Kabanata 19

422 13 0
                                    

Kabanata 19: Mahal Parin Kita

NANLALAKI ang nga mata ni Aurora nang makapasok siya sa kaniyang silid na ang bumungad sa kaniya ay ang topless na si Raxcer.

Parang gusto na niyang kumuha ng kanin at gawing ulam ang katawan ni Raxcer. Napababa ang tingin niya at napalunok siya nang towel lamang ang nakabalot roon.

Para hindi siya mapagkamalang nambubuso siya rito tumikhim siya't umiwas ng tingin. "A-ano..kukunin ko lang ang pinagkainan mo. Pero hindi mo pa pala nakakain. Aalis na ako.."

Akma na sana siyang tatalikod nang bigla siyang hawakan ni Ace sa kaniyang kanang braso.

Bigla siyang napalunok ng kaniyang laway.

Hindi siya sanay sa ikinikilos ngayon ni Ace. Mas dapat talaga na cold ito sa kaniya at galit, iyon dapat para hindi siya mailang.

"Ma-may kailangan ka?"

Hindi talaga siya sanay ngayon. Lalo pa't topless ngayon si Ace at ang lapit pa nito sa kaniya. Hindi siya makahinga ng maayos dahil ang bilis ng tibok ng kaniyang dibdib.

Tinitigan siya sa mata ni Ace saka ngumiti ito sa kaniya na para bang ang saya-saya nitong masilayan siya. Biglang nanlambot ang kaniyang puso at napangiti rin siya.

Inipit ni Ace ang ilang hibla ng kaniyang buhok sa kaniyang tainga. "Alam mo bang napakaganda ng gising ko ngayon, Aurora dahil ikaw ang una kong nakita?"

"Ra-raxcer, a-anong..."

"Hindi na ako magpapanggap pa ngayon sa'yo Aurora. Hindi ko na kaya pa ang magsinungaling pa sa nararamdaman kong ito para sa'yo. Ayaw ko nang patagalin pa ito. Handa kong kalimutan ang lahat ng pang-iiwan mo sa akin noon Aurora. Basta't mahalin mo lang ulit ako. Dahil hanggang ngayon, ikaw at ikaw parin ang nilalaman nitong puso ko. Mahal parin kita Aurora. Mahal na mahal parin kita."

Nanlalaki ang mga mata ni Aurora habang nakatitig sa seryosong mukha ni Raxcer.

Totoo ba ang kaniyang narinig mula sa lalaki o isang imahinasyon niya lamang?

Umiling-iling siya. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito sa kaniya.

She is out of her mind. Nalutang bigla ang kaniyang diwa.

Paniniwalaan pa ba niya si Raxcer?

Totoo nga ba ang mga sinabi nito o pakana lang nito iyon para tuluyan siyang mahulog sa bitag nito? "Raxcer..hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa'yo--"

"I know. Alam ko namang dito mapupunta ang lahat ng mga ginawa ko sa'yo. Sino ba namang maniniwala sa mga sinabi ko sa'yo ngayon kung simula't sapol naging masama ang pakikitungo ko sa'yo. Pero handa kong gawin ang lahat, Aurora. Para mahalin mo muli ako at paniwalaan. Gagawin ko ang lahat para patunayan sa'yong mahal na mahal parin kita,", madamdaming usal ni Raxcer saka siya nito hinalikan sa kaniyang noo.

Ramdam niya ang sensero at pagmamahal sa halik na iyon ni Raxcer. At kung araw-araw na patunayan nito na mahal parin siya mukhang nasa delikado nang sitwasyon ang puso niya.

Should she risk again for Raxcer or Raxcer is the one who risk for her love?,

Napapikit siya sa halik na iyon ni Raxcer. Sa noo palang iyon nag-huhurumintado na ang kaniyang puso. Paano na kung sa mga labi na niya iyong dumampi't halikan siya?

"Please Aurora, let me in again in your life. I will do everything only for your love..please Aurora. Let me in.."

Tinitigan niya ng seryoso si Ace.

Napahinga siya ng malalim.

Bahala na kung ano ang kahihinatnan ng desisyong gagawin niya.

Hindi narin niya kayang magpanggap pa. Sa ngayon iisipin nalang muna niya ang isinisigaw ng kaniyang puso.

"Raxcer you don't have to.."

Nakita niyang biglang nanlumo ang mukha nito at nadismaya sa narinig nito mula sa kaniya.

Napapikit ito at napalayo sa kaniya ng kaunti. "I know. Naiintindihan kita Aurora. Naiintindihan ko kung ayaw mo na akong maging parte ulit ng buhay mo. Naiintindihan ko kung hindi mo na ako ma---"

"You don't have to do that. Dahil simula pa noon hanggang ngayon mahal parin kita. Ikaw lang ang tanging sinisigaw ng puso kong ito Raxcer. Tanging ikaw lang at kahit na kailan hindi na iyon pa magbabago.."

Maya-maya gumuhit ang kakaibang ngiti sa mga labi ni Aurora nang makita ang reaksyon ni Ace sa kaniyang mga sinabi.

Tulala itong nakatitig sa kaniya at nakanganga. Hindi nakakilos at parang nagulat rin sa mga sinabi niya.

"Raxcer.."

"To-totoo ba ang narinig ko?"

"Oo, hindi ka nagkamali ng rinig, mahal ko.."

Sa isang iglap lang. Yakap na yakap na siya ni Ace ng napaka-higpit.

Batid niya sa yakap na iyon ni Raxcer ay sa mga oras na ito ay napakasaya nito. "Damned, Aurora. You don't know how happy I am when I hear those words from you. Say it again, mahal ko."

"Mahal kita, mahal ko."

Mas humigpit pa ang yakap nito sa kaniya. Talagang hindi na siya papakawalan pa ni Raxcer 'Ace' Vorex.

"Mas mahal kita, mahal ko. Mas mahal na mahal kita."

Parang ayaw na niyang gumising kapag isang panaginip lamang ang lahat nang 'to.

...

#VS1:BM

Ate Sari, <3

Bad ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon