Kabanata 10

534 17 0
                                    

Kabanata 10: Her Heart Says

INIS NA INIHAGIS ni Ace ang susi ng kaniyang kotse sa kaniyang kama. Kanina pa siya naiinis. Hindi siya mapakali kung ano ang gumugulo sa kaniyang isip.

Galit na galit siya kay Aurora pero bakit nag-aalala siya para dito?

Galit siya at hindi nag-aalala, pero bakit ganoon? Bakit apektadong-apektado siya sa kaniyang ginawa kay Aurora.

Hindi siya pwedeng maawa sa babae. Ang pamilya nito ang isa sa dahilan ng pagkamatay ng kaniyang Ina. Kung kaya't, dapat lang na pagbayarin niya ito sa kasalanang ginawa ng pamilya nito.

Dinampot niya ang kaniyang cellphone sa mesa na kalapit ng kaniyang kama.

May tatawagan lang siya. Inilapit niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang tainga. He need his help, this time.

Nagri-ring na ang cellphone nito. Ang cellphone ng kuya Ramson niya. Isa itong investigator. Kung kaya't, kailangan na kailangan niya ang tulong nito.

Ang kuya Gardon naman niya ay isang doctor. Hindi man halata sa pag-u-ugali at katindigan nito pero iyon ang totoo.

Si Hellias naman ay isang abogado. Kung kaya't, kung may mga kasalanan silang magkakapatid sa batas ito ang palagi nilang taga-pagtanggol.

Si Zandro naman ay isang speed racer. Wala pa kasi itong balak sa buhay kung kaya't, nag-e-enjoy pa ito sa kabataan nito.

"Hello, napatawag ka yata? May kailangan ka?" Bungad agad sa kaniya ng kuya Ram niya sa kabilang linya.

Napatawa siya ng mahina. Hindi niya aakalain na alam agad nito ang pakay niya. "Kuya, Ram. Tama ka, may kailangan nga ako sa'yo," panimula niya.

"So..what is it?" Tanong na nito na parang inaasahan na talaga ang pakay niya.

Huminga siya ng malalim. Iba talaga kapag ang kuya Ram niya ang hinihingian niya ng tulong. Hindi ito nag-da-dalawang isip at wala ng tanong-tanong sa kaniya.

Iyon ang gusto niya. Nakukuha niya agad ang bagay na nais niyang makuha.

Tumingin siya sa kisame ng kaniyang silid, bago nag-salita. "I want you to investigate, about the childhood life of Aurora Samontes."

Narinig niya itong humagalpak ng tawa dahil sa sinabi niya. May nakakatawa ba sa sinabi niya? Dahil sa pagkaka-alam niya walang nakakatawa sa sinabi niya.

Hinilot niya na lamang ang kaniyang noo, "just do what I want, kuya Ram. Huwag mo nalang akong pag-tawanan. It's not funny anymore, okay?"

Napatigil ito sa pag-tawa dahil sa sinabi niya. "Sorry, okay? Last time I check, wala ka nang paki-alam pa kay Aurora. So why? Why are you now, interested to her? Noon pina-imbestigahan mo rin siya sa akin kung ano ang nangyari sa kaniya after five years, and then now again. You're asking me to investigate her childhood life? Tsk! Tsk! Tsk! I can't believe it."

Naikuyom niya ang kaniyang kamay dahil sa pagtitimpi niya ng inis. Iniinis na naman siya ng kuya Ram niya.

Akala niya hindi na ito magtatanong pero mukhang nagka-mali siya. "Just shut your dirty mouth, kuya Ram. I don't need to explain myself to you. I just want you to investigate her childhood life, thats it!"

"Oww, sorry my brother. But, I have no dirty mouth. I'm just a unloving man."

Hindi na siya naka-sagot pa rito nang ibaba na nito ang cellphone dahilan upang maputol ang kaniyang tawag.

Umiling-iling siya. Ngayon, tapos na ang investigate stage. He proceed now, on his next plan.

He can do everything to make fall in love again, the woman— Aurora Samontes to him.

Napangisi siya sa isiping iyon. Ano kaya ang mangyayari kay Aurora kapag unti-unti niyang sisirain ang puso nito ng tulad sa kaniya?

Well, he found out it soon. Yes, soon.

...

"LOKA! LOKA KA talaga, Aurora. Bakit hindi mo na lamang siya kidnap-in at kulungin? Pinapahirapan mo pa ang sarili mo kapag iyang madadaling steps lang ang gagawin mo! Hay, naku!" Reklamo ng kaniyang bestfriend na si Leyasa nang sabihin niya rito kung ano ang gagawin niya, para ma in love ulit sa kaniya si Ace.

Tiningnan niya ito ng masama, "hayaan mo na ako sa gagawin ko, Ley. I have to do it all, for the sake of his heart. I do everything to make him fall in love with me, again."

Tumaas ang isang kilay nito dahil sa kaniyang sinabi. Napangiwi siya dahil sa nakita niyang reaksyon mula rito.

"For the sake of his heart? Or, for the sake of your heart?"

"Ahh, basta. Ang importante ma in love ulit siya sa akin. And, thats final!" Wala na talaga siyang masasabi pa.

Gagawin nga ba niya ito para sa kapakanan ng puso ni Ace, o,  para sa kapakanan ng kaniyang naghihinagpis na puso?

Kinutusan siya nito sa kaniyang batok, "anong basta?! Mag-isip ka nga. Kailangan handa ka sa magiging resulta ng kagagahan mong ito, Aurora. What if, hindi na siya magkaka-gusto sayo? Handa ka ba?"

Napatigil ang kaniyang kamay sa ere dahil sa sinabi ng kaniyang kaibigan.

Napatingin siya sa mukha nito na puno ng pag-aaalala para sa kaniyang mararamdaman.

Hindi niya maapuhap ang kaniyang isa-sagot para dito. Paano nga ba kung hindi na siya mamahalin ni Ace? Handa nga ba siya para doon?

Bakit hindi niya kasi agad naisip iyon? Posible, palang mangyari iyon?
"Ang lakas kasi ng tiwala kong mai-in love siya sa akin. Maski ang tanong na iyan, hindi ko manlang naisip? Oh, for goodness sake! This is pathetic!"

Napasampal siya sa kaniyang mukha. Hindi niya na alam kung ano ang dapat niyang gawin. Maybe this is the time to give up, on her plan.

Hindi na niya gagawin ang mga plano niya to make Ace, fall in love with her again. Susuko na siya.

Umiling-iling siya, "ayaw ko na, Ley. Suko na ako."

Piniktusan siya nito sa kaniyang noo. Nakaka-dalawa na talaga ang Leyasa na ito sa kaniya.

"Bruha ka! Sumuko ka na lamang kung alam mong nai-ibigay mo na sa kaniya ang lahat, at wala ka paring napapala. Naiintindihan mo?"

Tumango-tango na lamang siya sa sinabi ni Leyasa sa kaniya.

Wala na siyang naiintindihan pa. Basta ang itatatak niya sa kaniyang isipan ang huli sa kaniyang sinabi ni Leyasa.

"Tama, susuko na lamang ako kapag na-ibigay ko na ang lahat sa kaniya at kung wala paring nangyayari. Basta ang importante, mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Ace."

...

#VS1:badman

Bad ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon