Kabanata 31: Victores versus Vorex
NAGPUPUMILIT na makawala ni Raxcer mula sa mga tauhan ni Haven.
Ngunit hindi siya basta-basta makawala rito. He need to find a time. Para iligtas si Aurora at ang tatlong lalaking pinapalibutan na ng mga tauhan ng kanilang kalaban.
"Ano ngayon mga Vorex at Samontes? Wala kayong laban sa 'kin! Hindi niyo ako maiisahan! Never! Wahahaha!" Biglang sigaw ni Haven.
Tinitigan niya ito ng masama.
Napatingin siya sa direksyon ng babaeng minamahal. Malapit na itong ipasok ng mga lalaki sa isang malaking kahon.
Ano ang pina-planong gawin sa kanila ni Haven? Papatayin ba sila sa loob ng kahon?
Kailangan na niyang maka-isip ng paraan.
Nilibot niya ang paningin sa garden ng mansyon kung saan sila naroroon. Wala ni isa siyang makitang kahina-hinala. Wala ang mga pulis na tinutukoy nito kanina.
Maaari na bang patay na ang mga ito?
Nang malapit na siyang ipasok sa loob ng kahon. Gumawa siya ng aksyon. Gagamitin na niya ang natutunan niya sa martial arts.
Sinuko niya sa panga ang isang lalaki at mukhang natamaan niya ito ng sakto. Nawalan ng malay.
Ang isa naman ay binalian niya ng leeg.
"Pigilan niyo siya!" Sigaw bigla ni Haven nang makita ang kaniyang ginagawa.
Sumugod ang mga tauhan nito sa kaniya. Tumakbo siya papunta sa direksyon ni Aurora at binigyan niya ng suntok ang isang lalaking naka-hawak rito.
Dinala niya sa kaniyang likod si Aurora. Nang sumugod sa kanilang direksyon ang mga kumupulang tauhan ni Haven.
"Mga hangal! Akala niyo hahayaan ko kayong makatakas? Hindi! Dahil dito kayong mamatay lahat!" Galit na galit na sigaw ni Haven sabay paputok ng baril nito sa itaas.
Nagsimula nang mag-rambulan. Kinuha niya ang baril ng isang lalaking nawalan ng malay dahil sa kaniyang suntok.
Ibinigay niya ang isa kay Aurora na nasa kaniyang likuran at ang isa ay kaniyang inilagay sa bewang. Kumuha siya ng isa at hinawakan iyon.
"Hindi ko hahayaang mangyari iyon, Haven! Sisiguraduhin naming ikaw ang mamamatay sa lugar na ito!" Narinig niyang sigaw ng kaniyang Ama.
Hinila niya si Aurora at tumago sila sa isang puno.
SINA Don Haris nama'y tumago sa isang pader na sira na upang hindi lang matamaan ng bala.
Maya-maya sunod-sunod na putukan ang lahat. Gumawa na ng aksyon ang mga pulis na kanina pa naka-kubli sa paligid. Nabawasan ang kanilang bilang nang ang ilan sa kanila'y natamaan ng kalaban.
Sadyang magaling ang ilang tauhan ng mga Victores sapagkat hindi pa rin ito natatamaan ng bala.
GALIT NA galit si Haven nang masira ang kaniyang plano. Hindi siya makakapayag na dito na lamang hahantong ang kaniyang mga pinag-hirapan. "Sisiguraduhin kong dadanak ang inyong dugo sa mansyon kong ito mga Vorex at Samontes! Sisiguraduhin ko iyan! Hindi niyo ako mapapatay!"
Ilang taon niyang hinintay ang pagkakataong ito at hindi siya makakapayag na mauuwi na lamang sa wala ang lahat.
"Kellex, umalis ka na at tumakas. Ako na ang bahala rito," wika nito sa kapatid na nasa kaniyang tabi.
Umiling-iling ito, "hindi kita hahayaang iwan dito Kuya. Plano natin itong dalawa, kaya't sabay nating labanan itong magkasama."
"Hindi ako papayag na may masamang mangyari sa'yo kaya't tumakas ka na habang hindi pa malala ang labanan, sa pagitan ng ating mga kalaban!"
Hindi ito nakinig sa kaniya. "Buo na ang desisyon ko Kuya. Hindi kita iiwan kahit na ano ang mangyari."
Napahinga na lamang siya ng malalim at wala nang nagawa.
"Kayo, protektahan niyo ang kapatid ko. At ang tatlo sa inyo sumunod sa 'kin," baling niya sa kaniyang mga tauhan.
Sumunod sa kaniya ang tatlo nang umalis siya sa kaniyang pinag-kukublian. "Mag-iingat ka Kuya Haven. Salamat sa lahat Kuya, mahal na mahal kita."
Nilingon niya ang kapatid at siya'y tumango. "Ikaw rin mag-iingat ka. Salamat rin sa lahat at mahal na mahal ka rin ni Kuya."
Pagkatapos niya iying sabihin tumakbo siya sa kabila at nag-tago sa bench na nasa kanilang garden.
Wala pa ring tigil ang putukan. Nauubos na rin ang kaniyang mga tauhan. "Tapusin na natin ito mga Vorex at Samontes! Huwag na nating papatagalin pa!" Sigaw niya.
Pinaputukan niya ang pinagtataguan ng tatlong matanda.
Nainis siya at napa mura nang hindi niya ito natamaan.
Napatigil lamang siya sa pagmumura nang makita niya ang kapatid na tinamaan ng bala. Mulagat siya habang tinitingnan itong pabagsak sa lupa. "Kelleeeeex!"
Napatingin siya sa direksyon kung saan nanggaling ang tunog ng putok ng baril at nagtagis ang kaniyang bagang nang makita si Raxcer.
"Papatayin kitang hayop ka! Papatayin kita Raxcer, pagbabayaran mo ang pag-patay mo sa kapatid ko!"
Tatlo na lamang na tauhan ang nagitira. Iyon ay ang naka sunod sa kaniya.
Umikot siya sa kabilang mansyon.
Bago siya mamatay sa araw na ito. Sisiguraduhin niyang may mamamatay na mahal sa buhay ni Raxcer. Ipaghihiganti niya ang kaniyang kapatid.
BUMALING si Raxcer kay Aurora. Ngunit nawala ito sa kaniyang likuran.
Napatigalgal siya nang makita ang babaeng minamahal na hawak-hawak ng kalaban.
Hawak ni Haven ang babaeng mahal niya.
Tumayo siya at tinutukan ito ng baril.
"Bitawan mo siya Haven!"
Bakas ang takot sa mukha ni Aurora. Sa ganoong sitwasyon parang pinapatay ang puso niya.
Humahalakhak ang lalaki. "Sa yingin mo bibitawan ko ang babaeng mahal mo ng ganoon na lamang basta-basta? Nah, pinatay mo ang kapatid ko kaya"t dapat lang na patayin ko rin ang babaeng mahal mo."
"Huwag mong gagawin iyan. Magkamatayan--"
Bang! Bang! Bang!
"Auroraaaaa!"
...
#VS1BM
Ate Sari, <3
BINABASA MO ANG
Bad Man
Action#In Watty'sPH Longlist 2018! "I will no longer your good man, Aurora. I am now your bad man." - Raxcer 'Ace' Vorex. He wants to be love. He wants your attention. He wants your heart. He wants you to be claim by his property. But, you break his hea...