahal ko! Nagkakamali kayo, ama. Mapapatay talaga kita, mapapatay talaga kita!"

"You're out of time my son..sa oras na ito. Sigurado akong may kasama na siyang iba...at iiwanan ka na niya. Tulad ng dati, hindi ka talaga niya mahal." Ngiting-ngiti niyang sabi.

Bigla akong napatigil sa kaniyang sinabi. Ang mga mata ko'y biglang nanlaki. Anong ibig niyang sabihin?

Nilingon ko siya na may pagtataka sa aking mga mata. "Anong ibig mong sabihin?"

"You know what I mean, my son. You know what I mean..you're genius pero pagdating sa babaeng iyon, bobo ka."

Tinalikuran niya ako, pagkatapos niya iyong sabihin. Iniwan niya akong magulo ang isipan.

Hindi..walang katotohanan ang mga sinabi niya. Wala.

Hindi iyon magagawa ulit sa akin ni Aurora. Hindi niya ulit ako lulukohin. Mahal niya ako, mahal na mahal niya ako. Nakikita ko iyon sa kaniyang mga mata, at nararamdaman ko iyon.

...

"SABI KO NA sa'yo, Don Haris. Hintayin mo muna ang balita ko bago ka gumawa ng isang bagay na pagsisisihan mo. Hindi ka nagiingat! Hindi ka maka hintay! Ano ngayon ang gagawin mo, ha? Hindi ka nag-iisip."

Nanatiling tahimik si Don Haris, habang nakikinig sa sermon ni Moris. Ang nakakatanadang kapatid ng kaniyang namayapang asawa.

Tama naman ito, kung kaya't hindi siya makasagot.

Nagkamali siya. Sana talaga hinintay niya muna ang impormasyon ni Moris bago gumawa ng hakbang.

Ngayon masasaktan na naman niya ulit ang damdamin ng kaniyang anak. Siya na naman ulit ang dahilan kung bakit ulit ito masasaktan.

"Ano? Gusto mo ulit maulit ang ginawa mo noon? Iyong pagbabanta mo kay Aurora noon para hiwalayan si Raxcer? Tapos ngayon binayaran mo pa si Haven para masaktan ulit ang anak mo? Ama ka ba talaga? Ang problema kasi sa'yo, hindi marunong maghintay at tuklasin ang katotohanan. Kung ano ang naririnig  mo sa mga tsismis, iyon agad ang pinaniniwalaan mo. Naku, ewan ko lang kung ano ang gagawin sa'yo ni ate kapag nandito siya."

Hinilot niya ang kaniyang sintido dahil kanina pa siya naiirita sa kuya ng kaniyang asawa. Kung hindi lang ito nakakatanda sa kaniya, kanina pa niya ito nasuntok dahil sa inis.

"Kung andito lang si ate, sigurado akong kanina ka pa niya kinutusan niyon."

Napahimas siya sa kaniyang leeg. Mukhang na h-high blood siya sa pakikinig sa sermon nito.

"Sorry na okay? Wala na akong magagawa pa. Nagawa ko na ang plano ko. Ang mabuti pa sabihin mo na sa 'kin kung sino talaga ang pamilyang pumatay sa asawa ko."

Tumingin ito ng seryoso sa kaniya. Saka umiling-iling.

"Puntahan mo ang mga pamilyang Victores, at pagbayarin sa kasalanang nagawa nila sa kapatid ko na asawa mo. Bago mo ayusin ang lahat. Ayusin mo ang gulong ginawa mo. Sa paf
Gsira mo ng pagmamahalan nila Raxcer at Aurora. Sabihin mo sa anak mo ang totoong dahilan kung bakit nakipag-hiwalay noon sa kaniya si Aurora. Sabihin mo rin na ikaw ang may pakanan ng lahat. I-tama mo na ang lahat ng pagkakamali mo. Bago pa mahuli ang lahat," seryosong saad sa kaniya ni Moris.

Napahinga na lamang siya ng malalim.

Ngayon niya pinagsisisihan ang lahat.

Sana nga hindi pa huli ang lahat.

Sana maaayos pa niya ang gulong sinimulan niya.

Ang gulong ginawa niya sa kaniyang anak na si Raxcer at kay Aurora.

Mapatawad sana siya ng mga ito.

Pinagsisisihan niya ang lahat ng kaniyang ginawa. Ngayon niya lang nalaman ang katotohanan

Sa ngayon, kailangan niyang pagbayarin ang may tunay na sala.

Ang mga pamilyang pumatay sa kaniyang pinakamamahal na asawa.

...

#VS1BM

Ate Sari, <3

Bad ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon